32

13.2K 455 20
                                    


"OH, GOD!" sindak na usal ni Danielle. Halos pagapang niyang sinilip si Tata Marcos sa bungad ng hagdan. Nakabulagta sa ibaba ng hagdan ang matandang lalaki.

"Don't worry, hindi ganyang kamatayan ang daranasin mo," wika ni Damon na hinawakan siya sa magkabilang balikat at itinaas.

Sa kabila ng nanghihina na siya sa panlalaban at sa sindak sa nangyari kay Tata Marcos ay patuloy sa panlalaban si Danielle. Nakalmot niya sa mukha si Damon.

"You b—" Isang malakas na sampal ang pinakawalan nito na halos magpawala ng ulirat niya.

Pakaladkad siyang dinala ni Damon sa silid niya. Inihiga sa kama at nang magtangka siyang bumangon ay muli siyang inundayan ng sampal.

"Bakit mas gusto mong nahihirapan, Danielle?" There was an ugly expression on his face. "Why don't you beg me to spare your life. Magmakaawa ka!"

"You'll never get away with this, Damon!" He sneered. "I've done away with many murders, my dear. Ipinangako ko sa sarili kong mamamatay na muna ako bago ako babalik sa kulungan!" Hinablot nito ang kumot at itinali ang mga kamay niya sa rehas na kahoy ng headboard.

"W-what are you doing?" Ang poot ay nahalinhan ng takot. She'd rather die kaysa pakialaman ang katawan niya ng lalaking ito.

Nabasa ni Damon ang nasa mga mata niya. Paismid itong tumawa. "Your money is more appealing to me than your virtue, Danielle."

Pagkasabi niyon ay lumabas ng silid si Damon. Pinilit ni Danielle na makawala sa pagkakatali ang mga kamay niya. Pumihit siya upang sa pamamagitan ng bibig ay makalas ang kumot. Subalit mahigpit ang pagkakabuhol niyon.

Mula sa ibaba'y naririnig niya ang mga ingay ng mga cabinet na binubuksan at pahampas na isinasara; ganoon din ng ingit ng screen door at ang pagbagsak nito. Pagkatapos niyon ay ang tila pagbuhos ng tubig. Narinig niya ang mga yabag ni Damon paakyat sa hagdanan. Then she smelt gasoline.

Gasoline!

She struggled to be free in horror. Binubuhusan ng gasolina ni Damon ang buong bahay. Susunugin nito ang buong bahay! At kasama siyang masusunog! Muling lumitaw sa pinto si Damon. Nakangisi ito at may hawak na lata ng gasolina. Paikot nitong binubuhusan ang buong paligid.

"Hindi ako ganoon kasama, Danielle," nakakalokong sabi nito. "Hindi ko bubuhusan ng gasolina ang kama mo para magkaroon ka ng pagkakataong maramdaman at panoorin ang apoy sa paligid mo. At sisimulan kong sindihan ang hagdanan pagkababa ko. Kakalat ang apoy patungo sa iyo at sa ibang bahagi ng bahay." Inihagis nito ang lata sa sahig at pagkatapos ay tumalikod. "'Bye, Danielle. By this time tomorrow, nasa Kentucky ako..."

Ni hindi niya makuhang sumigaw sa matinding poot at takot. Again, nagpilit siyang makawala mula sa mahigpit na pagkakatali.

Sa ibaba ng hagdan ay inismiran ni Damon ang nakabulagtang si Tata Marcos. Dinukot ang lighter sa bulsa upang sindihan ang hagdanan nang mula sa nakabukas na pinto sa sala ay sumungaw si Aidan.

"What is going on here?" Ang mga mata niya'y napatuon sa nakabulagtang katawan ni Tata Marcos.

Lumingon si Damon. Sandaling nalito. Hindi inaasahan ang pagdating ng ibang tao.

Si Aidan ay itinulos sa pagkakatayo. Napahawak sa panel ng pinto. Napapikit ang mga mata at sa sandaling iyon ay gumitaw ang eksena may labing-pitong taon na ang nakalilipas. An eleven-year-old boy watched his parents' dead bodies mula sa likod ng malaking puno. His sister Caroline's... his aunt's and uncle's... his grandparents'... and the Mexican man on the car, watching the slaughter of his whole family.

He opened his eyes abruptly. Ang mga mata niya'y sumusuyod sa kabuuan ng mukha ng lalaki. Si Damon ay kumunot ang noo sa pagkakatitig ni Aidan dito.

Aidan could never be wrong! Sa kabila ng pagkalito kung ano ang ginagawa ng taong iyon sa mismong bahay ni Danielle, ay naroon ang katiyakang hindi maaaring makahawig lamang ng taong ito ang may kagagawan sa pagkapaslang sa mga magulang niya. Nakatatak na sa isip niya ang mukhang iyon. Ni hindi nagawang burahin ng nakalipas na mga taon ang pagkakaukit ng anyo nito sa isip niya.

Seventeen years older but he was the same man. And now he came face to face with his parents murderer. Kung paano at bakit ito naroroon ay hindi mahalaga.

"Who are you?" His voice trembled with controlled fury. Inihanda niya ang sarili sa pagkakataong ganito subalit hindi niya inaasahang ganito katindi ang magiging damdamin niya. Nang may umagaw sa isip niya. Tumingala sa itaas. "Where's Danielle? Danielle!" he shouted her name. "Danielle!"

Mula sa itaas ay narinig ni Danielle ang tinig ni Aidan. She shouted back. "Aidan! Susunugin niya ang buong bahay!"

Iisang linya na lang ang mga mata ni Aidan sa pagkakatitig sa lalaki na itinaas ang lighter, flicked it, at lumitaw ang apoy.

Ngumisi ito sa kanya. "You can't deal with the fire and me at the same time, lover boy," wika nito. At pagkuwa'y idinikit sa balustre ang apoy sa lighter at agad na nagsindi ang lumang kahoy.

Walang salitang sinugod ni Aidan ang lalaki na panatag na kayang-kaya nito ang kalaban. Taller though, Aidan was young and a rich man's son. His muscles were earned through the gym. Hindi kakayanin ni Aidan ang katulad nito na bagaman matanda sa kanya nang maraming mga taon ay sanay sa pakikipaghamok. He could easily defeat him. At masusunog ang katawan ni Aidan sa loob ng bahay na iyon. Damon thought.

But little did he know that the young man was trained to fight and to kill. Na nadagdagan pa ng walang katumbas na poot para sa lalaki.

Naunang sumuntok si Damon subalit nakaiwas si Aidan at gumanti ng matinding flying kick. Bumagsak si Damon sa nag-aapoy na hagdan. He groaned in pain, at mabilis na iniwasan ang apoy na agad na kumalat paakyat sa hagdanan at sa paligid.

"That's for Caroline, bastard!" poot nitong sabi sabay yuko sa katawan ni Tata Marcos nang makitang dadaanan ito ng apoy. Mabilis na hinatak palayo patungo sa may bungad ng pinto. Dinama ng kamay niya ang pulso nito sa leeg. Buhay pa ang matanda.

Bumalik siya sa hagdanan upang pumanhik subalit isang suntok ni Damon ang bahagya na niyang naiwasan. He struggled para manatiling nakatayo at nang muling sumugod si Damon ay sinalubong niya ito ng magkasunod na flying kick. Ang una'y tumama sa mukha nito at ang pangalawa'y sa sikmura.

Blood sputtered from his nose and mouth. Halos mawalan ito ng hininga sa matinding sakit.

Sinamantala ni Aidan ang pamimilipit ni Damon at tumingala. "Danielle, lumabas ka riyan! Kumakalat na ang apoy!"

"I can't! He tied me up!"


He heard the panic in her voice. Fear consumed him. Hindi niya mapapanhik ang hagdanan dahil naroon na ang apoy. Marupok na ang kahoy at babagsak iyon anumang sandali.

Akma siyang tatakbo palabas nang mahawakan ni Damon ang paa niya. Muling nagpambuno ang dalawa.




****************Ang intense na talaga ng mga kaganapan dito HUHUHUHU - Admin A ***************

Kristine 17 - Panther Walks (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now