Chapter 18 FIRST PROJECT

1.6K 47 0
                                    

Heaven POV

"Good morning !!masayang bati ko kila mama at papa kase minsan ko lang silang naaabutan dahil maaga silang umaalis para magtinda.

"Bunso halika kumain ka na ito oh sinangag at piniritong itlog na buo ang pula diba paboriti mo yan ". Sabi ni mama na parang kulang sa tulog. Naaawa ako sa kanila dalawa pa kase kaming na pasok ni kuya Herbert Grade 12 ako at second year college naman si kuya. Masaya sila mama at papa dahil achiever ako at si kuya mataas din naman ang grade nya. Si kuya Henry naman ay may 21 na nagtatrabaho sya sa isang kompanya ng mga alak malaki laki naman ang sahod nya at iyon ang pinapantuition ni kuya herbert sa college.

******

Umupo ako sa harap ng upuan ni mama kumain na ako at hindi rin nag tagal ay umalis na sila si kuya henry narin ay umalis papuntang trabaho at pasok naman si kuya Herbert. Kaya sa huli mag isa ako laging ganito araw araw kase pang hapon ako at lagi kong kasabay si amber.

Mga Isang linggo na ang nakalipas lagi akong nililibre ni Spencer at si Shawn naman napaka tahimik at parang walang pakialam sa mundo. Pero lagi ko ito nahuhuling nakatingin sa akin ako tuloy parang kinikilig hay buhay.

Pumasok ako sa banyo naligo nagtoothbrush nag bihis ng uniporm at lumabas na sa bahay lagi kaming sabay ni amber ehh. Ngayon araw ay may iaannounce si sir kim kinakabahan tuloy ako hay sumakay kami sa tricycle at dumiretso sa classroom mga kalhating oras ay dumating na si sir .

"Good morning sir kim "bati namin habang sabay sabay na tumayo at pinaupo na kami nito. Tahimik kaming lahat dahil nga sa iaannounce ni sir.

"Stem ngayon ay may project Kayong gagawin sa isang grupo ay may limang miyembro. At ako ang napag desisyunan ko na by row nalang ang mag kakagrupo hindi Nyo pa kase maga kakakilala. Mas maganda kung mag kakatabi nalang para mabuo ang magandang samahan Nyo.sabi ni sir.

Napatingin naman ako sa mga katabi ko ang sama ng tingin sa akin ni amber at tinuturo ng nguso nya ang katabi ni Shawn na si smith half american kase sya. Ayaw kase dito ni amber hindi nya kase ito naiintindihan gawa ng pagkinakausap mo ito eenglish ka nito ayon tuloy nakatulala nalang kami, mga English kalabaw lang ang sagot namin hay ang sakit sa ulo bakit kase hindi to marunong mag tagalog.

Hindi naman talaga dapat dito nakaupo ito eh yung katabi dapat ni Shawn na babae bigla nalang nag transfer sa manila dahil lumipat daw ng bahay. ayun tamang tama namang iyong lang ang bakanteng upuan kaya doon nalang sya pinaupo ni sir kim.

Nanatiling tahimik kami nag katinginan kami ni spencer at ni amber na parang natatakot baka kase bumagsak kami. Parehas kami ni amber may katamaran din. Ito namang si joe ang hirap kausapin si shawn at Spencer lang ang pagasa namin. Hay parehas kase kaming asa sa lider alam mo na dumbell pabuhat pabigat hihihi.

"Kayo na ang bahala kung sino ang gusto nyong maging lider nyo mag reresearch kayo tungkol sa thesis at umisip rin kayo ng title nyo pinag hahanda ko kayo dahil maraming tayo ngayong mga activities ngayong taon na ito.
Hay ang hirap eh magiging busy din kami dahil marami sa Inyo ang hindi pa ayos ang requirements mahirap kase mga gagraduate kayo."saad ni sir at lumabas na ng room.

Lahat kami ay nakatulala hindi namin inaasahan yon. Kase ang thesis baka mga 2 months pa bago kami mag simula bakit napaaga yata hayss.

"Grabe naman si sir Kim hay pero wala na tayong magagawa mukha kailangan na nating gawin sa lalot madaling panahon" Amber.

Nakatulala ako sa blackboard nag iisip at nangangamba hay mukhang mahihirapan ako nito.

"oh bakit ganyan naman yan mukha mo thesis lang naman yan" sabi ni Spencer habang nakatingin sa aking mga mata.

"Thesis lang naman? Ha nagloloko ka ba Spencer "
Sabi ko naman.

"Heaven alam mo kaya natin yan STEM tayo hindi naman tayo katalinuhan, kaya natin yan mag kakagrupo tayo nila
Joe Smith,amber at Shawn hindi ka nagiisa ". Noong sinabi yon ni Spencer parang gumaan yung ng kaunti yung pakiramdam ko. Napaka bait talaga ni Spencer gwapo sya at sa tingin ko mayaman dahil sa balat nya at paraan ng pananamit.

"Salamat ha na motive ako kailangan natin mag tulongan paniguradong kaya natin to."hindi parin mawala ang ngiti sa mukha nya na nakatingin sa akin naiilang din ako minsan at ayaw kung mag assume ehh.

Natapos ang buong period at uwian na kami pinuntahan ko si amber para umuwi na . At natawa ako dahil parang kinukilit ito ni Joe si amber naman parang inis na inis.
Kahit kailan talaga si amber ay habulin ng lalaki madaming nagkakagusto dito pero ayaw ni amber ng commitment. Nilapitan ko si amber para sabihinh umuwi na kami.

"amber tara na baka gabihin tayo palubog na ang araw Tara na" . Sinabi ko ito at hinila sya palayi si Joe naman ay lumungkot ang mukha nya.

"Hoy amber okay ka lang ba at wait lang bakit mo kasama si Joe ihh ganda mo talaga" pabiro Kong sabi habang sinusundot sa tagiliran. Hindi ito umiimik hanggan nakauwi kami sa bahay. Anong nangyari doon?.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now