Chapter 25 BIG TROUBLE PART 4

1.2K 37 0
                                    


Shawn POV

Wala kaming imik habang nasa byahe hindi din ako mapakali nasa gilid ako malapit sa bintana at katabi ko si heaven at sa kabilang tabi ay si amber.

Ang kulit kase nitong babaeng ito minsan sinisiksik ako kaya nagdidikit ang aming katawan at nag iinit ako hayss ang hirap maging lalaki. Nag earphone na lang ako at nag patugtog ng let me be the one paborito ko itong kanyang lagi ko ito pinapatugtog. Naramdaman ko na tumigil ang kotse at nakita ko na nasa tapat na kami ng school kaya bumaba na ako direderetso ako pumunta sa classroom namin.

Naupo ako sa aking upuan at binuksan ko yung laptop ko hinanap ko ang mga article na sinave ko. At biglang nakita ko ang mga videos ni Alessia Cara nakakainis kase si nanay carmina mahilig kase ito Kay Alessia cara. Hindi ko ito mabura baka kase magalit si nanay carmina ahh nakakabakla kase itong Alessi cara ito hayss.

"Alessia Cara ka pala ah alam mo fan din ako ni Alessia cara ang gaganda kase ng kanta nya" Sabi ni heaven dito mula sa likod ko at nakadungaw sa kaniya. Hindi ito makasalita mukhang nagulat ito at nakanganga pa. Umalis na ako at umupo na sa upuan ko at nakita ko si Spencer na paparating na . At nang biglang nagsalita si shawn

" pwede ko na bang kunin ang mga article na nakuha ko at pakilagay nalang dito sa USB isave Nyo na lang sa isang file".

Heaven POV

Sa sinabi ni Shawn ay kinuha ko agad ang aking cellphone ko ngunit lowbat na ito . Hala paano na yan hindi ko maisasave yung mga article na dinownload ko. Kaya lumapit kay Shawn para kausapin ngunit masyadong busy ito ngayon.
Mamaya nalang sigurong recess umubob ako sa desk ko at pumikit.

Nagising ako na may kumakalabit sa akin tumaas ang mata ko para tignan kung sino yung kumakalabit .

Laking gulat ko na si sir Kim iyon.

" ms.del marie sinong nag Sabi sayo na pwede kang matulog sa oras ng klase ko ".

" Ahm sorry po sir Kim " nagkusot pa ako ng mata at magulo ang buhok at pumunta din ito sa tapat ng upuan ni Shawn na sa tingin ko ay tulog rin Kinalabit nya rin ito at kagaya ko nagulat din sya .

" Kayong dalawa sumunod kayo sa akin " wala kaming angal na sumunod Kay sir kim tinignan ko si Spencer at amber pero umiling lang sila . Tumigil kami sa may hallway at matatanaw mo doon ang malaki naming canteen .

" Dahil natulog kayo sa klase ko gusto kong magtanda kayo STEM pa naman kayo maganda ang mga performance Nyo sa akin kaya nadissapoint ako sa inyo, kaya Isang linggo nyong lilinisin ang canteen pagkatapos ng inyong period" Sabi ni sir Kim na may galit sa kaniyang boses.

" Opo " Sabi ko at si Shawn na naman ay walang imik at nakatungo.

Hayss paano na yan madami pa kaming gagawin doon sa project namin hayss isa pa ito. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa pabalik sa classroom at nakatingin sa akin si amber at Spencer at direderetso ako sa upuan ko ay nakakainis.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now