29

13.5K 459 18
                                    


NANANAKIT ang buong katawan ni Danielle nang magising. Kumikirot ang mga paltos niya sa palad na marahil kung hindi nilagyan ng ointment ni Aidan kagabi ay malamang na nagtubig. Her shoulder and her arms ached.

She looked around the familiar room. At nang maalala ang dahilan kung bakit naroon siyang muli sa guest room ng mga Fortalejo ay napabangon. Ang pagkabitin niya sa ere at ang pagkakakapit sa sanga at ang pagbagsak niya ang sanhi kung bakit nananakit ang buong katawan niya.

Bumukas ang pinto at pumasok si Aidan. May bitbit itong tray ng umuusok na almusal.

"Good morning..." bungad nito.

"'Morning..."

"Kumusta ang mga kamay mo?"

"They hurt... my body, too." "It's expected. Tinalo mo si Jane sa ginawa mong pagbitin sa sanga ng bayabas..."

"J-Jane who?"

Umangat ang mga kilay ni Aidan. Inilapag ang tray sa night table. "Me Tarzan, you Jane..." He grinned.

"Oh."

Alas-diyes sa relo sa mesa. "I'm glad you slept well, Dani. You needed that rest after what happened."

"Thank you..." she said softly. Inabot ang kape at tinantiya bago humigop. Pagkatapos ay tumingala kay Aidan. "Ikaw? Hindi ba nanakit ang katawan mo sa pagkakahiga sa sofa?"

"It more than ached. You drove me crazy all night," he said huskily. His eyes moved up and down her body with obvious desire. She looked soft and warm in the morning. Ang pajama top na tinanggalan nito ng butones kagabi upang tingnan ang likod ng balikat niya'y nakalaylay. Her freckles were like gold dust on her shoulder. And he longed to run his tongue on those tiny freckles.

"W-what does that mean?"

Aidan saw something that looked like memory stir in her brown eyes. Kinuha nito ang tasa sa kamay niya at ibinalik sa tray. Pagkatapos ay niyuko siya.

"You remember, don't you?"

She was suddenly aware of his nearness. Her eyes on his as she raised her face to him. "Only that... that someone was whispering words of comfort to me... that's all."

He would have had to have been blind upang hindi nito makita ang inosenteng imbitasyon sa mga mata niya. And he would have had to have been deaf not to hear the desire on her soft voice. And he would have had to have been made of steel upang hindi tumugon.

"Then I'll make you remember it all," he whispered and then slowly, deliberately, giving himself time to change his mind, giving her time to move away, he bent his head.

Danielle sighed softly when his mouth touched hers. When his teeth nipped her lower lip, she moaned. Itinaas niya ang mga kamay patungo sa leeg ng binata and pulled him closer.

And then he was lost. Tulad ng una nitong angkinin ang mga labi ng dalaga'y muling inakala ni Aidan kung ano ang aasahan, subalit tulad din ng una'y nagkamali siya. The feel of her soft lips, her taste, rocked him all the way to the bone.

Sa unang paglapat pa lang ng kanilang mga labi, Danielle's passion exploded, wild, hot, and free. Aidan's kiss was meltingly soft. And she submitted to him mindlessly, desperately wanting.

His mouth and tongue enticed... seduced. Malamig ang air-conditioned na silid, but as his lips moved from her lips to blaze a flaming kisses up to her cheek and down to her throat, may pakiramdam si Danielle na nagbabaga ang balat niya.

She reached for him, framed his face with her hands and dragged his mouth back to hers. "Kiss me, love me, Aidan..."

"Hindi pa ba iyan ang ginagawa ko?" he murmured huskily. His lips nuzzled at her temple, her ear, his teeth bit her earlobe gently.

Then he found her mouth again with unerring accuracy. Iniyakap pa ni Danielle ang kanyang sarili nang higit. She longed for something more than just touching and kissing.

Aidan's fingers tangled in her hair, raking through the thick strands. Sa kabila ng lahat ng matitinong pangangatwiran, ng maraming taong sinanay na pagpipigil sa sarili, Aidan knew that he'd go out of his mind if he couldn't have more. He raised his head and looked down into her eyes. "Tell me to stop..."

