21

12.9K 453 9
                                    


IT WAS an old high ceilinged three-storey house na ang ikatlong palapag ay kasinlaki lang ng isang silid na marahil ay ginagamit na lang na bodega. Yari sa kahoy at bato. Nakatayo ang bahay sa isang malawak, madamo, at mapunong solar sa Sta. Rosa. Bagaman malayo-layo ang pinakamalapit na kapitbahay dahil malaki ang lupang pag-aari ng lola ni Danielle ay malapit iyon sa isang modernong subdivision na ang gate ay limampung metro lang ang layo mula sa gate ng propiedad.

Sa harap ng bahay ay isang lumang pickup. Sandaling naisip ni Aidan kung gumagana pa ang sasakyang iyon. Pagkuwa'y ipinarada nito ang sariling sasakyan sa likuran ng lumang pickup. Hindi pa nito napapatay ang makina ay isang matandang lalaki ang lumabas mula sa malaking bahay. May ilang sandaling sinino nito ang mga bagong dating at nang lumabas si Danielle at Ofelia mula sa sasakyan ay nagmadaling sumalubong.

"Danielle!" bulalas ng matanda na ang tinig at mukha'y may bahid ng galak. Bahagya munang nag-alinlangan ito bago kinabig sa dibdib nito si Danielle. "Anak, saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang? Ano ang nangyari sa iyo?"

"T-Tata... Tata Marcos?"

"You remembered!" bulalas ni Ofelia Guevarra. Sandaling nawalan ng kulay ang mukha subalit hindi nagtagal iyon, tila may maskarang bumagsak sa mukha nito at nahalinhan ng isang ngiti ng kasiyahan. "W-why, I'm glad, Danielle!"

Umiling si Danielle. Pinaglipat-lipat ang paningin kay Aidan, sa matandang lalaki at kay Ofelia.

"I–I don't know how," naguguluhang sabi niya. "Bigla na lang pumasok sa isip ko ang pangalan niya."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" kunot ang noong tanong ng matanda.

"Naaksidente si Danielle, Marcos," sagot ni Ofelia. Hindi itinago ang hostility sa tinig. Kasabay niyon ay ang pagpapakawala ng maluwag na paghinga. "Nawala ang memorya niya at magpasalamat ka at nakilala ka niya. Ihanda mo ang silid ng alaga mo at nang makapagpahinga siya," utos nito at pagkuwa'y nagpatiunang lumakad patungo sa bahay.

"Kailan ho ba umalis dito si Danielle, Tata Marcos?" tanong ni Aidan sa matandang lalaki, na sa tantiya nito'y nasa singkuwenta y tres ang edad, habang sinisipat ang lumang pickup.

Napatingala si Tata Marcos dito na tila ba noon lang nito napansin si Aidan. Pagkuwa'y muling ibinalik ang nag-uusisang mga mata kay Danielle.

"Siya si Aidan, Tata Marcos," pagpapakilala ni Danielle. "Siya ang nakatagpo sa akin nang... nang maaksidente ako. Aidan, si Tata Marcos, ang... ang..." Hindi siya makahagilap ng idudugtong. Sa pagkaalala sa pangalan ng matandang lalaki nagtatapos ang pagkakakilala niya rito.

Sa naguguluhang anyo'y dinugtungan ni Tata Marcos ang sinasabi niya. "Ako ang katiwala ng lola ni Danielle, Mister Aidan. At doon sa tanong mo'y may isang linggo nang mahigit mula nang umalis dito ang batang iyan. Nagpaalam na makikipagkita sa nobyong si Calvin. Ang buong akala ko'y nagtanan ang dalawang iyan nang hindi bumalik kinagabihan si Danielle. Ang ipinagtataka ko'y ni hindi siya tumawag man lang. Hanggang sa ipahanap nga ni Ofelia."

May itatanong pa sana si Aidan subalit lumingon si Ofelia bago pumasok sa kabahayan at inanyayahang pumasok ang tatlo.

"Hindi na ako tutuloy, Dani," wika nito kay Danielle. "I'll call you as soon as I get home."

"Thank you... Narito si Tata Marcos. Nararamdaman kong hindi niya ako pababayaan..."

"Good." Nginitian nito ang matandang lalaki at naroon pa rin ang kuryosidad na muling sumilip sa lumang sasakyan. It was an old Ford pickup, 1970's model. Luma kahit ang upholstery na nasira na at nilagyan na lamang ng plastic tapes. "Kayo ho ba ang gumagamit nito?"

Tumango ang matanda. "Paminsan-minsan kapag ako'y nagtutungo sa groserya para mamili ng mga kailangan dito. Luma at kinakalawang na ang sasakyang iyan pero hindi pa ako itinirik minsan man, amang," nakangiting sabi nito, sabay sulyap sa makintab na four-wheel drive ni Aidan na para bang ipinahihiwatig na papalya ang Ford Ranger niya subalit hindi ang lumang pickup. "Buhay pa ang lolo ni Danielle ay ginagamit na ang pickup na iyan."

Tumango si Aidan, agreeing with the old man. "Naniniwala ho ako sa inyo. Tiyak ho na mahusay ang pagkakamentina ninyo sa sasakyan." The old man who seemed flattered smiled at him. Aidan smiled back, bago tumingin kay Danielle. "Take good care..."

"Thank you, I will."

Malayo na ang pickup ni Aidan ay nakasunod pa rin doon ang mga mata ni Danielle. "Totoo ba ang sinabi ng tiya mong hindi ka makaalala, Danielle?" may kalituhang usisa ni Tata Marcos sa kanya.

Nahahapong tumango ang dalaga. "Maraming mga bagay akong hindi maalala, Tata Marcos. Si... si Tiya Ofelia ay hindi ko maalala..."

Dumilim ang mukha ng matanda. "Hindi ko gusto ang ugali niyang tiyahin mo. Malayong-malayo sa iyong ina. Kung hindi siya minsang naipakilala sa akin ng mama mo noong nagbakasyon kayo rito'y hindi ako maniniwalang pinsan ng mama mo iyan."

She forced a smile. Gustong pagaanin ang dibdib. Marahil ay talagang hindi ang uri ni Ofelia Guevarra ang madaling mapalapit sa tao. Baka ang dahilan din ni Tata Marcos ang dahilan niya sa nararamdamang pangingilag dito.



***************Pasingit - singit lang ang update ko now huhuhu :( - Admin A *************

Kristine 17 - Panther Walks (UNEDITED) (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