C H A P T E R 44

1.3K 119 4
                                    

Kiel Dominic Part 2

"Can I talk to you Dad?" kanina pa ko humahanap ng tiyempo. Alam ko na may okasyon pero hindi na ko makapaghintay na malaman ang totoo.

Bakit ganun ang nangyari? Lumalabas na kami ang extra, na pangalawa lang kami. Na hindi kami ang legal na Pamilya ni Mommy.

"Seems like you want a serious talk. May problema ba?" aaminin ko na medyo awkward ang pakiramdam dahil ngayon na lang ulit kami nagkaroon ng ganito kaseryoso at kahinahon na usapan ng ama ko. Mula kasi ng iwan kami ni Mommy labing dalawang taong gulang pa lang ako ay nagbago na ang pakikitungo sakin ni Daddy. Hindi ko na siya makausap ng maayos o mahinahon, palagi siyang nagagalit.

Parang nagkaroon ng pader sa pagitan naming dalawa at mas tumaas pa ang pader na iyon ng suwayin ko ang gusto niya.

Civil Engineering ang kinuha kong course sa halip na Business Management, galit na galit siya sakin dahil dun kaya nagpursige ako academically. Gusto kong patunayan sa kanya na iyon ang gusto kong career, na dun ako masaya, dun ako magaling, dun ko mas maipapakita at mapapatunayan ang sarili kong kakayahan.

Nasa sala kami ng mga Corpuz at nakita kong umakyat sa second floor si Tito Mikael kaya agad kong kinuha ang pagkakataon para kausapin si Dad inaya ko siya sa labas na pinaunlakan naman niya, marahil ay nararamdaman niya na kanina pa ko patingin-tingin sa kanila ni Tito Mikael.

Sa garden area kami pumunta dahil tingin ko mas makakapag usap kami dun ng maayos.

"I saw Mommy." bungad ko agad ng makarating kami sa garden. Ramdam kong natigilan si Daddy sa sinabi ko. Hindi agad siya nakakibo sa narinig.

"Galit ka pa ba sa kanya?" maya-maya ay tanong niya.

"I don't know Dad."

"Hindi ka dapat magalit sa kanya Son."

"Please tell me everything. Nalaman ko na mas matanda pala sakin si Thaddeus, ang anak niya kay Timothy Claverias."

Bumuntong hininga si Daddy at magsasalita na sana ng biglang sumulpot si Kyla.

"Hey Dad and Kuya, why are you here po?" tanong niya samin, nagkatinginan na lang kami ni Daddy.

"Nothing hija, just having a small talk."

"You are not fighting again right?" muli ay nagkatinginan kami ni Daddy and it pained me, kahit walong taong gulang pa lang si Kyla ay napaka talino na nito at batid kong nauunawaan na niya ang mga nangyayari at tumatatak sa murang isip nito ang mga naging pagtatalo namin ni Daddy in the past.

"Of course not baby, why are you here anyway? Malamig dito bakit hindi mo sinuot ang jacket mo?" ani Daddy na bahagya pang yumuko upang haplusin ang buhok ng kapatid ko.

"I'm looking for you Daddy to confirm something."

Nangunot ang noo ko at ganoon din ang ama namin. "What's it baby?" malambing ang boses na tanong ni Daddy.

"We are going to spend our night here po ba? I want to sleep here Dad, I want to hear ate Mika's bed time story too together with Miacah." naglalambing ang boses ni Kyla.

"Of course anak if that's what makes you happy."

"Yey! Thank you so much Daddy! Still you are the best! And you too Kuya. I love you both! Tara Kuya ate Mika's looking for you kanina." hinila ako ni Kyla sa kamay napakamot na lang ako at tumingin kay Daddy.

"Go on hijo, we can talk some other time." nanghinayang ako sa chance na makausap si Dad but I have no choice.

"Ahm, yes Dad." pahabol na sagot ko na lang dahil hila na ko ni Kyla papasok sa bahay. Napahinto ako ng huminto si Kyla sa paglalakad.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora