15

13.7K 488 31
                                    


BIHIS na si Aidan nang bumaba ng dining room. Inihahanda na ng ina ang pagkain niya.

"'Morning, 'Ma." Hinagkan niya ito sa pisngi. "Ang papa?"

"He left for Paso de Blas this morning. Tinanghali ka yata ng gising, hijo?"

"Gabi na akong dumating kagabi. Have you had breakfast?"

Tumango si Jewel. Sinalinan ng kape ang tasa niya. "Sinabayan ko na ang papa mo kaninang umaga."

He gave her adoptive mother a tender smile. Tuwina'y hinahangaan niya ito sa pagiging mabuting asawa't ina. Pagdating sa pamilya'y walang reserbasyon si Jewel. Silang mag-aama ang laging una para dito. Just as Catherine was, sa abot ng kanyang alaala. Alam niyang karaniwan na'y madaling-araw kung umalis si Bernard patungong Paso de Blas. And there had never been a time na hindi ito gumigising upang asikasuhin ang asawa.

"Join me and have another cup," alok niya. "No, thank you, darling. Your father had a heavy early breakfast. Nadamay ako," nakatawang sabi nito. Pagkasalin ng kape'y ibinaba nito ang percolator sa mesa at humakbang patungo sa bureau at may dinampot na envelope. "Nakita ko ito sa gym, hijo. Sa iyo ba ito?" Napatingala sa kisame ang binata at umiling kasabay ng pagpalatak. Inabot ang sobre mula sa ina.

"Nakalimutan ko na iyan, Mama. Iniwan ni Kurt iyan three days ago. He offered me a job."

"And?"

"Tinanggap ko. Though we haven't discussed it yet. It seemed na ang laman ng envelope na iyan ay ang una kong trabaho."

Nakita ng binata ang kasiyahan sa mukha ng ina. At kahit paano'y nakadama na rin siya ng kasiyahan. Ipinagpatuloy niya ang paghigop ng kape. Naglalagay siya ng butter sa toast nang muling magsalita si Jewel.

"How's your patient?"

"Oh!" he grimaced. "Hindi ko na nakita kung nai-flash sa morning news ang larawan niya." Ipinaliwanag niya sa ina na iyon lang ang tanging paraan upang matunton si Danielle ng mga nakakakilala rito. Hindi na niya sinabi ang mga sinabi ng dalaga na wala na itong pamilya at tungkol sa takot nito na may gustong pumatay rito. Dahil kahit siya'y hindi naniniwala roon. She might have been in an accident that caused her fear and memory loss.

"Wala pa ba siyang naaalala?"

He twisted his mouth drily. "He remembered her boyfriend's name." At naisip na baka ang kauna-unahang bisita ni Danielle bukas sa ospital ay ang nobyo nito. He didn't know why he hated the thought.

"Really." nanunukso ang tinig ni Jewel. Nakita ang pag-asim ng mukha ng anak. "Is she beautiful?"

Napahinto sa akmang pagsubo si Aidan. Gumitaw sa isipan ang mukha ni Danielle. The way she blushed nang bilhan niya ito ng mga underthing. May gumuhit na galit sa mga mata nito subalit sandali lang iyon. Nahalinhan iyon ng kalituhan at relief, na dagli ring nawala. Then the demure smile that made his loin ache.

"Drop-dead gorgeous... even in a hospital robe. And she doesn't wear any makeup."

Tumango-tango si Jewel. Amusement in her beautiful eyes. "No wonder you've got so interested, hijo." She didn't hide the undertone in her voice.

"And just what do you mean by that?" Nagsasalubong ang mga kilay na tiningala ni Aidan ang ina.

Jewel shrugged her shoulders at bago pa may masabi uli si Aidan ay tumalikod na ito. But he caught the mysterious smile that formed her lips. Naiiling na ipinagpatuloy ng binata ang pagkain.

Nang matigilan siya nang matuunan ng pansin ang envelope. Dalawang araw nga lang pala ang ibinigay ni Kurt sa kanya para sa trabahong iyon. Inihinto niya ang pagkain at dinampot ang Manila envelope. Binuksan iyon. Lumabas ang isang wallet size photo kasama ang ilang pirasong papel na marahil ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa trabaho.

Kristine 17 - Panther Walks (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now