9

15K 488 17
                                    


KALALABAS lang ni Aidan sa elevator dala ang styrofoam ng umuusok na kape nang makitang may lumabas na doktor sa pribadong silid na kinuha niya para sa estrangherang babae.

Mabilis na humabol si Aidan. "Excuse me, doc," tawag niya at sinabayan sa paglakad sa pasilyo ang doktor. Tall and slim. Nasa late forties at nakasuot ng salamin sa mata.

Huminto sa paglakad ang doktor at hinarap ang binata. Inilahad ni Aidan ang kamay at nagpakilala.

"Aidan," aniya. Tinanggap naman ng doktor ang kamay niya. "Ako ang naghatid sa pasyente rito." Nilingon niya ang silid na nilabasan ng doktor. "Kumusta na ang pasyente, doc? What's wrong with her?"

Bahagyang ngumiti ang doktor. Inalis ang eyeglasses at pinunasan ng panyo ang ilong.

"Ano ang gusto mong malaman, Mr. Fortalejo?" balik-tanong nito.

"I'd like to know why she couldn't remember her name."

Nang titigan siya ng doktor ay naroon ang kuryosidad sa tinig. "The resident doctor informed me that you are not even a relative though you take responsibilities and offered to shoulder her hospital expenses."

"Muntik ko na siyang mabundol. Somehow, I feel responsible. What do you think happened to her, bakit hindi siya makaalala?" ulit niya.

"Bukas na ng umaga malalaman ang resulta ng mga pagsusuring ginawa sa kanya. She had a preliminary checkup at the ER. Ano ang sabi nila roon sa iyo?"

"Wala silang sinabi. Pero gusto kong malaman kung ano ang resulta ng pagsusuri mo sa kanya." "Ayokong manghula, Mr. Fortalejo."

"Come on. Kahit papaano ay mayroon ka ng ideya kung ano ang sakit niya..." he urged impatiently.

Huminga nang malalim ang doktor. "Maliban doon sa kapirasong sugat sa ulo niya ay wala akong makitang diperensiya sa pasyente, Mr. Fortalejo. At iyong hindi niya pagkaalala sa pangalan niya, in layman's terms, she may have amnesia."

"Sa maikling salita, walang pisikal na dahilan sa pagkawala ng memorya niya?"

"Mayroon, kung ang pagbabasehan ay ang munting sugat niya sa ulo. Bagaman maliit lang ay posibleng maging dahilan iyon upang wala siyang maalala."

"Was she..." Bahagyang tumikhim ang binata bago itinuloy ang tanong. "... sexually assaulted?"

Umiling ang doktor. "No." Kung anuman ang dahilan ay nakadama ng relief si Aidan sa sagot na iyon ng doktor. The thought that she could have been sexually assaulted had been nagging his mind.

"Sa palagay ninyo, posible bang gawa-gawa lang niya ang pagkawala ng memorya niya?"

Bahagyang kumunot ang noo ng doktor at tinitigan ang binata. "Maaari. But it is also possible that her memory may be partly restored in the morning. Do you want me to refer her case to a psychiatrist?"

Tumango-tango si Aidan. "Kung ano sa palagay ninyo ang makabubuti, doc."

"Very well. A psychiatrist will see the patient later today, Mr. Fortalejo." Hindi isinatinig ng doktor ang tanong na nasa isip nito. Aidan was having little interest with his patient more than what was warranted. Sa halip ay tinapik nito sa balikat ang binata. "Go home, young man. You could use a few hours sleep. Binigyan ko siya ng sedative. Mamayang tanghali na siya magigising."

He sighed. "Thank you."



********Wala na akong ibang maisip na sasabihin kundi ikaw lang lagi ang laman ng isip ko char hahahaha. Kayo ano ang nasa isip n'yo? Share n'yo naman mga beshie, libre ang pagcomment sa ibaba char hahahha - Admin A************

Kristine 17 - Panther Walks (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now