CHAPTER 90 WHAT A GIFT?

208 20 0
                                    

Salamat po sa patuloy na pagbabasa mga kilander's ito nalang ang itatawag ko sa mga masugid kung mangbabasa. Please keep reading pasensya na dahil hindi pa ako nakapag update matagal tagal din. Namiss ko nga ang watty eh. Keep voting, keep reading and comment lang kung may suggestion man. Salamat Saranghae! kilander's!.

Spencer POV

"INHALE, EXHALE"saad ko sa sarili ko. Dahil sinisingga na naman ako ng sakit ko. Ang sabi ng doktor ay trauma daw ito bawal akong sobrang saya at bawal naman ang sobrang lungkot. Ibig sabihin ay bawal akong masobrahan sa imosyon at lalong bawal akong masaktan.

Oo trauma nga ito naalala ko pa noon nung bata pa ako. Yung to the point na laging nagaaway sila mommy at daddy. Minsan nga ay nagkakasakitan na sila sa isat isa. At nasaksihan ko lahat ng iyon pagkatapos noon ay lagi akong naiyak. Dahil lagi silang nagaaway hanggang sa naospital ako. Kahit ganon ang nangyari ay hindi nabago ang isip ni dad dahil lumayo sya kay mommy. Kaya ngayon magkalayo ang bahay nila ng bahay.

Mahirap ang sitwasyon ko kaya kahit mahirap ay kinaya ko nalang.

"anak?" tanong ni mama sa labas ng pintuan habang kinakatok ang pinto.
Maya maya lang ay binuksan nya ito at tumabi sa akin tahimik lang sya pagkatapos ay niyakap nya ako ng mahigpit.

"anak pasensya kana ha? dahil sa akin nahihirapan ka ng ganito" madamdaming saad ni mommy habang hindi parin binabaklas ang yakap nya sa akin. Sa twing niyayakap ako ni mommy feel ko safe ako walang mananakit sa akin.

"mommy hindi nyo po kasalanan at wala pong may kasalanan sa nangyari sa akin kaya po wag nyo na pong sisihin ang sarili nyo" paalala ko kay mommy at unti unti nyang kinalas ang yakap nya sa akin.

"magpahinga na po kayo mommy una na ako" saad ko at maya maya lang ay umalis na si mommy.

Ngayon ay magisa nalang ako sa kwarto ko nakatingin lang ako sa kisame dahil hindi pa ako dinadapuan ng antok. Hindi ko mapigilan ang luha na gustong tumulo sa aking mata. kusa na itong tumulo ng ako ay pumikit.

Sana naman ay maging maayos ang lahat.

Shawn POV

Pagkadating ko sa bahay ay dumiretso na ako ng kwarto ko. Marahas akong humiga sa kama ko na hindi man lang nagpalit ng damit. Tahimik lang ang buong bahay halos mga limang minuto din akong nakatulala sa kisame ng kwarto ko. Habang iniisip ang mga nangyari kanina sa school. Masyadong marami akong iniisip para magcelebrate ng birthday ko.

Mama and my baby girl namimiss ko na kayo.

Sa pagkakataong ito binalot na naman ako ng kalungkutan na dating naranasan ko. Nasa malalim ako ng pagiisip ng biglang may kumatok sa pintuan ko. Dahil doon nabalik ako sa realidad mabilis akong bumangon at pinagbuksan kung sino ang kumakatok. Pagbukas ko ay si nanay carmina ang nasa labas ng pintuan nakangiti ito sa akin. Dahil doon pinilit ko ang sarili ko na ngumiti.

"happy birthday to my baby shawn" bati ni nanay carmina. At tumingin ako sa hawak nyang cake at nakasulat doon ay.

Happy 18th birthday to my shawn dhylan Goza!

       From. nanay at tatay.

"salamat po nay carmina hindi na po sana kayo nag abala pa" saad ko at walang sabing pumasok si nanay carmina sa kwarto. Pagkatapos ay inilapag ang cake sa mini table na nasa kwarto ko. Umupo ako sa kama ko at tumabi sa akin si nanay carmina.

"hay shawn may problema ba? Anak? " sunod sunod na tanong ni nanay.

Maayos nga ba ako?

"opo nay wala pong problema salamat din po sa cake" tipid na sagot ko.

"sandali mag boblow the candle pa tayo sandali" saad ni nanay at parang batang sinindihan ang kandila at itinusok ito sa cake. Dahil doon napangiti ako dahil naalala ko si mama sa kanya. Dahan dahan nyang inilapit sa akin ang cake.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now