19

13.5K 490 35
                                    


"ARE YOU sure this is the house?" tanong ng lalaki sa kasamang babae habang tinatanaw ang Fortalejo mansion mula sa kabilang bahagi ng kalsada. Ang malaking solar ng mga Fortalejo ay nasa corner lot at okupado ang magkabilang bahagi ng block.

"Iyan na nga. Hindi birong pera ang pinakawalan ko para lang makuha ang eksaktong address ng mga Fortalejo. Dammit, hindi ordinaryong pamilya ang kumukupkop kay Danielle." Mula sa nakalap nitong impormasyon ay nalaman nito ang sirkumstansiya ng mga Fortalejo.

Napamura nang malakas ang lalaki. Natitiyak nitong mahihirapan itong pasukin ang bahay ng mga Fortalejo. Natitiyak nitong remote controlled ang gate ng mga iyon bukod pa sa mga security guard na naka-assign sa likod at harap na entrada. Bagaman hindi mahirap para dito ang akyatin ang bakod kung saka-sakali, ay natitiyak din naman nitong nakakalat ang mga hidden camera sa bawat panig ng solar. At bukod doon ay hindi nito kabisado ang loob at labas ng bahay.

"You have to do something! We are running out of time!" ang babae.

"Shut up! Nag-iisip ako. Kung nasa Kentucky tayo'y hindi ako mahihirapan. Marami akong koneksiyon! This is Calvin's fault. Kung hindi dahil sa kanya'y hindi sana papalpak ang mga plano natin! Hindi sapat ang kamatayang ipinataw ko sa traidor na iyon..." Nagtagis ang mga bagang nito.

"Pag-isipan mong mabuti kung paano natin mapalalabas si Danielle sa bahay na iyan!"


ALA-UNA ng madaling-araw at nanatiling gising si Danielle. Nasa veranda siya at nakatanaw sa rose garden na bahagyang natatanglawan ng ilaw mula sa malayong poste. She could smell the sweet scents in the air. Ganoon ma'y hindi iyon nagpalis ng agam-agam sa dibdib niya.

Nararamdaman niyang wala siyang dapat ikabahala sa bahay ng mga magulang ni Aidan. Pero sa kabila niyon ay hindi niya maawat ang sariling mag-alala. Sino ang nais gumawa ng masama sa kanya? At bakit? Sa isip niya'y paulit-ulit ang mga tinig.

"Don't trust him, Dani... I saw them together..."

That was her mother's voice. Natitiyak niya. Kanino siya hindi dapat magtiwala? At ang tiya niyang nagpapahanap sa kanya, bakit siya nagsinungaling at sabihing umuwi na siya? This afternoon, Aidan showed her her photograph at ang iba pang ilang detalye tungkol sa kanya. She was from Kentucky. Ipinanganak at lumaki roon. Pero bakit walang bahagi ng Kentucky ang pumapasok sa isip niya?

Napakaraming tanong ang naghahanap ng kasagutan sa isip niya. Kasabay rin niyon ay ang takot sa maaaring kahihinatnan ng paglitaw ng mga alaala.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang makarinig siya ng ungol. Nagitla ang dalaga at agad ang pag-ahon ng takot sa dibdib. Humakbang siya paatras pabalik sa silid. Nagpalinga-linga. Inaaninag mula sa dilim ang pinanggalingan ng ungol. But there was no one in the shadows. Palakas nang palakas ang ungol na naririnig niya. Malapit lang sa kanya ang pinagmumulan niyon. Nang mapatingala siya sa itaas.

Nanggagaling sa itaas niya ang ungol!

You need not worry, Dani. You are safe here. And my room is just above yours. Kung ano man ang kailangan mo'y nasa itaas lang ako... Madali kitang maririnig, iiwan kong bukas ang glass panel ng veranda...

Si Aidan ba ang naririnig niya? Palakas nang palakas ang tila naghihirap na ungol. Napaatras ang dalaga habang patuloy na nakatingala.

"W-was he having a... a nightmare?" usal niya sa sarili. And she wished the groan would stop and Aidan would wake up.

Subalit hindi humihinto ang ungol na naririnig niya. Nag-aalalang pumasok muli sa silid niya si Danielle at lumabas mula roon. Madilim ang kabahayan maliban sa ilaw na nanggagaling sa poste sa labas na naglalagos sa salaming bintana.

Kristine 17 - Panther Walks (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now