C H A P T E R 6 8

1K 72 5
                                    

"Kayong dalawa na ni Seph ang magtabi anak." ani tita Leah kay Loree. Halatang binubuyo yung dalawa.

Agad napasimangot si Loree at padabog na sumakay sa tabi ni Seph sa harap ng van. Nagkatinginan na lang kami nila Cassey at pasimpleng bumungisngis. Magkakatabi kami nila Megan, Jomzel at Cassey sa likod ng van. Sa gitna ang mommy at ate ni Loree katabi si Savanna at April.

Biglaan kasi ang pagbabago ng desisyon ni tita Leanah, sa isang resort na lang daw ng kaibigan niya na ninang ni Loree kami magcecelebrate para less hassle. Pagkain na lang ang kailangan naming bayaran sa resort dahil libre na ang entrance at isang malaking cottage na kubo since hindi naman kami pwedeng mag-over night dahil kinabukasan ay Linggo at kailangan namin magpahinga para sa lunes ay hindi kami mga mukhang galing sa digmaan pagpasok sa school.

Mabait ang Mommy ni Loree, kalog naman at madaldal ang ate niyang may pagka kikay. Dahil nga biglaan ang desisyon kaya marami sa amin ang hindi nakabasa nung chat ni Loree sa gc ng Class A kaya halos lahat kami ay walang dalang swimsuit.

Since resort ang pupuntahan namin kaya kailangan naka proper swim wear daw kaya yung mga walang dalang pampalit ay dumaan muna sa Mall para bumili. Isa na ako dun kaya nagamit ko na naman ang mahiwagang credit card ko. Hindi kami bumili nung one piece o two piece, karamihan sa amin ay rush guard lang ang napili. Ako naman ay ganoon din, ternong Fila long sleeves cropped top at shorts na may libreng sumbrero, ganoon lang din ang kay Cassey pero hindi cropped ang sa kanya, iyon dapat ang gusto ko kaso naunahan na niya ko at wala na din daw stock nun kaya napilit nila ako na yun na lang Fila ang bilhin ko. No choice na rin naman dahil ako na lang pala ang hindi pa nakakabili.

Sa antipolo ang beach resort ng kaibigan ni tita Leanah, wala pa naman masyadong traffic at hindi rin nakakainip ang biyahe dahil nagkakantahan kami sa loob ng van. Ang kulit ng ate ni Loree at nangingibabaw ang boses niyang matinis. Natatawang napailing-iling na lang ako habang pinapakinggan sila na kantahin ng malakas yung A thousand miles ni Vanessa Carlton.

~~Making my way downtown
Walking fast, faces pass and I'm homebound
Staring blankly ahead, just making my way
Making a way through the crowd
And I still need you
And I still miss you
And now I wonder
If I could fall into the sky
Do you think time would pass me by?
Cause you know I'd walk a thousand miles
If I could just see you, oh, oh
If I could fall into the sky
Do you think time would pass me by?
Cause you know I'd walk a thousand miles
If I could just see you
If I could just hold you tonight~~

Sumigaw pa sila ng "Woooooooh!" nung natapos ang kanta parang mga sira lang sabay tawanan. Nakikanta kanta din naman ako maging sila Cassey, Megan at Jomzel pero yung dalawang magkaibigan sa harap ay tahimik lang at kung minsan ay nakikitawa. Hindi ko alam kung ano ng balita o kung may progress na ba sa relasyon nila pero pansin ko na parang medyo iwas si Loree.

"Nandito na tayo!"

"Obvious naman engot!"

"Ay nagsalita ang matalino!"

"Wag nga kayong magtalo! Nakakahiya sa mommy ni Loree!"

Napailing na lang ako sa magugulo kong kaklase. May nagbatukan pa at naghampasan. Yung iba nagtatakbo na sa dalampasigan.

Sumunod naman ako kila Loree, pumunta kami sa receptionist dahil kukuha daw ng suite para sa mga gamit at para hindi na din hassle sa pagpapalit ng damit.

Nagkayayaan agad na mag swimming, dalawa ang kwarto ng suite kaya pinagbukod ang mga lalaki at babae, 24 ang lahat ng Class A, 12 na boys at 12 na girls kami plus si tita Leanah at ate Lorielle for a total of 26 in a suite, 14 kaming girls lahat sa isang room, pagpasok ay may tatlong kama at isang cr. Kanya-kanyang lapagan ng mga bag sa sahig, yung iba binagsak yung katawan sa malaking kama. Hati sa isang kama si Loree pati yung mommy at ate niya. Kami bahala na, di naman kami magoovernight siguro. Pwede naman kaming kumuha ng ibang kwarto in case magbago ang decision nila. Pwede ring magsiksikan na lang kami sa dalawa pang kama dahil malaki naman, o manghingi na lang kami ng dagdag na higaan sa hotel.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Where stories live. Discover now