CHAPTER 97 CHRISTMAS DAY PART 1

230 20 5
                                    

kilander's good day malapit na pong matapos ang Behind his smile ilang chapter nalang po. Sana namam ay magustuhan nyo ang pagtatapos ng book 1. Ang storyang ito ay nangyayari sa totoong buhay o pangyayari. Maaaring nararanasan ng mga kabataang katulad natin. Kaya maraming salamat po sa mga naka appreciate ng storyang isinulat ko. SARANGHAE KILANDER'S.

Heaven POV

Nakasimangot akong pumasok ng school dahil ang biniling pamasko sa akin ni mama ay dress. I hate it! ayoko pa naman ng dress pero pilit na pinasoot ni mama sa akin iyo kaya wala na akong magawa. Kasama ko si amber ngayon at hindi ko sya pinapansin. Ganito kase ako hindi ako namamansin pag badtrip ako.

"ow! Ngayon lang kitang nakitang nakadress ah bagay sayo" Saad sa akin ni kent nagkasalubong kaming papasok sa room.

"wag mo akong bwisitin!" mabilis akong umupo sa upuan ko. Ang mga upuan namin ngayon ay iba ang arrangement. Nasa gilid lahat ng upuan kaya ang gitna ay malawak doon ata gagawin ang mga palaro. Pagkatapos sa gabi ay christmas ay gaganapin sa court at lahat ng estudyante ay kasali.

Maya maya ay nagsi datingan na sila shawn kasama si renzy. Mabilis na umupo sila tabi ko ngumiti sa akin si shawn at ginantihan ko rin ng ngiti. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa na parang naninibago sa akin. Ang soot ko kase ay dress na kulay black and red na stripe meron syang belt. Pagkatapos ay nakarubber shoes ako na sneakers na white.

"nakadress ka? ngayon kalang nagdress bagay sayo" saad sa akin ni shawn pagkatapos ay tumingin din sa akin si renzy.

"napilitan lang ako binili sa akin ni mama" wala sa sarili kung sagot sa kaniya.

"Sana lagi kang mag soot ng ganyan bagay sayo maganda sayo ang ganyang damit" saad ni shawn na mas lalong ikinahiya ko. Sinong mag sasabi na maganda ako eh si mama at papa lang ang nagsasabi non sa akin. Kaya naniwala ako na panget ako at ganon din kase ang husga sa akin ng ibang tao. Kaya gusto ko mang maniwala pero parang ayaw kung maniwala.

"talaga? Gutom lang yan shawn kaya nag hahalucinate ka na" pabiro kong saad para hindi awkward ang paligid.

"totoo yun bahala ka basta nag sasabi ako ng totoo" pagkatapos ay umupo na ito sa tabi ko at sobrang tahimik ng paligid. Aapat palang kami sa room makalipas ang limang minuto isa isa ng pumasok ang mga kaklase ko.

Mga ilang minuto lang ay dumating na ang mga pagkain na pinag aambagan namin. Si sir ang nag palaro wala akong balak na sumali sa laro pero si sir na ang tumatawag ng mga participate. Kaya kahit ayaw ko ay wala akong magagawa nakasali ako sa trip to Jerusalem. But with the twist sa bawat upuan ay may isang lalakinh nakaupo doon. Ang kailangan mong gawin pag tumigil ang tutog ay uupo ka sa upuan na nasa harapan mo at sa kandungan ng lalaking nakaupo doon.

Nagsimula na ang laro at nagsimula na ang tutog ang kanta na aming sasayawin ay kill this love by blackpink. Nagsimula na kaming umikot anim kaming babae kasama doon si amber at justine. Ang mga nakaupo naman ay sila Shawn, Renzy, harold at timmy yung isa ay hindi ko kilala. Umikot na kami at nakakahiya dahil nakadress ako hinahangin hangin pa ang soot ko. Biglang tumigil ang kanta at napatapat ako sa upuan ni renzy. May naout dahil nawalan na ng upuan.

Nung huli ay dalawa nalang kami ni justine na natira at si shawn nalang ang natirang upuan. Nagsimula na ang kanta ang mga kaklase ko ay nag checheer sa amin ni shawn. Dahil sa nangyari doon sa singing contest naging school couple kami.

