C H A P T E R 6 2

1.1K 92 9
                                    

Mikaella's PoV

"Don't worry Cassey dahil magkakabalikan din kami. I will not going to give her up."

Mga salitang masarap sana sa pandinig at nakakapagdulot ng saya para sa akin pero hindi.

Hindi ako dapat magpadala sa mga salita niya. Hindi ako dapat bumigay, ito ang dapat, may isa nang napahamak at hindi ako papayag na may dumagdag pa.

Hangga't nakikita nila na malapit kami sa mga Fuentabella ay mas lalo pa silang gagamitin laban sa amin.

"Ayos ka lang ba Mika?" tanong sakin ni Cassey.

"Oo naman. May naalala lang ako."

"Alam mo gusto kong magtampo dahil  ayaw mong mag kwento sa akin tungkol sa nangyari sa inyo ni Fuentabella pero pilit kitang iniintindi. Siguro nga ganun kahirap sa'yo na magtiwala sa akin. Medyo feeling ko lang na ang unfair kasi kapag ako even the smallest thing alam mo. Yun lang, you know naiintindihan ko naman pero----. " I cut her off. Mahaba habang dramahan na naman kasi.

"I broke up with him nung 1st monthsary namin." malungkot na sinabi ko. Naalala ko na naman kung paano siya nagmakaawa sa akin na wag siyang hiwalayan. Sobrang sakit pa rin talaga, lagi akong napapatulala at hindi maiwasan na lumuha sa tuwing maaalala ko yung itsura niya.

"What?! Pero paano? Bakit?"

"Remember the day na nagmall tayo after Chanel's debut?"

"Aha, natatandaan ko pa, iyon yung inistorbo mo ako sa pagtambay ko maghapon sa higaan. That's the same day of your monthsary."

"I met Kenneth after you left me sa mall. Hinatak niya ako papunta sa rooftop at sinabi niya sa akin na may alam siya tungkol sa plano ni Misael Saavedra na barilin ang Daddy ni Kiel, warning shot dahil gusto daw gamitin ni Misael si Tito Kier, siguro para may susuporta sa mga masasamang plano niya sa amin, I don't know how Misael did that. Paano niya nagagawa na mag offer ng ganun sa isang tao kahit na wanted siya, maybe he has an ace in his hands, we don't know pero yun nga sabi ni Kenneth gusto daw ni Misael na gamitin si tito pero tumanggi daw sa offer si tito Kier kasi ayaw niyang masangkot sa gulo. "

"Sinabi din niya na gagamitin talaga ni Misael lahat ng mahahalagang tao sa pamilya namin that's why I need to stay away from them kasi mapapahamak sila kapag hindi ako lumayo. Sobrang nakakaawa siya Cass, kung nandun ka lang. Kahit ako hindi ko alam kung paano ko kinaya na iwan siya kahit na umiiyak na siya at nagmakaawa."

"You're such a bad girl." nagpapahid ng luhang ani Cass, pati siya ay nahawa na sa emosyon ko.

"I know, grabe yung ginawa ko sa kanya pero parang nawalan ng saysay lahat dahil binaril pa rin nila si tito Kier."

"Bi-binaril? You mean si Misael Saavedra ang mastermind?" tumango ako bilang tugon.

"Kaya mas lalong dapat ko silang layuan Cass, kahit sobrang hirap kasi napamahal na talaga sila sa pamilya namin even si Manang Estrella."

"Hindi ka rin naman masisisi eh, kahit ako baka ganun din ang gawin ko kung ako ang nasa pwesto mo. But come to think of it. Kiel really loves you, kahit na sinaktan mo siya pero tignan mo naman yung sinabi niya kanina di ba? Ehem.. Don't worry Cassey dahil magkakabalikan din kami. I will not going to give her up." pinalaki pa ni Cassey yung boses niya habang ginagaya yung sinabi ni Kiel kanina.

"Parang hindi ko na nga kaya eh. Gusto ko ng bumigay Cass. Gusto ko siyang yakapin at sabihin na kami na lang ulit, pero sa tuwing naiisip ko na mapapahamak lang sila eh natatakot na ako."

"Duwag ka Mika." napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Iyon ang alam kong tama Cass."

"I know pero baka may iba pa namang dahilan? You love each other pero sumuko kayo agad. No, ikaw lang pala."

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें