Chapter 32 - 1,2,3,4 Pass

Start from the beginning
                                    

Dito kami sa dining table tumambay. Nasa sala kasi ang mahal na prinsipe hindi pwedeng istorbohin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapasigaw sa tuwa ng makita ko ang dala ni Michael.

Cards.

Oo as in cards. Iyong cards sa pagsusugal. Pero siyempre hindi kami magsusugal. Masama iyon. Naupo na kaming lahat. Tinuruan mo na namin si Annika sa gagawin. Madali lang naman siya.

Ang lalaruin namin ay 1,2,3,4 pass. Alam niyo yun?

"Every player ay bibigyan ng four cards. Tapos magpapasaan tayo ng cards sa katabi natin. Counter-clockwise ang takbo ng pasahan. Kung may makabuo na ng apat na parehong cards ay ilalagay kamay niya sa gitna ng mesa. Kung sino ang pinakahuli na makakapaglagay ng kamay niya sa mesa ay siyang talo. Ano Annika game ka?"

 

"Madali lang naman pala eh. Pero sandali lang"

Nasundan na lang namin ng tingin si Annika.

O__O

Paanong hindi lalaki ang mga mata namin eh bigla na lang niyang hinila si James papunta dito sa amin. Mukhang pasasalihin niya.

"Sali daw si James"

 

Sabi na eh. Tapos hinila pa nito si James sa tabi ko. Silang dalawa ni Mark ang katabi ko. Mukhang nag-aalinlangan mga kaibigan ko. Kahit naman ako no. Pero siyempre ang sama namin kung hindi namin siya pasalihin di ba. Anyway inexplain ulit ni Mark ang rule.

"Tssssk." Yan lang sagot niya. Suplado talaga kahit kailan.

"Sandali lang. Wala bang parusa sa talo?" - si Annika

"Ay oo nga pala. Ang matatalo ay pipitikin nating lahat sa noo." - si Chloe

 

"Hindi ba masakit yun?"

 

"Masakit talaga Annika. Lalo na iyang si Mark, ang sakit pumitik."

"O sige na,,,, sige na... Game na."

 

At binalasa na ni Mark ang mga cards. Tapos ay dinistribute. At simula na ng game.

1,2,3,4 Pass. Pasa kay ungas kuha kay Mark.

1,2,3,4 Pass

 

1,2,3,4 Pass

 

Sobrang lalaki na ng mga mata namin. Kailangan talaga sobrang focus. Seconds lang ang labanan dito. Nakatayo na nga kaming lahat na mga baabe sa upuan namin.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlWhere stories live. Discover now