1

20K 606 36
                                    


"HI."

Mula sa pagtakbo sa treadmill ay napalingon si Aidan sa pinto ng gym.

Si Kurt. Humakbang ito papasok at niyuko ang pinakamabigat sa mga dumbbells at bale-walang itinaas pagkatapos ay ibinaba ring muli.

"Paano mo nalamang narito na ako? Kararating ko lang noong isang gabi, ah," ani Aidan. Inabot ang tuwalya sa di-kalayuan at nagpahid ng pawis sa mukha. Pagkatapos ay dinampot ang bote ng distilled water sa mesa at ininom.

"Hindi naman siguro lihim ang pag-uwi mo para hindi ko malaman, 'di ba?" sagot ni Kurt, a faint smile on his lips. At hinagod ng tingin ang binatang kumikislap ang mapulang katawan sa pawis. Not an ounce of excess flesh on his body. Muscled chest, arms and legs na nakuha sa training nito sa SEAL. But the muscles were just right, not the Arnold Schwarzenegger type. Ibinaba ng binata ang bote ng tubig pabalik sa mesa. "Pagkatapos ng trabaho ko sa Mexico ay hindi miminsan kang tumawag."

"And you never returned any of my calls." Ang mga mata nito ay nanatiling sumusuri sa kaharap. Maliban sa kulay ng balat ay walang makapagsasabing hindi siya isang tunay na Fortalejo though he was the tallest.

Aidan was an American citizen. When the Fortalejos adopted him, he retained his citizenship. Iyon ang isa sa malaking dahilan kung bakit hindi ito nahirapang makapasok sa SEAL. Yet he talked, moved, and lived like a Fortalejo. Just as hardworking as the family that adopted him. Just as attractive, too, like the devil himself. Subalit may palagay si Kurt na bale-wala sa binata ang katangian niyang iyon.

Kurt knew women would give anything, mapansin lamang sila ng binata. He was tall, over six feet, and beautiful. With trim and sleek body na tila nililok ng isang iskultor mula sa pinakamatigas na kahoy.

Aidan wore his hair long. Like a real bronzed skin half-breed. But was Aidan a half-breed? Hindi kaya katulad din niya ito na ikaapat na bahagi na lang ng lahi ang banyagang dugong nananalaytay sa ugat?

The color of his skin doubled his attraction. And tripled by being aloof and quite. At tulad sa isang panther, mailap.

"What do you want?" deretsong tanong ng binata na pumukaw sa pagsusuri ni Kurt. "I'd like to offer you a job."

"May trabaho ako. They took me even before I was out of the camp three years ago."

Huminga nang malalim si Kurt. Aidan was young, only twenty-nine. Napakabata para masubo ang buhay sa panganib. Subalit may palagay siyang sadyang hinahanap nito ang panganib. And Aidan reminded him of himself before he married Jade. And he had his reasons. Pero wala itong alam kung ano ang kay Aidan.

Duda ito kung may isa sa pamilya niya ang nakakaalam tungkol sa tunay na pagkatao ng binata. O kung saan ito nanggaling. At kung may pamilya itong iniwan. Marahil kahit si Bernard ay hindi alam iyon, o kahit si Jewel mismo. Tahimik ang binata. The only persons that could make him laugh were the three women in his family. Lalo na si Jessica.

Hindi nito itinatago ang affection sa nakababatang kapatid. Sinabi rin ni Jade sa kanya na kahit noong bata pa si Jessica ay naroon si Aidan na tila laging gustong proteksiyunan ito. He loved his younger sister too much to a fault. Sa mga mata ni Aidan, Jessica could never do wrong. Kurt had even have this feeling that Aidan would kill anyone who would hurt his younger sister.

Not that Aidan didn't love Julianne. Far from it because he loved all his sisters. Pero hindi gusto ni Julianne na tratuhin siyang bata kahit noong nasa elementarya ito. At ten, gusto na ni Julianne na magdalaga. Kumikilos at nagsasalita na tila munting dalaga. Habang si Jessica ay malambing sa mga kapatid na lalaki.

Ibinalik ni Kurt ang pansin sa pinag-uusapan at tumango. "Yeah. At ang ikatlo mong assignment ay sa Mexico. Nabigyan ka ng rekomendasyon dahil kung hindi sa iyo'y baka napatay ang Ambassador." Agad na napuna ni Kurt ang sandaling pagdilim ng mga mata ng binata, ang pagtiim ng mga bagang, at ang pagguhit ng pait sa mga mata nito. Alam nito na inilagay ni Aidan ang sariling buhay sa panganib dahil sa pagtitiwala sa isang babae. And that particular woman was a hitman.

"Hindi mo dapat isinubo ang buhay mo sa panganib nang paganoon lang," patuloy nito. "You are good, Aidan. But very impulsive... and a lousy judge of character when it comes to women."

"Inaasahan mo bang itatanong ko sa iyo kung paano mo nalaman ang lahat ng iyan?" Aidan's mouth twisted bitterly.

Tinitigan ni Kurt ang hindi pa gaanong naghihilom na pilat sa balikat ng binata na sanhi ng patalim bago nagsalita. "Alam kong kaya ka umuwi ay dahil nalaman mong naospital si Tita Jewel nang malaman ang nangyari sa iyo," anito at hindi pinansin ang sinabi niya.

Hindi sumagot si Aidan subalit tumalim ang mga mata sa pagkakatitig sa bayaw sa pinsan. "Work for me, Aidan. Hindi ka kailangang lumabas ng bansa dahil narito sa Pilipinas ang mga ipatatrabaho sa iyo. Hindi mag-aalala ang Tita Jewel dahil Maynila pa rin ang homebase mo."

"Bakit ako?"

"Bakit hindi ikaw?" he countered. Pagkatapos ay ngumisi. "Mapapaluguran mo si Tita Jewel at the same time ay nagagawa mo ang gusto mo sa hindi gaanong mapanganib na gawain."

Pagkabanggit sa ina ay napahugot ng marahan subalit malalim na paghinga si Aidan. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyaring masama kay Jewel.

"All right, anong trabaho?" Lumapad ang ngisi ni Kurt. Mula sa bulsa ng polo shirt ay dinukot ang isang long brown envelope. Inilapag sa mesa.

"Nariyan ang larawan at kapirasong detalye. See me in my office tomorrow morning. Pag-usapan natin ang detalye ng trabaho mo." Iyon lang at humakbang na si Kurt patungo sa entrada ng gym palabas.

Subalit hanggang sa makaalis si Kurt ay hindi pinagkaabalahang lapitan ni Aidan ang envelope. Bumalik ito sa pag-e-exercise. At nang mapagod ay lumabas ng gym. Tuluyang nawala sa isip ang envelope.



***********Aidan miss na kita, parang pagkamiss ko sa mga beshie natin dito char hahahaha. Kwentuhan n'yo naman ako mga beshie, I'm so sad eh char hahahaha - Admin A ************

Kristine 17 - Panther Walks (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now