30

14.4K 497 98
                                    


"DANIELLE, hija!" bulalas ni Jewel nang makita siya. Kunot ang noong hinagod ng tingin ang ayos niya. "Dito ka ba nagpalipas ng gabi? Ano ang nangyari at marumi ang pantulog mo?" Nahihiyang nagpaliwanag si Danielle.

"I panicked. Hindi na ako nag-isip at agad na dito nagpunta. I'm sorry if I have always been a bother to—"

"Nonsense! At tama ang ginawa mo," wika ni Jewel sa nagsisimpatyang tinig. "Hindi biro ang dinanas mo. You could have died in that fall. Bagaman nakapagtatakang hindi mo nagising ang matandang katiwala ninyo?"

Kanina'y pumasok sa isip niya iyon. Bakit hindi yata normal ang pagkakatulog ni Tata Marcos at hindi niya nagising sa kabila ng naghihiyaw siya at niyugyog pa niya ito.

"C'mon and let's have lunch together," untag ni Jewel sa pag-iisip niya. Inakay ang dalaga patungo sa dining room. "It's almost lunch time and I'm sure you've missed breakfast."

"H-have you seen Aidan?"

"Nagpaalam sandali," sagot nito habang hinihila ang silya. "Kakausapin lang daw si Kurt. Kilala mo si Kurt, 'di ba?"

"I've heard Aidan spoke of him but I haven't met him personally." She sighed. Umaasa siyang makita ito bago siya umalis. Nag-angat siya ng paningin kay Jewel. "Hindi ko na hihintayin ang pagbabalik ni Aidan, ma'am. Gusto kong makauwi at makapagbihis. Tuloy ipaaayos ko ang balustre kay Tata Marcos..."

"Bakit hindi mo na lang hintayin si Aidan at nang maihatid ka?" Tipid siyang ngumiti. "It's okay. Dala ko ang lumang pickup. Tatawagan ko na lang siya pagdating ko..."


PASADO alas-dos na nang makarating siya sa bahay sa Sta. Rosa. Sinalubong siya ni Tata Marcos nang marinig ang pagparada ng sasakyan.

"Bakit may naghihintay na taxi, Tata Marcos?" tanong agad niya nang makita ang taxing nakaparada sa harap ng bahay.

"Ipinatawag ng tiyahin mo sa akin nang mainip sa paghihintay sa iyo. May kinse minutos nang naghihintay ang taxing iyan. Saan ka ba galing bata ka? Ano ang nangyari sa balustre sa itaas?"

Nagbuntong-hininga ang dalaga. Humakbang patungo sa bahay. "Mahabang kuwento, Tata Marcos. At sisitahin ko kayong talaga dahil—"

"Well, I'm glad you're back, Danielle!" ani Ofelia sa nanlilisik na mga mata. "Kanina pa kita hinihintay..."

Nahinto sa bungad ng pinto si Danielle nang makita ang bagaheng nasa paanan nito.

"Napapagod na ako sa kasusunod sa iyo, Danielle! Kung hindi lang ako nangako sa ina mong hindi ka pababayaan ay wala ako rito. Now, I'm tired and fed up. Babalik na ako sa Kentucky. Bahala ka sa buhay mo. Hindi ko naiintindihan ang drama mong pagtungo rito sa Pilipinas at ang kunwa'y amnesia mo. Grow up, Danielle. Huwag mong ipaubaya sa akin ang kompanyang iniwan sa iyo ng mga magulang mo... I have my own life, too!"

"I–I am not faking my—"

"Dalhin mo ang maleta ko sa taxi, Marcos," utos nito. At ang ano mang ipaliliwanag ni Danielle ay nabitin sa lalamunan niya dahil tumalikod na ang babae.

Malayo na ang taxing sinasakyan ni Ofelia ay nanatiling nakatanaw sina Danielle at Tata Marcos. Ang lalaking may kung ilang araw nang nasa silid ay nakatanaw din sa pag-alis ni Ofelia mula sa ikatlong palapag ng bahay. Kailangan niyang maghintay ng pagdilim bago isagawa ang balak. 

Pero may palagay siyang hindi niya mahihintay ang pagdilim. Naiinip na siya. Tulad ni Ofelia, gusto na rin niyang magbalik sa bansang pinanggalingan. 



************************************Kaninong story ang gusto n'yo mabasa next after nila Daniella at Aidan? Yung kwento ko ba char hahahaha.  Kumusta kayo mga beshie? - Admin A *************

Kristine 17 - Panther Walks (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon