CHAPTER 76 HIS PAST PART 1

699 28 0
                                    

Shawn POV

Naglalakad na ako pabalik sa ospital halos alas 9 na ng gabi madilim na, kaya binilisan ko ang aking paglalakad. Dumaan ako sa isang eskinita medyo madilim doon ang ilaw ng street light ang lumiliwanag doon. Bigla akong napatingin bigla akong kinutuban tumigil ako para tignan kung may tao dito. Tinignan kung mabuti may nakita akong anino ng tao pero bigla itong tumakbo. Hahabulin ko sana pero hindi ko alam kung saan sya pumunta kaya binalewala ko na lang. Mabilis kung tinahak ang ospital tumakbo na ako dahil may kaba akong naramdaman.
Pagpasok ko sa ospital doon lang nawala ang kaba ko dahil alam kung ligtas na ako.

Sino kaya sya? Pakiramdam ko ako ang kailangan nya.

"shawn bakit natagalan ka?" tanong ni Spencer na halata mong bagong gising lang. Katabi nito si heaven na tulog na tulog at yung limang ugok tulog na tulog rin.

"Nahirapan akong mamili ng junkfoods na gusto nyo" sagot ko, ipinakita ko ang dala kong junkfoods.

"Yes! may NOVA talaga paborito ko to" masyadong napalakas ang sabi nito at nagising yung mga tulog kanina.

"hay ano ba ang ingay mo Spencer" saad ni kent.

"Ano yan pahingi naman" saad ni andrei at biglang tumayo at kumuha ng junkfoods nya.

"ako din pahingin" saad ni kaizer kaya kumuha narin si Yvo,renzy at kent. Nakatingin lang si heaven nakatulala kase kagigising palang eh.

"Ah heaven ito oh" sabay abot ko ng stick-o at yakult. At biglang umaliwalas ang mukha nya alam kung paborito nya ito kaya hindi sya tatanggi.

"salamat, teka.... yung pinabili kung burger?" tanong nito at tumigin ako kay Spencer kase nasa kanya yung plastic kung saan nakalagay yung mga pinamili ko.

"Spencer nandyan ba yung burger?tigi-tigisa lang tayo dyan ha" paalala ko.

"ah ito sige oh ito abutin mo yung inyo" sabay abot nung burger namin at mabilis kung tinanggap.

"oh ito na po nagutos kang bumili nyan pero wala ka namang perang binigay" pabiro kong banat.

"ahhh mayaman ka naman eh atsaka wala akong pera kaya ganon nabubuhay ako sa libre kaya, libre mo na lang ito" saad ni heaven na ikinatawa ko.

"oo na sige na libre ko na yan sayo pero ililibre mo din ako ha?" biro ko.

"okay babawi ako sa inyo ni Spencer" huling sabi nito at kinain na ang burger na binigay ko. Halos limang minuto kaming tahimik dahil gutom na kami kaya walang usapan. Maya maya ay may dumaan sa aming nurse sinundan lang namin ng tingin baka nag roround lang.

"ganito pala sa ospital ang tahimik hay natatakot tuloy ako" saad ni heaven sya ang bumasag ng katahimikan.

"Spencer dumaan na ba yung daddy ni calib?" tanong ni Yvo.

"hindi ko pa na papansin baka nasa loob pa alas 9:30 palang naman " sagot ni Spencer at tinago ang cellphone nya sa bulsa.

"ang ikling oras lang pala yung tulog ko" saad ni renzy at ibinalik ang earphone sa tenga nya. Ayun may sariling mundo na naman sya hay kahit ako din music ang aking pangrelax. Pag akoy stress or depression sometimes when I feel sad I only listen a music then nawawala yung sadness ko.

"matulog na ulit kayo mahaba pang oras ang hihintayin natin" saad ko at nagsiayos na sila at nagsitulog ulit. Hay sana maging maayos si caliber kahit marami syang ginawang hindi maganda sa amin alam kung mabait syang tao. At umayos na rin ako tumingin ako kay heaven ayun tulog ulit kaya natulog narin ako.

