3

15.9K 494 31
                                    


ANG MASSACRE sa pamilya Worth ay balita sa buong Kentucky. Marami ang nanggilalas sa krimeng naganap. Ang mga kaibigan ng mga Worth ay hindi makapaniwalang nagpapahayag ng iba't ibang opinyon at kuro-kuro tungkol sa nangyari. Subalit iisa ang sinasabi ng lahat—ang pamilya Worth ay tahimik na mga tao.

Marami ang nanghihinayang dahil ang sinisimulang negosyo ng magkapatid na Jericho at David Worth ay unti-unting gumagawa ng pangalan sa larangan ng mga gamot.

At nakalagay rin sa peryodiko ang pagkawala ng panganay na anak ni Jericho Worth. May nagsasabing baka tinangay ng mga kriminal. May nagsabi namang baka nakuhang makatakbo sa ilog at tinangay ng agos at maaaring patay na rin.

NASA itaas ng attic ng bahay nila ang batang si Aidan. Dalawang gabi na siya roon. Ni hindi siya nagpapakita kahit sa mga katulong. Wala ring naghihinala kahit na sino na naroroon siya. Alam niya ang lahat ng galaw sa bahay nila. Ang mga matagal na nilang katulong ay naririnig niyang nag-aalala sa kanya. Kung buhay ba siya o patay na rin.

Kapag tulog na ang lahat ay maingat siyang bumababa patungo sa kusina upang kumuha ng pagkain at tubig at dinadala sa attic. Pagkatapos kumain ay muling tahimik na iiyak. Iniiyakan ang pagkawala ng mga magulang at kapatid. Ng buong pamilya. And he was very scared. Sa murang kaisipan ay nakatatak ang sinabi ng abuelo.

They will kill you, too, Panther Walks... Don't trust anyone...

Mula sa kinalalagyan niya ay nakikita niya ang paglabas-masok ng mga tao sa bahay. Mga kaibigan at kakilala ng mga magulang. Mga nakikisimpatya at nakikidalamhati. Bawat isa ay nagtatanong kung nasaan siya. Maging ang mga pulis ay naroroon din parati.

Gabi na at nagsasara na ng mga pinto at bintana ang mga katulong nang marinig niya ang pagparada ng sasakyan sa harap ng bahay nila.

Mula sa bintana ng attic ay lihim siyang sumilip. Bumaba mula sa sasakyan ang isang babae at lalaki. Ang babae ay kasing-edad ng kanyang ina. She wasn't an American. He was sure of it. Sa kabila ng malamlam na liwanag na nagmumula sa portico ay natitiyak niyang hindi puti ang babae. Her hair was very dark. She was pretty and petite.

Subalit Amerikano ang lalaking kasama ng babae. Tall and a little overweight. Higit ang katandaan nito sa babae. Nang tumingala ang lalaki, napaatras si Aidan. It was instinct. Alam niyang hindi siya nakikita nito. At sapat ang pagtingala ng lalaki upang makilala niya ito.

Dr. Samuel Wilding. That was his name. Narinig niyang ipinakilala ng ama ang lalaki sa kanyang ina minsang dumating ito sa bahay nila. He was his father's business associate. Pinatuloy ito ng mayordoma.

"Ikinalulungkot ko kung ngayon lamang kami naparito," anito sa wikang English sa mayordoma nila. "Ako at ang aking pamilya ay nasa bakasyon sa nakalipas na tatlong linggo. Kaninang umaga lamang kami dumating at nagulat kami sa balitang massacre sa aking kumpadre. Sino ang may kagagawan nito? May nahuli na ba?"

Iling at hikbi lamang ang isinasagot ng mayordoma sa sunod-sunod na tanong ng mag-asawa. Natitiyak ni Aidan na asawa ng kasosyo ng ama niya ang babaeng kasama nito sa paraan ng pagkakaakbay ni Samuel Wilding dito. Marami pang tanong ang ibinigay ng mga ito. Naririnig niya ang pagkamangha sa tinig ng lalaki. Hindi ito makapaniwala sa nangyari.

Ang pag-aalala ay nasundan ng pagtatanong kung ano na ang balita sa panganay na anak ng mga Worth. At kung may balita ang mga katulong. At nahimigan ni Aidan ang matinding pag-aalala sa tinig ng lalaki nang sabihin ng mayordoma na hindi pa siya nakikita.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin ang mag-asawa. Narinig niya ang huling sinabi ng lalaki sa mayordoma.

"Call me as soon as the boy showed up." Inilabas nito ang calling card mula sa bulsa ng polo shirt. Ibinigay iyon sa mayordoma. "Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang matulungan ang mga pulis na hanapin ang bata. Nag-aalala ako para sa kanya."

Pinigilan ni Aidan ang sariling huwag bumaba sa attic at sumigaw na naroroon siya. There was something in his voice that told him he could trust his father's business associate. Ang mukha ng asawang babae nito'y nagbabadya rin ng matinding pag-aalala.

Subalit hindi niya magawang alisin sa isip ang sinabi ng matandang abuelo bago ito namatay—na papatayin din siya.

At natatakot siyang magtiwala. Nanlulumong inilatag ng bata ang hapong katawan sa sahig ng attic. May kung ilang sandaling tahimik na humihikbi hanggang sa gapiin ng antok ang batang katawan.



************kumusta kayo mga beshie? Hoping na sana okay lang kayo. Na sana kahit mahirap mabuhay ay patuloy lang tayo sa pag - usad na sana kahit gusto nating sumuko na ay nagpapatuloy pa rin tayo sa laban. Kaisa n'yo ako mga beshie sa mga laban sa buhay , alam ko may kanya-kanya tayong laban na dapat harapin pero magkaiba man ang ating laban at pinaglalaban ay kaisa at ksama n'yo ako sa mga laban n'yo. Hindi n'yo man ako kasama physically ay kasama naman kayo sa mga prayers ko. Kapit lang mga beshie kaya natin ito char hahahaha - Admin A ***** Tumatanggap rin ako ng donations char hahahahah echos lng 

Kristine 17 - Panther Walks (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now