20

14.7K 534 67
                                    


SHE RAISED herself from where she was sitting. Tumayo at humakbang siya patungo sa nakabukas na pinto ng veranda. Sinikap sugpuin ang init ng katawan sa pamamagitan ng malamig na hangin.


Sa loob ng mahabang sandali'y walang salita ang namagitan sa dalawa. Nilingon niya ang binata na isinusuklay ang mga daliri sa buhok. Pagkuwa'y hinawi ang bahagi ng kumot na tumatabing sa ibabang bahagi ng katawan nito at tumayo at humakbang patungo sa closet.

Hindi siya dapat na tumingin. Dapat sana'y tumalikod siyang mabilis. But she couldn't take her eyes off him. Her eyes feasted on his body.

Aidan was beautiful. He walked with grace. She thought he was like a panther. Sa malamlam na ilaw ay lalo pang pumula ang balat nito. At ang mahabang buhok nito'y gustong magpangiti sa kanya. Habang napakaiksi ng kanyang buhok, ang kay Aidan naman ay mahaba tulad sa isang— nang bigla'y may sumingit na alaala sa isip niya...

"That Indian is your friend, Daddy?" Itinuturo niya ang larawan na nakasabit sa dingding ng opisina ng ama. Matandang lalaki, nakatirintas ang mahabang buhok. It was a group picture. Kasama ang mga magulang niya sa larawan at may apat pang naroroon.

Muli niyang ibinalik kay Aidan ang mga mata. She swallowed, her eyes moved up and down his body. "Y-you're a red skin..."

Marahas na lumingon si Aidan. Naningkit ang mga mata. "Ano ang narinig mo mula sa akin?" he asked, insolence in his voice, kasabay ng pagsusuot ng briefs. "Have I been talking in my sleep?"

Sandaling nagsalubong ang mga kilay ni Danielle. Pagkuwa'y umiling. "No... Umuungol ka lang, malakas. And I was worried. Some people died from heart attack during their sleep so I came up here..."

"Sinabi mong red—" Umiling si Aidan, hindi itinuloy ang sinasabi at nagbuntong-hininga. Umabot ng pantalong maong at isinuot.

"I've realized just now that you have red skin." And she thought he was simply tanned. "Y-you're not a Filipino..." It was more of a statement than a question. And that confused her. Bagaman hindi direktang sinabi, nalaman niya mula sa pakikipag-usap kay Mrs. Fortalejo kanina, habang ipinakikita ang mga portrait na nakasabit sa dingding na may dugong Español ang mga Fortalejo.

"You're a half-breed!"

Muli siyang marahas na nilingon nito. Mabilis niyang idinugtong. "You reminded me of someone from my childhood days," patuloy niya. "He was an American Indian, a friend of my parents—"

Naglaho ang bahagyang iritasyon sa mukha ng binata. Humalili ang interes. He zipped and snapped his jeans fast. "Nakakaalala ka na?"

Umiling siya. "It flashed in my mind while I–I watched you—" "It's impolite to stare."

She opened her mouth and would have said something sarcastic when she caught the little smile played on his lips. He was teasing her.

Humakbang ito patungo sa kanya. "Go back to your room, Danielle, bago pa magbago ang isip ko at hindi kita palabasin..."

"I-ikaw? Bakit ka nakabihis? May ilang oras pa bago mag-umaga..."

Tinitigan siya ni Aidan, a devilish smile was lurking in his mouth, at naghahamon ang tinig nang sumagot. "Would you rather take my jeans off and spend the remaining hours with me?"

She took a deep breath. Sinikap huwag padala sa tukso. Alam niyang birong-totoo iyon. Sex was in the air. At kung ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon ang masusunod, she would stay and make love to him hanggang sa sikatan sila ng araw.

Kristine 17 - Panther Walks (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now