"Shawven! Shawven! Shawven! Shawven!" Naiinis ako dahil ang pangit ng combination na isip nila. Nakatungo akong naglalakad nakakahiya eh ng biglang tumigil ang kanta. Parang ano mang oras ay aatakihin ako sa puso dahil hindi ko inaasahan ang mangyayari. Biglang hinawakan ni shawn ang braso ko at hinila sa upuan. Kaya sa bandang huli nakaupo ako sa upuan at ako ang panalo sa laro.

"ahhhhhh! shawven!shawven!" tilian ng mga kaklase ko malalande.

"hay ang sweet naman ng dalawang ito kaya pala binansagan kayong school couple" Saad ni sir pagkatapos ay binigay sa akin ang price na napanalunan namin. Nakabalot pa ito ng wrapper kaya sabay kaming umupo sa upuan namin. Pagkatapos ay pinagpatuloy nila ang palaro out of curiosity ay binuksan ko ang price ko. At t-shirt iyon na black pagkatapos ay may nakaprint na maliit na panda sa bandang kanang dibdib.

"ang ganda naman nyang sana ako nalang ang nanalo kanina" saad ni amber na ngayon ay nasa bandang likuran ko ang upuan nya.

"totoo bang wala kayong relasyon ni shawn pero ibang iba sa mva nasaksihan ko kanina parang may relasyon pero hindi nyo inaamin" Kwento ni amber.

"wala nga hindi ko nga alam kung bakit nya ginagawa ito sa akin" Sagot ko kay amber.

"heaven hindi ko alam kung manhid ka o tanga ang buong school nakakahalata na may gusto sayo si shawn pero ikaw hindi mo ba nararamdaman na mahal ka nya?" Tanong ni amber sa akin.

Amber alam ko mahal nya ako ilanv beses na nyang sinabi sa akin ng harapan. Pero ginagawa kung tanga ang sarili ko at ayaw kung sabihin sa kanya na mahal ko rin sya. Dahil nararamdaman kung hindi pa ito ang tamang oras para sa ganyang bagay. Mas marami pang bagay na kailangan kung gawin sa buhay ko. Marami akong pangarap na kailangan tuparin ayoko ding makasakit ng damdamin ng iba. Mas lalo nat mahalaga sya sa akin sya din ang aking kaibigan.

"Wag na nating pag usapan ang mga bagay na yan" saad ko pagkatapos ay inaliw ko ang sarili sa panonood ng laro. Si shawn ay malayo sa akin ngayon nasa kabila silang row dahil naiilang ako sa nangyari.

Makalipas ang kalhating oras ay natapos ang palaro at nagsimula na kaming mapagod. Kumain kami sa oras ng Alas 11 kumuha lang ako ng shanghai at coffee jelly. Pagkatapos ay tahimik lang ako na kumain sa upuan ko nahuhuli kung nakatingin sa akin si shawn. Kaya ayun ang mga kaklase ko parang mga paparazzi na tinitignan ang ikinikilos namin. Pagkatapos ay nagbubulungan kaya sino ba ang hindi maiinis.

Dahil alam kung mababadtrip na naman ako ay isinuot ko ang earphone ko at nagpatugtog. Kalhating oras ay natapos na silang kumain hindi ko alam dahil biglaan akong nasamid. Tatayo na sana ako para kumuha ng tubig ng may isang basong tubig na dumating sa harapan ko. Dahan dahan kung tinignan kung sino ang taong iyon at si shawn lang pala kaya ayun agaw eksena na naman. Sobrang kilig ng mga kaklase namin tinanggap ko ang tubig at mabilis na ininom yun.

"heaven nakakaingit ka"

"Ang gwapo ni shawn at mabait pa ang swerte mo sa kaniya sana makahanap din ako ng katulad nya" mga saloobin ng mga mahaharot kung kaklase.

"naku tama na yan katamisan na yan simulan na natin ang monito monita nyo" saway ni sir pagkatapos ay isa isa kaming lumapit sa karapan at sasabihin kung sino ang monito o monitang nabunot mo. Nickname lang ang sasabihin.

Hay ito sana naman ay natupad nya ang wishlist ko excited na ako hihihi.

DONT FORGET TO VOTE!AND  I HOPE YOU ENJOY THIS STORY.

AND FOLLOW ME FOR MORE UPDATE THIS SLOW UPDATE.

Guys vote, comment and follow me in wattpad for more update. I hope na sana nagustuhan nyo. Dont judge just love.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now