13

14.1K 480 24
                                    


NAKATITIG sa salamin sa may banyo si Danielle. Pilit na inaaninag mula sa repleksiyon niya ang nakaraan.

Sino ba akong talaga? Bakit hindi ako makaalala? nanlulumong tanong niya sa sarili. Ipinikit ang mga mata at pilit na hinahagilap sa isip kung sino siya.

Bigla ay may mga tinig ang tila nag-e-echo sa isip niya. Mahal ko na siya... She would be my legal wife if we married. And I couldn't afford you to hurt her. Gusto kong lumabas sa pinag-usapan natin!

You're out of your mind, Calvin! You were taken by a pretty face. Nakalimutan mo na ba ang salaping nakuha mo na sa akin? O baka naman gusto mong solohin ang salaping mamanahin niya?

I'll pay you back... Pinagsisihan kong pumayag ako sa gusto ninyong mangyari. Kalimutan ninyo ang plano ninyo o makararating sa mga awtoridad ang lahat ng ito!

Hindi mo magagawa iyan dahil papatayin na muna kita!

Isang putok ang narinig ni Danielle sa isip niya. Kasabay niyon ay ang pagsigaw ng isang tinig na kung wariin ay kanya. Stop! No! No!

Butil-butil na pawis ang gumitaw sa noo ni Danielle. At sunod-sunod na paghinga ang ginawa kasabay ng pagmulat ng mga mata. Halos mabasag ang dibdib niya sa matinding takot. Tinig niya ang huli niyang narinig na sumisigaw.

Calvin... Calvin...

What happened to him?

She gasped aloud nang sa likod ng repleksiyon ng salamin ay makita niya si Aidan. Marahas ang paglingong ginawa niya.

"I didn't mean to startle you," hinging-pamanhin ng binata. "I knocked several times. Pero hindi mo yata ako naririnig." Lumalim ang pagkakadikit ng mga kilay nito sa nakikitang anyo ng dalaga. Halos takasan na ng kulay ang mukha niya. "What's wrong?"

Lumabas mula sa banyo si Danielle. Her knees felt like jelly. And she was still frightened. Mabuway na humakbang patungo sa silya.

Si Aidan ay hindi malaman kung hahawakan siya o hindi. She grasped the chair at nanghihinang naupo roon.

Napalapit sa kanya ang binata. "Did you remember something?"

"C-Calvin..."

"Calvin?" ulit ng binata. "Is that your last name? Calvin? Iyon ba ang ibig mong sabihin?" Umiling siya. "N-no," she said in a trembling voice. Tumingala sa binata. Her eyes pleading as if wanting him to help her.

"Oh god, Danielle, don't look at me like that. I want to help you and I feel so helpless right now. I'd do anything in my power to help you," usal ng binata at napaupo sa harap niya. He held both her cold and trembling hands.

Sa pagkakataong iyon ay hinayaan ni Danielle na hawakan nito ang kamay niya. She needed his comfort right now. In fact, she needed him to hold her in his arms. Bakit nangyayari ito sa kanya? Bakit hindi siya makaalala nang tuluyan? At kung mayroon mang kumikislap sa isipan niya ay hindi rin niya maintindihan. Nothing that made sense except that she was frightened. Dahil ba nararamdaman niyang may gustong pumatay sa kanya?

Sino ang gustong pumatay sa akin?

Ang mga taong pumatay kay Calvin! Pumatay kay Calvin!

Paano niyang nalamang patay na si Calvin? Her mind was filled with terror. Inilagay niya ang kamay sa bibig upang pigilin ang pahisteryang hikbi.

"What are you so afraid of Danielle? What did you remember? Is Calvin a man's name?"

"Yes. But I couldn't place him, Aidan," wika niya. Inusal ang pangalan ng lalaki sa kauna-unahang pagkakataon. And she felt good, felt somewhat safer. "I heard voices... Calvin's voice... and another voices from a man and a woman... wanting to kill him! Or maybe they killed him already!" Hindi niya namamalayang humihigpit ang hawak niya sa mga kamay ng binata. "Yes, I know he's dead! They killed him! I could feel it!" she added hysterically.

Kristine 17 - Panther Walks (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now