CHAPTER 95 FOR FRIENDSHIP

184 28 1
                                    

Good day mga kilander's sorry po dahil hindi ko naabot ang expectation nyo sa storya. Pero kung may suggestion kayo comment lang at open naman po akong makinig.

Heaven POV

"Mama! Aalis na po ako bye!" Nagmamadali akong lumabas ng bahay hindi ko na hinintay ang sagot ni mama. Patakbo akong pumunta kila amber para sunduin sya ang bagal kase nung maggayak. Kumatok ako sa pintuan nila amber halos ilang minuto ay pinagbuksan din ako.

"Ang aga mo heaven?" bungad na sagot nito habang inaayos ang kuwelyo ng uniform nya.

"Excited lang ako mamayang gabi dahil contest na at hindi mo ako minomotive anong klaseng pinsan ka ha?!" bungad kung saad sa kanya pero inakbayan nya nalang ako ng mahigpit at naglakad na kami papalabas ng gate.

"Fighting! alam kung magaling kang kumanta dati nga ikaw yung pinakanta ni maam janet sa room pagkatapos kinanta mo listen. Dahil doon naging usap usapan ka noong Elementary tayo. Kaya tiwala lang kaya mo yan" saad ni amber hindi ko alam kung compliment ba o pangiinsulto?.

"bakit naman napunta ang usapan doon huh?" nakakunot noo kong tanong kay amber. Ayun yung kahihiyang gusto ko mg kalimutan pero pinaalala nya pa. Ka bwisit!.

"Dahil ikaw lang ang maglakas loob na kumanta noon kaya alam kung matibay ang loob mo kaya, kaya mo yan!" nakangiting saad ni amber at akmang aapear sya sa akin pero iniwan ko syang mag isa.

"hoy! hintayin mo ako!" sigaw ni amber pero hindi ko sya pinansin sinagad nya kase ang pasensya ko.

              **********************

"Hoy heaven hindi mo parin ako papansinin?" ilang tanong ni amber sa akin na ngayon ay kaharap ko sa mesa. Break time ngayon at hindi ko sya pinansin simula kaninang umaga. Ako na nga yung nag effort na sunduin sya ako pa yung pinuntirya hay buhay.

"mukhang galit parin sayo si heaven ano ba kase ang ginawa mo?" sabat ni kent at tinanong si amber pasimple akong tumingin sa kanilang dalawa.

"kaninang umaga kase ikinuwento ko lang naman sa kaniya yung nangyari noong adfhjkk" tinakpan ko ang bibig ni amber masyado na syang madaldal.

"tumigil ka na baka hindi na kita talaga kausapin" nakakunot kong saad kay amber kaya nananahimik nalang sya.

"amber sabihin mo na ano ba yun?" paguusisa ni kent.

"wala yun" sabat ko dahil tahimik na si amber.

"anong wala?talaga? mukhang may tinatago kayong sikreto ano?" sunod sunod na tanong ni kent.

"alam ko na yan" Sabat ni kaizer kaya napunta lahat ang atensyon kay kaizer.

"kayo na ba ni shawn mukhang nagkakamabutihan na kayo nung nakaraang araw ano kase aminin nyo na?" sabat naman ni andrei.

"Ano naman ang masama kung meron silang relasyon?" Sabat ni renzy na mas lalong kinainis ko.

"wala!mali ang iniisip nyo mag kaibigan lang kami" paliwanag ko pagkatapos ay tumingin ako sa gawi ni shawn at hinihintay ang sasabihin nya. Dahil kailangan ko ang pag sang ayon nya sa sinabi ko dahil kung hindi sya mag sasalita gisa ako dito.

"diba shawn magkaibigan lang tayo?"tanong ko dito at tumingin sya sa akin.

"oo magkaibigan lang kami" saad ni shawn at nakahinga na ako ng maluwag. Maya maya lang ag tumayo na si shawn at nag paalam sya na may gagawin lang sya.

"diba sabi ko sa inyo eh magkaibigan lang kami" pangangatwiran ko.

"okay" tipid na sagot ni kent isang kwento ng kahihiyan na ayaw kung malaman nila ay naging mitsa para malagay ako sa bingit ng kaba. Jusko! kinabahan ako ng todo.

Shawn POV

"diba shawn magkaibigan lang tayo?"

"oo magkaibigan lang kami"

"hanggang magkaibiga nalang ba tayo?"tanong ko sa sarili ko kasalukuyan akong nakaupo sa rooftop. Sobrang hangin kase dito masarap mapagisa sa lugar na ito.

