C H A P T E R 45

1.3K 92 3
                                    

"I love you, Happy New year PB ko. Masaya ako na kasama kita hanggang sa huling mga segundo ng taong ito at kasama pa rin kita sa pagsalubong sa panibago. Sana ay hanggang sa magtapos ang parating na taon ay magkasama pa rin tayo, at hanggang sa susunod pang mga taon ng buhay natin." paulit-ulit yan sa isip ko habang nakatapat sa maligamgam na tubig mula sa shower ang katawan ko. Yung luha ko walang tigil sa pagtulo, nasasaktan ako sa totoo lang.

Inaamin kong lutang ako mula ng lumabas kami ni Kuya Michael sa training room. Sa lahat ba naman ng nalaman ko eh. Ngayon hindi ko alam kung paano ako kikilos, paano ako makikisalamuha, paano ko haharapin si Kiel.

Nahihiya ako sa kanya, pakiramdam ko ay hindi niya ko deserve, ako ang una niya sa halos lahat ng bagay, kiss, hug, girlfriend.

Eh ako? Ngayong nalaman ko na hindi pala siya ang first kiss ko at hindi ko alam kung pure pa ba ako, I feel wasted, I feel dirty. Pakiramdam ko ay hindi ako karapat-dapat sa isang Kiel Dominic Fuentabella.

"I love you, Happy New year PB ko. Masaya ako na kasama kita hanggang sa huling mga segundo ng taong ito at kasama pa rin kita sa pagsalubong sa panibago. Sana ay hanggang sa magtapos ang parating na taon ay magkasama pa rin tayo, at hanggang sa susunod pang mga taon ng buhay natin."

Sorry mahal ko pero sa tingin ko hanggang dito na lang tayo, nakapag pasya na ko eh. May darating pa siguro sa'yo na mas better sa akin, yung karapat-dapat sa'yo. Sorry kasi hindi na mangyayari yung hiniling mo na sana sa susunod na mga taon ng buhay natin ay magkasama pa rin tayo.

Gustong-gusto kong tumanda kasama ka, gusto kong matupad natin yung mga pangarap natin ng magkasama, pero sa tingin ko hindi ako karapat-dapat sa'yo. Mahal na mahal kita pero patawarin mo ko kasi hanggang dito na lang tayo.
Kung dumating man ang panahon na malaya pa rin tayong dalawa..siguro tayo nga ang para sa isa't-isa. Bata pa naman tayo eh, marami pang pwedeng mangyari, marami pang babae na darating at makikilala mo. Iyong bagay sa'yo, iyong kalevel mo, iyong karapat-dapat, iyong ipaglalaban ka kahit anong mangyari, iyong matapang kahit anong pagsubok na dumating.

Sa ngayon ay hindi ako yun. Paano ako magmamahal ng iba kung alam ko sa sarili ko na sakin mismo ay may kulang? Na hindi ako buo? Parang hindi ko kilala ang sarili ko ngayon, tuwing humaharap ako sa salamin ay hindi ko na makita yung dating Mikaella na tahimik ang buhay, walang gustong pumatay, walang kaaway, walang kinasusuklaman. Hinahabol man pero ng aso lang o bola hindi tulad ngayon na patalim, bala ng baril at matatalim na paningin ang palaging nakasunod at humahabol sa akin.

Ayokong mapahamak ka, ayokong madamay ka sa galit nila kasi mahal kita. Mahal na mahal kita Kiel.

"I love you." maramdaming tugon ko sa lalaking nagpapatibok ng puso ko, pinagmasdan kong mabuti ang maganda niyang mukha, napakagandang lalaki ng mahal ko pero baka ito na ang huling beses na makikita at mapagmamasdan ko siya ng malapitan. Tumingkayad ako at pilit na inilapit ang labi ko sa labi niya. Masaganang luha ang naguunahan ngayong pumatak sa aking mga mata. Nasasaktan ako pero alam ko na wala itong sakit na to sa sakit na ibibigay ko sa kanya kapag bumitaw na ako.

"I'm always here for you mahal kong PB. Kahit anong mangyari sana wag kang bibitaw sa atin." natigilan man ako sa sinabi niya dahil parang kakasabi ko pa lang na hanggang dito na lang pero ito ngayon at sinabi niya ang mga salitang wag akong bibitaw.

Pinilit kong tumawa kahit na patuloy pa sa pagtulo ang mga luha ko.

"Ang drama mo ngayon Mr. Kiel Dominic Fuentabella. Anong nakain mo, ha?" I tried my best to sound funny at mukhang effective naman dahil gumanti siya ng biro sa akin. Sa mga oras na iyon ay ngumingiti siya at tumatawa ng dahil sa akin.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin