12

13.8K 468 73
                                    


"PHYSICALLY, she's all right, Mr. Fortalejo. Wala akong makitang anumang dahilan upang pagmulan ng amnesia niya," wika ng doktor nang puntahan ito ng binata sa pribadong clinic sa ground floor building ng ospital.

"Tapos na bang lahat ang mga pagsusuri sa kanya, doc?"

"There are some blood tests na hindi pa nakararating sa akin ang resulta. Gayunman, I can safely say that there's nothing wrong with her. Sa katunayan ay maaari na siyang lumabas anumang oras."

"Saan siya pupunta, doc?" aniya, nagsasalubong ang mga kilay. "Ni hindi siya makaalala."

"Hindi malaki ang ospital na ito, hijo. At nakita mo naman sigurong kahit sa ER ay may mga naghihintay ng silid. Siguro naman ay may mga government agencies na maaaring pagdalhan sa katulad niya." may panghihinayang sa tinig nito nang sabihin iyon.

"Government hospitals? Social workers?" Lumalim ang kunot ng noo ni Aidan doon. Danielle's fragile image flashed his mind. Hindi nito matanggap ang ideya na mapasakamay ng mga social workers si Danielle. He was positive she didn't belong there.

"Yes. Puwede natin siyang ipadala sa ward sa PGH o di kaya'y sa San Lazaro. She would be treated there until she regained her memory."

"No, I don't think so," wika nito sa mariing tinig na siya man ay bahagyang nagulat.

Ang doktor man ay bahagyang nagulat subalit mataktika nitong naitago iyon. Sa halip ay tumango. "Naintindihan kita. She doesn't look destitute," wika nito, not wanting to stress the obvious. The patient was wearing designer's clothes. Not to add her jewelries. At pinigilan din nito ang sarili na idagdag na maganda ang babae, fragile and helpless at kahit sinong lalaki ay magkakainteres sa kapakanan nito.

Subalit sa likod ng isip nito ay naroon din ang pagtataka sa pagpapakita ng personal na interes ng binata, having known that the Fortalejos were normally surrounded by beautiful women. At ang isang nasa itaas ay hindi kakulangan lalo at wala naman sa kasalukuyan ang pag-iisip.

"Kung gusto mong manatili siya sa pribadong suite na iyon sa third floor ay nasa sa iyo iyon," patuloy nito. "I know you can afford it, hijo. Pero sana'y mauunawaan mong may mga taong higit na nangangailangan ng silid na iyon."

Tumango ang binata. "Wala ho bang ibang paraan, doc, upang mapabilis ang pagbabalik ng memorya niya?"

"I could try hypnosis with her. Baka maging daan iyon upang makaalala siya. Pero isinuhestiyon ko na iyon sa kanya kahapon at nakita ko ang takot sa mga mata niya. Hindi ko ipinilit. 

Magagawa ko lamang iyon kung sasang-ayon ang pasyente ng bukal sa loob." Sumandal sa high-backed chair nito ang doktor bago nagpatuloy. "O, di kaya naman ay maaari nating kuhanan siya ng larawan at ilathala sa mga peryodiko o sa televisions. Tiyak na may mga kamag-anak siyang maaaring magtukoy sa kanya."

"I will discuss the options with the patient, doc. Malalaman ninyo kung ano ang desisyon niya."




******************I'M BACK CHAR HAHAHAHAHA - Admin A*************

Kristine 17 - Panther Walks (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now