"Stop," she said along with a soft moan when his hand moved to cover her breast.

"You don't mean that," wika nito sa pagaw na tinig. He raised her pajama top at hinalinhan ng bibig ang kamay.

"Then don't make me say something I don't mean..." She arched against him and offered more, habang marahang inuusal ang pangalan nito.

Aidan had expected the pleasure and he had known it would be heaven in her arms. But he'd never expected there would be pain in wanting her. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, his body ached for a woman. His blood burned and was pounding in his head and in his veins.

He hated rough sex, subalit sa mga sandaling iyon he felt like ripping her clothes off. Patience and self-control made him not to do so.

She seemed so small against him. She felt so fragile. Nadadama nito sa mga palad ang tibok ng puso niya. And he could imagine making sweet and slow love to her right now. Danielle, provocative, tempestuous images that were every bit dangerous, tulad ng kinakaharap ng dalaga sa kasalukuyan.

He could take her now. Napakadaling gawin. It was damn tempting. Iyon ang iniuutos ng katawan at isip nito. And it was also damn wrong, to take advantage of a confused and scared woman na nagkanlong at sa kanya tumakbo sa oras ng panganib.

Humiwalay ang mga labi nito mula sa dalaga at isinubsob sa leeg niya. Tila naghahabol ng paghinga. After a long aching moment, nag-angat ng katawan si Aidan.

"A-Aidan?" Her eyes wide, confused with desire, habang nakatitig sa kanya.

Inilagay nito ang nanginginig na mga daliri sa mga labi niya upang awatin ang ano pa mang tanong na ibabangon ni Danielle.

"But—I don't understand..."

"Ako rin, Dani... ako rin." Isinuklay nito ang mga kamay sa buhok. Pagkuwa'y nilingon siya at inayos ang pajama top niya na tumaas hanggang dibdib.

"T-then why?" Hurt in her voice. "Y-you don't find me desirable enough?"

Gusto nitong matawa sa tanong na iyon... para sa sarili. Pagkuwa'y itinaas ang kamay at hinaplos ng likod ng palad ang pisngi niya.

"I'm seldom very noble, Dani. Today must be one of them." Pagkuwa'y nilingon ang tray ng almusal. "Malamig na ang kape at pagkain mo. Ipakukuha ko sa katulong iyan at papapalitan ng iba."

Nanatili siyang hindi nagsasalita kahit nang tumayo si Aidan at humakbang patungo sa pinto at lumabas. Banayad nitong isinara ang pinto. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya at tumitig sa kisame. Hindi pa namamatay ang apoy na sinindihan ni Aidan sa katawan niya. She'd been hovering on the brink of madness, kaunti na lang at nagpaangkin na siyang tuluyan dito. At the glorious and frightening moment in time, she would have gone willingly.

But just as she had been about to give herself up, pinakawalan siya ni Aidan. She felt embarrassed and ashamed. Kusa siyang nagpatangay... matinding tumutugon sa bawat dantay ng mga labi at kamay nito sa katawan niya.

"G-ganoon ba ako?" she asked herself miserably. Naalalang boyfriend niya si Calvin. Had she been that passionate to Calvin as she had been with Aidan? She wanted to erase from her mind the heated kiss... Gusto niyang ituon ang kaisipan sa suliraning kinakaharap kaysa sa kasiyahang nadarama niya tuwing nakikita niya ang binata. Why, she could be falling in love with him already.

Namangha siya sa daloy ng isip niya. Pilit niyang sinisikil ang pagkalat ng damdaming iyon sa kaisipan at puso niya.

Mabilis siyang tumayo upang ayusin ang sarili. Kailangan niyang bumalik sa Sta. Rosa. She must be very foolish to think na may anino siyang nakita sa loob ng bahay nang nakabitin siya sa balustre. For all she knew, reflection lang iyon ng mga puno sa dilim tulad ng una niyang naisip. And she was glad she didn't tell Aidan about it.



***********************Naku, mukhang nalalapit ang pagtatapos ng kuwentong ito. :( Ngayon pa lang nalulungkot na ako para kay Danielle at Aidan. Pero mas nakakalungkot yung namimiss ko kayo char hahahaha - Admin A **************

Kristine 17 - Panther Walks (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon