CHAPTER 89 NOT HAPPY BIRTHDAY

314 33 0
                                    

October 18, 2002

Shawn POV

Nakalipas ang halos ilang linggo at mag ooctober na,napupuno na ng lungkot ang puso ko dahil sa buwan ito mag isa kung icecelebrate ang birthday ko. Dahil dati sa araw ng birthday ko kasama ko sila mama at keana. Namamasyal kami kahit sa parke o plasa bibili lang ng mga street food at sasamahan ng kwentuhan masaya na. Pero iba na ngayon wala na sila kaya pag naalala ko iyon mas lalo akong nasasaktan. Yung dating sakit na nakita ko silang walang buhay ay nagbalik ulit. Sa mga nakaraan na buwan akala ko malilimutan ko kahit papaano pero hindi pa pala.

Mas bumibigat at sumasakit buong buhay ko nakasalalay lang sa kanilang dalawa. At silang dalawa lang ang babaeng minahal ko ng buong puso. Ngayon natatakot na ulit ako mahirap yung ikaw nalang lagi ang naiiwan. Kaya ngayon tanggap ko na ang dating sabi sa akin ni tito na wala akong silbe at duwag ako. Bakit ganon sobrang sakit na sa sobrang sakit hindi na ako makahinga. Na lahat ng sisi, lungkot at mga pangamba pinagsama sama at dinagan lahat sa akin.

Dapat ba akong mahalin? Dapat pa ba akong magmahal?

"Anong ginagawa mo dito shawn?" Tanong ng estrangherong babaeng tumabi sa kinauupuan ko.

Tumingin ako sa kaniya at sya nga?

Dapat ba akong magmahal kung takot pa akong maiwan?

Anong gagawin ko?

Maraming tanong ang pumasok sa isip ko sa sandaling tumingin ako sa kanya. 

"Okay kalang lagi kang nakatulala na pupuna ko lang?" Seryosong tanong ni heaven. Ngumiti lang ako ng peke bago tumingin ng diretso sa mga mata nya. 

"Maayos lang ako wag kang magalala hindi kapa nasanay lagi naman akong ganito" pabiro kong saad pero parang hindi sya nakumbinsi sa mga sinabi ko. 

"Shawn alam mo sa inyong dalawa ni spencer alam kung may tinatago kayo sa aming lahat sa mga nakaraang araw masaya kayo pero may araw na ang seryoso nyo yung parang pagkinausap kayo ay bigla nalang kayong manununtok ganon" komento ni heaven na ikina tawa ko. 

"Hahaha bad mood lang kami ganon naman ang lahat minsan nga ganon ka din" saad ko at sinimangutan ako ni heaven.

"Oo na so sabay na tayong pumasok sa roon mag titime na rin eh" aya ni heaven pagkatapos ay mabilis kaming umalis sa lugar na inupuan namin. Tahimik lang kaming naglakad papuntang room.

Diretsong upo lang ako maya maya lang ay dumating na ang subject teacher namin. 

Heaven POV

"Sir si kendrick po birthday nya ngayon!" Sigaw ng isang kaklase kung bida bida. 

"Aba birthday mo ngayon Kendrick october 18 so kantahan natin sya ng happy birthday" saad ni sir at kumanta na ng happy birthday ang mga damuhong kaklase ko.

"Happy birth day to you! Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday!happy birthday!" Ayan walang sawang kanta nila ng happy birthday hindi na natapos.

"Class itigil na ang pagkanta!" Sigaw ni sir dahil naiinis narin. Mga bwisit! Hahaha! 

"Bakit ganyan kayo kumanta ng happy birthday talagang wlang katapusan!" Galit na sigaw ni sir. Lihim akong napatawa kaya para hindi makita ni sir tumungo nalang ako.

Pagkatapos mag sermon ni sir ay nagsimula na sya sa discussion. Nakangalumbaba lang ako habang tinatyagang makinig kay sir. Kahit idiscuss ni sir eh wala naman akong maintindihan kaya sa bandang huli self study nalang ako sa bahay. Halos maghapon na ganon wala akong naintindihan. Lagi naman akong ganon kaya nga minsan nagtataka ako kung bakit nagstem pa ako eh.

Tamad na nga bobo pa hayss. 

Tumunog na ang bell hudyat na uwian na. Tumingin ako sa gawi ni amber pero ngayon busy sya sa celphone nya. 
Hay iba na talaga ang may boyfriend. 
Tumingin ako sa upuan nila yvo pero wala na sila si shawn at Spencer nanatiling nakaupo sa upuan nila. 

"Hindi pa kayo uuwi?" Tanong pero walang sagot na bumalik sa akin. Kaya ayun mas maganda pang kausapin nalang ang hangin. 

"Una na pala ako" sabay tayo ni Spencer at ni hindi manlang kami tinignan. Nakakainis. 

"Napaano yun? Nakakainis yung ginawa nya ha? Bakit parang nagbago sya?may alam ka ba dito shawn?" Sunod sunod na tanong ko kay shawn.

"Wala akong alam sasabay ba kayo? Susunduin ako ng driver o ano? Sasabay kayo?" Tanong ni shawn sa amin nagdadalawang isip ako pero bahala na. 

"Sige sabi mo eh" sabay ngiting matamis.

"Tara na" aya ni shawn nauna syang maglakad kaya sumunod nalang kami sa kanya. Nakakahiya naman na isasabay na nga lang kami nauuna pa. Hay buhay. 

Kasalukuyang nakaupo na kami sa van nila shawn. Tatlo lang kami sa loob kaya ang awkward. Dahil naboboringan ako ay nagbukas ako ng cellphones at inopen ko ang Facebook ko. Biglang tumunog ang notification ko.

Shawn dhylan Goza birthday today!.

Pagkabasa ko noon ay tumungin ako kay shawn pero malalim ang iniisip nya. Nakatingin sya sa bintana at tulala. Ano naman ang iniisip nito?ako nalang ata ang matino sa aming lahat. 

"Shawn!" Tawag ko sa kanya para makuha ang atensyon nya. At mabilis ko namang nakuha tumingin sya sa akin.

"Bakit?" Tipid na tanong ni shawn.

"Happy birthday! Birthday mo rin pala ngayon bakit ni hindi mo manlang sinabi sa amin?" Sunod sunod na tanong ko.

Tinignan ko ang mukha nya kung ano ang magiging reaksyon nya. Pero hindi ko alam dahil hindi ko nakita sa mukha nya ang saya. Dahil kabaliktaran ngayon ang nakikita ko sa mga reaksyon nya hindi sya masaya. Ayun lang ang alam ko. 

"Gusto mo icelebrate natin ngayon? Kami ang kasama mo ichat ko din si spencer para marami tayo" request ko at binuksan ang cellphone ko. 

"Hindi na mas gusto kong mapagisa kaya salamat nalang sa offer mo" saad ni shawn sabay ibinalik ulit ang tingin sa bintana. Napatingin ako kay amber at alam kung nawiweirduhan na si amber. Umiling nalang sya na nagsasabing hindi nya alam ang nangyayari kay shawn.

Bakit ganito na naman?

Ang hirap manghula kung ano ba talaga ang hinihumimutomuk nila. Parehas sila ni spencer bipolar pabago bago ang mood.

Naku mahirap ito. 

"Happy birthday shawn" ayun nalang ang nasabi ko. Pagkatapos ay tumingin sya sa akin na parang kunting push nalang iiyak na. 

"Salamat" ayun nalang ang tangin tugon nya sa sinabi ko. 
Maya maya lang ay nakauwi na ako si amber rin hinatid na sa kanila.

Ngayon nakahiga na ako sa kama ko inaanalyze at iniisip na mabuti ang mga pangyayari kanina.

Bakit ganon shawn ang hirap mong mahalin?

Pagkatapos ay ipinikit ko ang aking mata at ipinanalangin na sana kung ano man ang problemang iniisip nila ay masulusyunan nila agad.

A/N: NAAWA AKO SA KANILA HAYSS PERO HINDI ITO ANG TAMANG PANAHON PARA SA PAGMAMAHAL.

#Ms.feeler
#Bitter

DONT FORGET TO VOTE!AND  I HOPE YOU ENJOY THIS STORY.

AND FOLLOW ME FOR MORE UPDATE THIS SLOW UPDATE.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now