Caliber POV

Unti unti kung minulat ang aking mata puro puti ang nakikita ko siguro nasa langit na ako, pero hindi pwede dahil masama akong tao. Unti unti lumiwanag ang paligid ang una kung nakita ay ilaw. Pinalibot ko ang aking mata may swero unangat ko ang aking kamay. Kung saan ko ito hiniwa meron na itong bend, masakit pero manhid na ako. Tumingi ako sa kaliwa at may nakaupo sa sofa na malapit sa akin. And si dad yun at yung asawa nya,

sino kaya ang tumawag sa kanila? At bakit sila nandito? hindi ko inaasahan na pumunta sila dito. at sana hindi nalang dahil mas pinaparamdam nila na mas masaya si dad sa bago nyang buhay kesa noon. Mahal ba nya kami ni mom?

Bigla nalang tumulo ang luha ko maraming bigat ang puso ko pag twing nakikita ko si dad. I feel so alone bakit nya kami iniwan sya din ang dahilan kung bakit ako iniwan ni mom. Sya ang puno't dulo nito kaya bakit pa sya nandito hindi ko sya kailangan. Tulog sila dad sa sofa katabi yun babae nya bigla itong nagising nung makita akong gising.

"anak buti gising ka na bakit mo ba ginawa iyon?" tanong nito at ang mukha nya ay puno ng pagaalala. Hinawakan nya ang kamay ko pero bigla kung binawi ayokong hawakan nya ako. Dahil sya ang sumira sa pamilya namin, at sa aking buhay galit ako sa kanya at hindi mababago iyon.

"oh anong ginagawa nyo dito? akala ko magkikita na tayo sa impyerno pero hindi pa pala?"sarcastic kung sabi lumapit yung kasama nyang babae. Akmang hahawakan nya ako pero hindi ko hinayaan dahil tinabig ko ito.

"wag nyo akong hawakan wala na akong magulang matagal na silang patay!" sigaw ko.

"anak sorry sa lahat ng nagawa ko please anak ito na yata ang tamang oras para sabihin sa iyo ito" saad ni dad at naupo sa sofa tumabi sa kaniya ang babae nya.

"anak, pasensya na dahil na damay ka pa sa gulong ito. Ang totoo nyan hindi ko talaga mahal ang mama mo, ano..... kase yung tatay nya pinagkasundo kami dahil maganda kung magsasama ang kompanya namin. Mas magiging matatag hindi na ako nakatanggi dahil kung hindi ko gagawin iyon. Binalock mail nila ako na sasaktan nila si april dahil sya yung girlfriend ko matagal na. Ikakasal na sana kami pero wala akong nagawa dahil sasaktan sya. Alam ko gago ako, Hayop pero kasalanan ko bang nagmahal lang ako. Anak pinilit kung mahalin ang mommy mo pero hindi eh mahal ko parin sya. Wala akong balak na iwanan ka binalikan kita pero hindi ko na kayo nakita sa bahay. Inilayo ka sa akin ng mommy mo. Anak mahal kita sana maramdaman mo iyon, mahal na mahal. Masaya ako nung pinanganak ka dahil ikaw na ang naging buhay ko anak please sana mapatawad mo ako" naiiyak na saad ni dad hindi ko alam pero galit parin ako sa kanya.

"dad hindi ko lang alam kung bakit mo kailangan gawin iyon. Dad minahal ka ni mom pero ginago mo sya harap harapan dad sa tingin mo mapapatawad kita. Dad hindi mo alam kung ano ang naging buhay ko nung umalis ka. Si mom iyak ng iyak at nagasawa sya ng iba at inabanduna ako. Dad wala kang alam at ngayon nag aakto kang inusente, hayop!gago! walang kwenta! iyan ka dad kaya umalis kana lang dito hindi ko gusto ang makita ka dito. Akala ko nga patay ka na para kahit sa impyerno masasabi ko ito sa inyo dad" tumulo ang mga luha sa aking mukha pasimple ko itong pinunasan ayokong sabihan nya akong mahina.

"please get out of my room! ayoko ng makita ang pagmumukha nyo wag nyong hintayin na mapatay ko kayo!" at mabilis silang umalis kahit mahina pa ako sinikap kung tumayo. Binunot ko ang hose na nakakabit sa kamay ko at naghilamos. Maya maya ay may pumasok sa kwarto ko at sila heaven iyon and her friends.

Bakit sila nandito? sila ba ang nagdala sa akin dito pagkatapos ng ginawa ko sa kanila?.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon