11

26K 667 163
                                    


NANG muli siyang magising ay naglalagos na ang liwanag ng araw sa bintanang salamin ng ospital. Nanatili siyang nakahiga, iniisip kung maaalala niya kung sino siyang talaga maliban sa alam niyang ang pangalan niya ay Danielle.

Subalit nanatiling blangko ang isip niya. At kasabay din niyon ay ang muling pag-ahon ng takot na naramdaman niya kagabi. Mabilis siyang bumangon at inikot ang tingin sa buong silid. Then she remembered she was in a hospital.

Bumaba siya ng kama at humakbang patungo sa mga bintana. Puro salamin iyon at nang tumingin siya sa ibaba ay natanaw niya ang kalsada. Nag-uunahan ang mga sasakyan. She could barely hear the blowing of horns dahil nakasara ang bintanang salamin. Hindi niya matiyak kung nasa ikailang palapag siya. Mayroong fire escape malapit sa bintana. Hinanap niya ang bukasan niyon at sinikap angatin, subalit matigas at ni hindi niya magalaw.

Natitiyak niyang imposibleng sa bintana nagdaan ang taong nararamdaman niyang nasa loob ng silid niya kagabi. Tila hindi naman binubuksan ang bintanang iyon. Bukod pa roon, kung sakaling sa bintana nagdaan ang tao ay tiyak na maririnig niya ang pagbubukas ng bintana.

Marahil ay tama ang nurse. Imahinasyon lamang niya iyon. Ganoon man ay hindi iyon nagdala ng kapanatagan sa puso at isip ni Danielle.

Pumasok siya sa banyo at tinitigan ang sarili sa salamin. Napakaiksi ng buhok niya, halos parang gupit-lalaki na. Ginusto ba niya ang maiksing buhok? Muli niyang tinitigan ang sarili sa salamin. The woman on the mirror was beautiful. Subalit hindi siya makadama ng kasiyahan. Ang nakikita niya roon ay isang estranghero.

Sino ba siyang talaga? Bakit siya natatakot? Ano ang dahilan? At bakit may pakiramdam siyang nag-iisa na lamang siya?

At sapat iyon upang ang kalungkutang nadarama ay tila tumatagos sa buto niya.

Bumukas ang pinto ng silid at sumungaw ang isang batang nurse. hindi ito ang kausap niya kagabi. May hawak itong basket ng mga prutas at bulaklak.

"Gising ka na pala." Nakangiti nitong inilapag ang basket ng mga prutas at isang vase na puno ng mamahaling mga bulaklak sa mesa. "Narito kanina ang boyfriend mo, pero tulog ka pa. Iniwan niya ang mga ito para sa iyo. Ang sabi niya ay babalik siya mamayang hapon."

Boyfriend?

She stared at the nurse blankly. "S-sinong boyfriend?"

Sandaling nalito ang nurse sa tanong niya. "Sorry, pero sabi ng kahalili ko sa shift, boyfriend mo ang naghatid sa iyo rito sa ospital noong isang gabi." Ngumiti itong muli. "He dropped by this morning. Big and tall, mamula-mula ang balat na tila iyong mga Indian sa sine, at mahaba pa ang buhok na nakatali sa likod... at muy guwapo!" Hindi itinago ng nurse ang admiration sa mukha at tinig. Inginuso ang mga bulaklak. "May card sa mga bulaklak..."

Sinikap niyang alalahanin sa isip ang buong anyo ng lalaking nagdala sa kanya sa ospital at kumausap sa kanya subalit maliban sa malalim na tinig nito ay hindi mabuo-buo sa isip niya ang anyo ng lalaki.


Tinapunan niya ng tingin ang mga bulaklak. An array of beautiful and expensive flowers... in varieties. Humakbang siya patungo sa mesa. Kinuha ang naroong card at binuksan.

Hope you like flowers. Aidan

Aidan... Aidan. Binalik-balikan niya sa isip ang pangalan ng lalaki at may pilit na hinahagilap. Narinig ba niyang binigkas ng lalaki ang pangalan nito? Why did it sound familiar?

Patuloy siyang nakatitig siya sa kawalan. Bahagya pa siyang nagulat nang muling bumukas ang pinto at pumasok ang doktor. Iyon ang ikalawang doktor na tumingin sa kanya. Isa iyong psychiatrist and she grimaced silently. Bakit niya kailangan ng psychiatrist?

Kristine 17 - Panther Walks (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now