Hindi ko ba alam kung nang-aasar lang si Trixielle pero kasi nasa harapan kon a ang hinihintay ko, wala naman kasi 'tong kaaalam-alan kung gaano ako kabaliw sa kuya niya.

"Who's the lucky man, Avon?" she keeps asking me questions about my man but little did she know that the man I'm talking about is her brother.

Balak kong pakasalan 'yang kuya mo, kaso sa panaganip lang.

"Already with someone, I see."

Tanga, ikaw kasi yung someone kaso ako lang ang umaasta sa ating dalawa. Manhid mo naman, kapitan!

"Tss, at least ako may someone na e' ikaw... single pa rin hanggang ngayon." hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na sabihin iyon sa kanya pero nakita ko ang pag-taas ng kilay niya na dahilan para mag-pakawala ako ng isang ngisi.

Sa tingin niya mapipigilan niya ang nararamdaman ko sa kanya? Malakas kapit ng puso ko sa kanya at sa tingin ko ay wala namang problema doon, hindi ako desperada dahil gusto ko lang ipakita kung gaano ko siya kagusto.

Ganon na rin ba ang mindset ng ibang tao na kapag babae ang nag-first move ay masasabihan na kaagad na desperada?

"Oo, single lang si kuya forever...takot kasi sa commitment."

Wow, takot pala sa commitment si kapitan.

"Are you malapit na kaagad?" Captain asked using his conyo words again the reason why I chuckled, him being conyo is the cutest for me.

Pakurot nga sa pisngi, kapitan!

"Yeah, madali naman siyang kaibiganin." ang sabi ni Trixielle habang naka-ngiti sa akin na dahilan para tumango nalang ako bilang sagot pero binaling ko kaagad ito kay Captain na parang hindi na maipinta ang mukha, parang kanina lang ay ang presko niya pero ngayon ay parang pinag-sakluban siya ng ulan.

"How about you, Trixielle? Do you have a boyfriend?"

"Yeah, he's kuya's comrade."

"Sana all jowa sundalo." bulong ko na dahilan para maramdaman ko ang tingin sa akin ni Captain, kung sa tingin niya ay siya ang pinaparinggan ko ay parang ganon na nga.

Argh! Literal na masaya ako na nakita ko ngayon si Captain, wala naman akong hihingin na rason kung bakit isang buwan siyang nawala dahil ang importante ay naka-balik na siya.

Parang pakiramdam ko ay binigyan ako ng pag-kakataon na makapag-simula ulit pero sana kasama ko siya sa pag-sisimula ko, sana nga ay hindi na siya umalis.

"Avon!" ang tawag sa akin ni Sharla na dahilan para maalis ko ang tingin kay Captain, kumunot naman ang noo ko ng makitang kasama ni Sharla si Jordan. Kumaway ito sa akin na dahilan para mapa-ngiti ako.

Jordan is my co-model, maganda ang hubog ng katawan nito na dahilan para isa rin siya sa mga kinukuhang model ng mga kilalang brands sa Pilipinas. I don't know why but I can see myself on this man, he's good when it comes to walking and also in posing.

"Hey, Jordan."

"Hey, beautiful." he greeted me the reason why I stepped forward to kiss him on the cheek. He smelled so good and looks good wearing his red coat, that's why I love his sense when it comes to fashion.

"Happy birthday, I got you Chanel." he raised the gift for my birthday the reason why I chuckled and punched his shoulders.

"Ang sabi mo sa akin ay hindi ka makaka-punta?"

"Tumakas ka nanaman sa manager mo no?" ang biglang singit ni Sharla na dahilan para mapa-kamot siya sa batok niya na para bang tama ang hinala ni Sharla, makulit rin kasi itong si Jordan na maging ang manager niya ay tinatakasan niya.

Color Of Surrender (High Class Issue Series #3)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin