34

14K 519 78
                                    


MARAMING sandali ang lumipas na walang salitang namagitan sa dalawa. Sirena ng bombero ay maririnig sa di-kalayuan. Naunang tumayo mula sa damuhan si Danielle na ang pagkabigla'y hindi gustong ipamalas.

"Let's get out of here, Aidan," she said gently. Hinila niya ito palayo sa natutupok na bahay. Narinig niyang humugot ito ng malalim na paghinga habang nililingon ang natutupok na bahay.

Binuhat ni Aidan si Tata Marcos at isinakay sa Ford Ranger nito. "He's still breathing. May dugong natutuyo sa ulo niya. Umasa tayong hindi masama ang tama niya."


WALANG salitang namagitan sa dalawa hanggang sa makarating sa pinakamalapit na ospital. Agad na ipinasok sa ICU si Tata Marcos. Ginamot na rin ng mga doktor ang minor burns ni Aidan sa likod. At dahil hindi pa nila malalaman ang resulta ng pagkahulog ni Tata Marcos sa hagdanan ay minabuti ni Aidan na umuwi na muna sila.

Nasa daan na sila nang magsalita si Aidan. "Who was he, Danielle?"

Huminga nang malalim ang dalaga bago sumagot. "Damon Gonzales..." At ipinaliwanag niya ang sirkumstansiyang nagpaugnay kay Damon sa kanilang mag-ina. "Calvin was a new employee, isang medical representative. He was so sympathetic and was always there to give me support when Mommy died. There was no courtship, basta na lang nagkaunawaang magkasintahan kami. Isang araw ay niyaya niya akong sumama sa kanya pauwi sa Pilipinas. It was so sudden, at bagaman nabigla ako'y naisip kong pagkakataon iyon upang maasikaso ko ang property na naiwan ni Lola. Ilang beses na akong pinadalhan ng sulat ng abogado...

"Subalit hindi pa kami natatagalang naririto sa Pilipinas ay dumating si Ofelia... and of course, si Damon, na lihim sa akin ang pagdating. We all know now why. Tinakasan sila ni Calvin. At pagkakataon na rin upang mawala ako sa landas nila. Nang hapong iyon ay may usapan kami ni Calvin na magkikita sa Starbucks. He sounded apprehensive... at nagmamadali. Hindi siya nakarating sa tagpuan so I went to his house.... at doon ko narinig ang usapan nila ni Damon. I recognized his voice. He always had that Mexican accent. Then I heard the shot.

"Hindi ko napunang sumigaw pala ako. And they heard me. I ran. Though I didn't see him, alam kong hinabol ako ni Damon. Tumakbo ako sa lugar na maraming tao. Naramdaman kong may humablot ng purse ko. Ni hindi ko magawang sumigaw dahil makakakuha ako ng atensiyon, makikita ako ni Damon. Hindi rin ako makabalik sa bahay, naroon si Ofelia. Binalaan na ako ni Mommy tungkol sa kanila. Nang dumilim ay bumalik ako sa subdivision na tinitirhan ni Calvin. Gusto kong malaman ang nangyari sa kanya. I was tired and hungry and scared. I was on foot and it was dark, hindi ko nakita ang hukay para sa water pipe. Bumagsak ako roon at tumama ang ulo ko sa pipe..." Nilingon niya si Aidan na hindi siya inabala sa pagsasalita mula kanina. "You know the rest..."

Umigting ang mga bagang ni Aidan, muling gumuhit ang poot sa mga mata. Kung napatay ni Damon si Danielle, lumawak pang lalo ang kasamaan nito.

Binasag ni Danielle ang katahimikang muling namagitan. "Hindi nawalan ng pag-asa si Daddy na buhay ka. Nabalitaan niya mula sa mga katulong ninyo na nalaman ng mga masasamang-loob na nasa attic ka lang pala ng bahay ninyo. Pero nakatakas ka sa kanila. I was only three when it happened but my father kept on repeating the story to us tuwing matatapos ang alinmang board meeting sa kompanya.

"Ten years ago, nagpa-advertise ang daddy tungkol sa whereabouts mo. Many opportunists came forward. Some were even redskinned and claimed as Panther Walks. And I'm sure, ilan sa mga iyon ay inutusan ni Damon at Ofelia. Subalit walang pumasa sa huling pagsubok kaya itinigil na ni Daddy at ng mga abogado ang pag-aanunsiyo sa mga peryodiko..."

Kumunot ang noo ni Aidan at nilingon siya. "Ano'ng huling pagsubok?"

A faint smile came out of her lips. "Hindi ko maaaring sabihin sa iyo. You will soon know." Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Aidan. "Hindi ka naniniwalang ako ang tunay na Aidan Worth?"

She smiled sweetly. Hinagod siya ng tingin. "I do, Aidan. Naniniwala akong ikaw ang totoong Aidan Worth. Subalit hindi paniniwalaan ng mga abogado ang salita at damdamin ko lang. Fair is fair, dadaan ka sa pagsubok..."

"Damn! I couldn't care less kung hindi sila maniniwala!"

"You'd care, Aidan," she said softly. "Dahil ikaw iyon... karugtong ng kahapon ang ngayon."

Nawala ang inis sa mukha nito. He sighed deeply. "Kay tagal kong pinaghandaan ang pagkakataong makatagpong muli ang pumatay sa pamilya ko. At hawak ko na sa mga kamay ko ang buhay ng lalaking iyon kanina... yet I couldn't kill him. Nagtatalo ang puso't isipan ko..."

"Because you're not like him. You're a good man. And I'm glad you didn't kill him yourself."

Again, he sighed deeply. "I guess I am, too. But I would never know his reason for killing my family."

Nilingon ni Danielle ang binata. "Inisip marahil ni Damon na hindi na ako makaliligtas sa gagawin niyang pagsunog sa bahay kasama ako kaya may mga ipinagtapat siya tungkol doon."

Sandaling inalis ni Aidan ang paningin sa daan at tinitigan siya. Then asked eagerly. "What about it?"


Sinabi niya rito ang tungkol sa pagnanakaw ni Ofelia ng formula. "Your father caught him stealing it, Aidan. Binantaan ng ama mo na ipakukulong si Ofelia kung hindi nito maibabalik ang ninakaw niya. But it was too late. She sold it to another company, a competitor. I guess she gave the money to Damon. Damon said something about his debt. He didn't elaborate. And Ofelia got hysterical.

"Naalala ko minsan ang daddy na nagkomento tungkol sa isang secret formula na inumpisahan ni Jericho Worth. Hindi iyon natapos subalit bigla na lamang nawala. Dad even said the rest of the formula died with your father. It could have cured Alzheimer's disease. A few years later, isang kalabang kompanya ang naglabas ng gamot para sa Alzheimer's na bagaman hindi naman talaga lunas ay kailangan ng mga taong may ganoong sakit."

Tumaas ang dibdib ni Aidan sa paghugot ng paghinga. "Walang kabagay-bagay ang dahilan kaya nila pinatay ang pamilya ko." Nabasag ang tinig nito. Naapakan ang accelerator at bumilis ang takbo nila.

Hinawakan ni Danielle ang braso nito. "Many people were murdered for less, Aidan... He killed my mother, too. Sila ni Ofelia..."



*********************Grabe ang daming ganap sa kuwentong ito ni Aidan, nakakalungkot lang na matatapos na pala story nila ni Danielle. Ngayon ko lang naalala na tunog babae pala talaga ang name ni Aidan tapos kapag nagpa long hair pa siya mukhang na talaga siyang babae nohh ? Ano sa tingin n'yo mga beshie? 

Kumusta ang weekends n'yo? Lumandi ba kayo char hahahaha - Admin A *****************


PS: Nalulungkot ako sa mga balitang nasagap ko this past few days, sana hindi kayo kasama dun sa mga nambabash, gusto ko lang mag-enjoy lang tayo dito sa pagbabasa. Iwasan natin ang pagiging toxic kasi toxic na ang mundong ginagawalan natin, huwag na sana tayong dumagdag pa. Maging kakaiba sana tayong mga readers ni Ms. MC. Hindi gugustuhin ni Ms. MC na makikipag-away tayo sa ibang fandoms. Gugustuhin ni Ms. MC na mas tuunan natin ang pagbabasa ng iba't ibang akda para may matutunan tayo. Feeling ko, kung hindi natin gusto ang isang bagay o isang tao , huwag na sana tayong magsalita ng masama laban sa kanya o sa kanila, pwede tayong maging kritiko ng isang akda pero maging constructive sana para mas mag-improve pa tayo. Gusto kong iaangat ang ating pagbabasa at kaalaman kaya nga tinanggap ko ang pagiging isang Admin dito kasi alam ko gusto ni Ms. MC na ishare ang kanyang mga stories hindi lang sa atin kundi sa bagong henerasyon ng mambabasa. Kung hindi nila magustuhan ay ayos lang yun kasi may kanya - kanya tayong pansala sa mga akda na binabasa natin. Respect lang mga beshie yun lang at para tuloy tuloy lang tayo sa goodvibes. - Admin A *************** Ang haba pala ng note ko hahahaha char sorry na agad gusto ko lang ishare ang aking saloobin kasi nasasaktan ako sa tingin nila sa akin char #hugot101 hahahaha

Kristine 17 - Panther Walks (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now