Hindi ko alam kung bakit napunta ang usapan sa isang komplikadong tanong na iyon. Ilang beses na akong nagtapat sa kaniya pero parang hangin lang ang kausap ko. Sobrang hirap kung ano ang kailangan kung gawin pero mahirap isugal ang pagkakaibigan namin. Para sa akin hindi lang kaibigan ang turing ko higit pa sa kaibigan. Pero sa ngayon ang pinanghahawakan ko nalang ay ang pinagsamahan namin. Ayaw kung masira iyon. For friendship pipigilan ko ang sarili ko na ipakita kung gaano ko sya ka mahal bilang babae.

"nandyan kalang pala" Babaeng boses kaya mabilis kong hinanap kung sino iyon.

"justine?anong ginagawa mo dito?"

"Wala lang hindi ko alam kung bakit ako pumunta dito baka nagbabaka sakaling mahalin mo ako ngayon?" Seryosong saad ni justine na ikinagulat ko.

"joke!Alam kung mahal mo sya at alam ko naman kung ano ang pagkukulang at mali sa akin. Kaya ngayon naghahanap ako ng lalaking mamahalin ako kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya" saad ni justine at tumabi sya sa upuan ko.

"hindi ko inaasahang sasabihin mo yan" saad ko dito at tumingin lang sya sa akin.

"narealize ko na kailangan ko ng maging matured" tipid nitong saad na ikinatawa ko.

"wag kang tumawa ng ganyan baka mainlove na naman ako sa iyo please maawa ka naman sa akin" saad ni justine at tinawanan dito ako dahil nagulat ako sa sinabi nya.

"nakakatawa naman yan reaksyon mo sige una na ako at sya nga pala good luck sa inyong dalawa mamaya" saad ni justine bago mabilis na umalis sa rooftop.

Maya maya ay nagpagpasyahan ko na nabumalik na sa room. Naglalakad ako sa hallway ng biglang hinarang ako ni andrei, kent at kaizer. Ano na naman kaya ang pumasok sa isip nitong tatlong ito?.

"totoo ba yung sinabi mo kanina?" paguusisa ulit ni kent.

"sabi ngang oo mag kaibigan lang kami eh" iritable kung saad.

"talaga lang ha?" tanong ni andrei.

"tignan mo ito" saad ni kaizer pagkatapos ay ipinakita nya sa akin ang cellphone nya. Maya maya ay pinindot nya ito at unti unting nagplay ang video. At ang videong iyon ay nung araw ng intrams nung hinalikan ko si heaven. Unti unting lumaki ang mata ko sa aking nakita bakit may kopya pa sila nito?.

"Saan nyo na kuha iyan?" tanong ko sa tatlo.

"ikaw ito diba? Alam kung may gusto ka kaya heaven pero kaibigan lang ang tingin sayo ni heaven, Shawn hanggang kailan mo kayang tignan tignan lang sya? Sa ginagawa mo sinasaktan mo lang sarili mo. Sana maging totoo ka sa sarili mo payong kaibigan ito Sana naman ay marealize mo. Mag kapatid nya kayo ni Spencer hay" Bago umalis sila ay tinapik nila isa isa ng balikat ko na nag papakita ng pag supporta at pagpapayo sa akin bilang kaibigan.

Anong gagawin ko? gusto kung maging totoo pero nakasalalay dito ang pagkakaibigan namin? Pero kahit anong sakit titiisin ko dahil para sa akin mas mahalaga ang pagkakaibigan namin.

Magisa akong pumunta sa room namin at nakita kung naguusap na sila ni amber. Mukhang magkasundo na sila na kanina ay hindi naguusapan.

Magaalas singko kami natapos ng klase pagkatapos ay diretso lahat ng court para sa contest. Nakaupo ako at nililigpit ang gamit ng may nag salita sa likuran ko.

"Tara na sabay na tayong pumunta ng court" unti unti akong tumingin kung sino iyon at si heaven lang pala iyon. Bigla nalang akong napangiti, bakit ganito ang epekto niya sa akin?.

"sige sabay na tayo" isinukbit ko na ang bag ko at tumayo na ng bigla nyang hinawakan ang braso ko.

"kinakabahan ako"

"isipin mo na magkasama tayo" saad ko at nagsimula na kaming mag lakad papabas ng room.

Kinakabahan din ako good luck sa amin!.

DONT FORGET TO VOTE!AND  I HOPE YOU ENJOY THIS STORY.

AND FOLLOW ME FOR MORE UPDATE THIS SLOW UPDATE.

Guys vote, comment and follow me in wattpad for more update. I hope na sana nagustuhan nyo. Dont judge just love.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon