Chapter 55 INTRAMURALS PREPARING PART 5

807 23 0
                                    

Heaven POV

Grabe! Sobrang busy ako nung Sabado kase nagawa pa ako ng iba pang pwedeng iDesign sa booth namin. At yung mga gagamitin kagaya ng frame sila kase sa printer at camera DIY kase yung aking ginawang frame. Nilagyan ko talaga ng Kpop theme ang kulay at design at Tamang tama naman katulong ko si kuya Herbert. Alam kong ayaw na ayaw nya sa mga Kpop pero tinulungan nya ako. Kaya talagang mahal na mahal ko sila saan ka pa makakahanap ng kuyang katulad nya.

" Bunso saan ko pwedeng ilagay ito?" Tanong sa akin ni kuya nakakahon na kase yung mga frame na gagamitin Namin. Para Isang kuhaan lang ayaw ko kase ng madumi at makalat .

" Kuya doon na lang po sa kama ko ilagay mo na lang doon" at ako naman nililigpit ang mga Kalat na ritaso at mga glue,papel at mga karton na ginamit namin. Yehey ibig sabihin free ako buong maghapon linggo na kaya happy happy na.

" Kuya! Nood tayong movie ?" Tanong ko Kay kuya.

" Sige ha basta wag yang mga Kpop na yan ha!" Sabi ni kuya at umupo sa tabi ko.

" Okay" maghahanap ako ng pwede naming panoodin. Gusto ko kase ngayon yung nakakatakot nakakapanindig balahibo. Tumingin ako Kay kuya at alam kung naiinip na Yun kanina pa kase ako namimili. Ayun! At mabilis kung nilagay sa DVD player at magsisimula na palabas pumunta ako sa kusina at kumuha ng yakult dalawa at apat na piattos syempre akin yung tatlo. Ano sya sinuswerte huh!

" Heaven ano ba itong palabas na ito! Ha! Ahhhhhh ! " Sigaw ni kuya dahil katatakutan kase yung nilagay ko. Isat kalhating duwag kase si kuya ayaw nya ng mga nakakatakot na palabas. Ako naman ito ang pinaka gusto ko ang hirap kase ng puro Aksyon lang maganda kase yung may kaunting kilabot hehehe.

" Hoy bakit ganito ang nilagay mo ha!" Sabi ni kuya at alam kung takot na takot ito ngayon.

" Hahahahahaha takot ka pala ehh" Sabi ko ng may pangaasar.

" Hindi ahhh" Sabi nya at pinakita nya sa akin na hindi sya natatakot.

" Iba na lang ang panoodin natin ito oh " at pinakita ko Kay kuya yung mga cd ng mga paborito Kong mga movie.

" Ayan na lang ang panoodin natin grabe yung kanina haysss" at kumuha si kuya ng Piattos at yakult sa kinuha ko kanina.

" Ahm ano kaya? Ito!" Sabay abot ko kay kuya ng mga movie na romance.

" Sige ito nalang" at sya na mismo ang naglagay ng cd sa dvd player. Halos maghapon kaming nanood ng TV ,naku patay kami nito kay mama at papa tataas na naman ang bill namin.

*********

" Hay kuya anong oras na hindi pa nauwi sila mama?"
Sabi ko habang nakatingin parin sa TV. Nanakit na ang pwet ko dahil sa kauupo namin, halos maubos na rin ang piattos at yakult sa refrigerator.

" Magaalas otso na wala parin sila mama at papa" Sabi ni kuya at tinapos na namin ang aming panonood.
At tumayo si kuya at tinungo ang kusina at doon na hinanda ang aming hapunan. Nagluto sya ng sinigang at sya rin ang nagsaing Samantalang ako yung babae Pero ito nakaupo lang ako sa harap ng TV at nakataas pa ang paa. I love this hehehe

" Heaven pumunta ka na dito kakain na" Sabi nito habang naghahain sa lamesa bago ako pumunta ay naghugas muna ako ng kamay. At umupo sa upuan magkatabi kami ni kuyang nakain, ang tahimik naming kumain. Bakit ito na ata ang weekend na hindi namin kasama sila mama at papa baka masyadong busy lang sila. Ngayon namimiss ko na agad sila ehh hayss sana naman ay ayos lang sila at wag sana silang mapahamak.

" Oh ano Heaven ikaw na ang maglipit ng pinag kainan ha?" At tumayo na sya naghugas ng kamay at naghilamos si kuya bago pumasok ng kwarto nya.

"Hayss mga anong oras kaya sila mama at papa darating?" At mabilis kung niligpit ang aming pinagkainan. Isinara ko ang mga bintana at pinto pero hindi ko naman nilock para makapasok sila. Pumasok na ako ng kwarto ko at naligo,pinatuyo ang aking buhok bago nahiga sa kama. Hay nakakapagod naman ang maupo maghapon ang sakit sa pwet at likod At nakatulog na ako.

Kinabukasan.............

"Hay ang sarap ng tulog ko" at inunat unat ko ang aking braso at kamay.

"Nakakapanibago ah wala atang nanggigising sa akin" at mabilis akong bumangon at pumunta sa kusina.

"Hmm ang Bango naman nyan" umupo na agad ako sa lamesa at naghain na si mama at nakita ko naman si papa. Nakakalabas lang ng banyo at may dala dala pang dyaryo.

"Ma Pa anong oras po kayo Dumating kagabi?" Tanong ko at umupo si papa sa tabi ko.

"Mga alas dose na may ginawa kase kaming importante" at nilagyan na ako ni mama ng pagkain sa Plato ko.

"Ang kuya mo?" Sabi ni mama.

"Baka po nasa kwarto nya pa" Sabi ko at nang biglang lumabas si kuya sa pinto ng kwarto nya. Ang buhok nito ay akala moy binagyo sa sobrang gulo at parang zombie mag lakad. Anong nangyari doon?

"Herbert kumain kana dito maaga pa ang pasok mo" Sabi ni mama at umupo naman si kuya sa upuan. Mabilis itong kumain at pagkatapos ay naggayak na sya papuntang school mamaya Maya pa ay nagpaalam na sya sa aming. Dahil papasok na siya sa school ako naman ay mabilis nating tinapos ang pagkain ko.

"Pa mamamya na yung intrams namin excited na ako!" Sabi ko Kay papa.

"Galingan Nyo ha dapat kayo ang manalo sa pinaka magandang booth" Sabi akin ni papa kase nung nakaraan ay talagang nag effort ako para kami ang manalo. Pero ayun wala parin talaga hindi kami ang nanalo sila Justine ang nanalo malakas daw kase ang kapit ehh.

" Pa Sana nga eh" at niyakap ko si papa naiiyak talaga ako sa pangyayaring yun. Maraming nangyari sa akin na hindi ko inaakalang mangyayari sakin. Nung araw din kasing Yun ay grabe dinamdam ko iyon nanggrabe kahit ganon lang. Umiyak ako kase talagang pinageffortan ko Yun ehh.

" Ah pa nood tayo ng movie!" Yaya ko Kay papa at mabilis kaming pumunta sa salas. At umupo si papa sa sofa ako naman ay naghahanap ng cd na maganda na mapapanood namin.

***********

"Pa!Anong oras na?masyado kase akong nalibang sa panonood ng movie" sabi ko Kay papa.

"10:50 na anong oras ba ang pasok mo?" Sabi ni papa sa akin at nakatingin sa wall clock namin.

"Naku! Magaalas onse na hala! Baka malate na ako!" At mabilis akong umalis sa pagkakaupo at pumunta sa kwarto ko para maghanda sa pagpasok ko. Eleven thirty ay natapos na ako sa lahat at nagpaalam na ako kay papa at mama. Naku! Paktay!

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now