C H A P T E R 5 2

1.1K 83 2
                                    

Mikaella's PoV

"T-totoo nga." nanginig ang tuhod at boses ko ng masilayan ang nakangiting mukha niya.

Nag-unahan sa pagbagsak ang masaganang luha sa aking mata.

"T-totoo ba ang nakikita ko?" tanong ko kay Zachareus na ngayon ay nakaalalay na sa siko ko dahil napansin niya ang panginginig ko.

"Oo Mikaella, totoo ang nakikita mo. Totoong totoo." nakangiting aniya sakin dahilan para mas lalong bumugso ang damdamin ko.

Nag-umpisang pumasok sa alaala ko ang ilan sa mga masasayang karanasan na kasama ko siya.

Ilang taon na ang lumipas pero ganoon pa din ang itsura niya, tumanda man tignan pero iyon na iyon pa rin katulad ng nagrerehistrong itsura niya sa isip ko ngayon habang naaalala ko ang mga nangyari sa mga lumipas nang taon.

Akala ko sa larawan ko na lamang siya makikita pero ngayon ay nasa harap ko na siya.

"Lapitan mo na siya Mikaella." narinig kong paguudyok sa akin ni Zachareus.

Gusto kong lumakad palapit sa kanya, gusto ko siyang yakapin, gusto kong hawakan ang nakangiting mukha niya pero tila napako na ako sa kinatatayuan ko.

"A-apo. ." napapikit na lamang ako kasabay ng patuloy na pag-agos ng mga luha sa mata ko ng marinig ang kalmado niyang boses. Boses na hindi ko akalain na maririnig kong muli.

"Lo. .lo-lola!" hindi ko alam kung saan pa ako kumuha ng lakas para makatakbo palapit sa kanya. Ang alam ko lang ng mga oras na iyon ay gusto kong yakapin siya.

Muli akong napapikit ng sa wakas ay maramdaman ko ang mainit niyang yakap.

Totoo nga, totoo nga na buhay siya. Napakasarap sa pakiramdam na muli ko siyang masilayan at mayakap.

"Kamusta na apo ko?" nakangiti ngunit lumuluhang tanong sa akin ni lola ng maputol ang aming yakapan.

"Masaya po ako lola. Masaya dahil nakita ko po kayo ulit."

"Masayang-masaya din ako apo ko. Hindi ko akalain na aabutan ko pa ang oras na ito, na makita ulit kayong mga apo ko." ani lola na ngayon ay nakatingin na sa bandang likuran ko. Napalingon din ako sa likod at doon ko nakita ang palapit na sila Mama, Papa, Kuya Michael, Mia at sila tito Melvin, tita Cynthia at Kuya Vincent.

Pagbalik ko ng tingin kay lola ay nahagip ng mata ko ang nakasulat sa gilid ng eroplanong sinakyan nila.

019- Princess Lala

Lala

Lala

Lala. .

Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng sakit doon.

"Ayos ka lang ba Lala, apo ko?" napatingin ako kay lola dahil sa tinawag niya sa akin.

Lala..

Lala..

Muli ay napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit na ngayon ay patindi na ng patindi kasabay ang mga alaala na kusang pumapasok at nagrerehistro sa isip ko.

Naririnig ko sila at ramdam kong may nakaalalay sa akin ngayon, nakikita ko sila pero bakit ganito? Tanging ang sakit lang na nararamdaman ko ngayon sa ulo ang naiintindihan ko.

Patuloy ang pagpasok ng mga alaala sa akin nang bigla na lang naglaho na parang bula sila lola at ang buong pamilya ko maging ang mga tauhan namin ay hindi ko din makita pero naririnig ko ang mga boses nila, hanggang sa parang matinis na tunog na lamang iyon dahilan para mahawakan ko ang parehong tenga ko at bigla ay hindi na ako makahinga ng maayos.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Where stories live. Discover now