Chapter 3 THE SUPPER

3.2K 107 2
                                    


Kurt Justin POV

Nakahiga ako sa lupa walang pakialam kung sino ang makakita sakin dahil hindi ko alam ang gagawin.Habang nag hahanap naman ang mga kapitbahay namin sa aking ina at kapatid.

Hindi ko alam kung magwawala o sisisihin ang sarili dahil bangkay ng nakita ang kapatid ko at ina wala na itong buhay halos hindi ko na makilala ang mga ito dahil sunog na sunog .

Hindi ko mapigilan ang sarili na umiyak kahit meron akong nararamdamang masakit sa kanang bahagi ng aking mukha.

Nilapitan ko ang bangkay ng aking ina at kapatid sinisisi ang sarili dahil sa pagiging duwag dahil wala akong lakas ng loob para iligtas sila.

Wala akong kwenta,wala akong silbe,dapat ako nalang ang namatay dahil ako ang lalaki ako dapat ang nag poprotekta sa kanila wala akong pinag kaiba sa aming amang na wala kwenta.

Habang napatak ang mga butil ng tubig papunta sa aking mukha mahapdi ito pero hindi ko ininda ito dahil sa sunog na parte ng aking mukha ,walang humpay ang pagsisisi,pagkaguilty,pagkatakot at pagiisa.

Ayan ang nararamdaman ko hayss bakit ngayon pa, bakit sila pa hindi ko kaya.

Makalipas ang tatlong araw burol ng aking ina at kapatid magkatabi ang kanilang kabaong marami ang taong nakiramay.

Mga kapitbahay namin at nagsidatingan din ang mga kamag anak namin galing sa malalayong probinsya.Naghahagulgulan ang mga itong may kirut sa puso ko at nandito ang tiyuhin kapatid ni mama sobrang close nila sa isat Isa
At bigla itong lumapit sa akin at kinuwelyuhin ako

"nandito ka dapat niligtas mo sila wala kang kwenta ikaw ang lalaki hindi mo manlang sila niligtas ha hindi ko na sya makakasama sana ikaw nalang ang namatay !!" Nanggagalaiting sabi nito sa akin.

Bigla akong nanlumo dahil naiintindihan ko naman sya kaya lumabas muna ako saglit sa punerarya at nag pahangin sa labas.Para akong zombie na nag lalakad sa masukal na gubat papunta sa dati naming bahay.

Wala kang makikitang bakas dahil puro abo nalang ang makikita mo at hindi ko narin makikita ang aking ina na nagbibigay ng lakas at inspirasyon sa lahat ng bagay na aking gagawin.

Namimiss ko rin mga pagsasama namin ni keana yung kulitan pagsasalo salo sa pagkain.

Naalala ko pa yung huli naming pagkain tatlo masaya at walang humpay na tawanan na hinding hindi na mauulit .

At nung araw na yung parang naging manhid ang puso wala na akong luhang iiyak magisa nalang ako ngayon.

Araw ng kanilang libing halos walang umiimik halos mga pugto ang mga mata habang nag papatugtog ng awaiting nakakaiyak. Nasa unahan ang dalawang kabaong at kasunod nito ang mga kamag anak may naka tricycle at nakajeep at may magagandang sasakyan.

Habang papalapit kami sa sementeryo ay mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko,hindi ako sumabay sa mga nakiramay pumunta ako pagkatapos ng libing dahil hindi ko kayang makita ng ganon ewan ko basta hindi ko kaya.

Nung nakita kung wala ng tao ay doon ko pinuntahan ang puntod ng aking ina at kapatid at doon hamagulgol ng wala sa sarili. Dito sila mama nilibing  malayo pa ng binayahe ko para makapunta sa libing nila.

Naglalakad ako ng wala sa sarili hanggang umupo ako sa tapat ng isang malaking gusali.

Isinandal ko ang aking ulo sa matigas na pader nag iisip kung paano pa mabubuhay wala bahay wala kami masyadong kamag anak dito.

Hanggang Isang saglit lang ay nag labo ang aking paningin at naramdaman ko ang pagbagsak ko sa sahig.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now