Chapter 46 JEALOUSY HEART PART 3

905 23 0
                                    


Shawn POV

Pumasok ang Isang doctor at may hawak itong papel lumapit ito sa akin at automatik na tumayo si nanay carmina at tatay max .

" Mr. And Mrs. Gozon pwede na pong nakauwi si Shawn noong huling check up namin sa kaniya ay wala nag pasa. Wala nating mga galos sa kaniya likod maayos na Pero kailangan paring magingat baka nabugbog na naman ha. " Sabi ng doctor sa amin at lumabas din ito. Ngumiti sa akin sila at inayos ko na ang sarili ko mga dalawang araw akong walang ligo.

" Sa susunod na may nangyari sa iyon wag kang magdadalwang isip na sabihin sa akin ha shawn, tandaan mo yan" at niyakap ako ni nanay carmina.

" Nanay carmina ,tatay max gusto ko na po sanang pumasok" Sabi ko at tumigin lang sa akin si nanay carmina si tatay max naman ay nakapokus sa pagmamaneho.

" Kaya ko na po nakakabagot naman po kase sa bahay mas gusto ko pa po sa school " Sabi ko Kay nanay carmina.

" Okay basta Pag may away sa iyo oh sumakit ulit yang likod at tyan mo sabihin mo sa akin ha ,Okay"Sabi ni nanay Carmina at nag thumbs up ako . Kahit kailan ang bait talaga ni nanay Carmina kaya napapamahal na sila sa akin.

Mabilis ang oras at hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay. Lumabas na ako ng sasakyan at umakyat na sa kwarto para maligo at pumasok sa school. Mga limang minuto at tapos na ako mga eleven thirty palang at kumain ako ng mabilis at nagtoothbrush ulit .

Nagpahatid ako sa driver namin sa school at mabilis kung tinakbo ang 3rd floor. Hinahapo ako at tumigil ako sa hagdan at narinig akong maingay at walang iba Yun kundi si heaven. Nasa second floor palang ako ay rinig ko na ang boses nya at may kasama itong lalaki at si Spencer ito.

Dinaanan ko sila Pero napatigil si heaven sa pagtawa at nilapitan ako .

" Shawn bakit pumasok ka agad ha " tanong sa akin nito Pero hindi ko sinagot at sumabay ito sa akin Pag pasok.

" Spencer tara pasok na tayo baka dumating na si sir Kim" Sabi ni heaven Kay Spencer at sumunod naman ito.

Pumasok na kami ng tatlo sa classroom at naupo na kami nakatingin lang ako kay heaven sa malayo. Hay parang lahat na nararamdaman ko ay bago sa akin ,kagaya ng kanina nag selos ako dahil sa half brother ko na si Spencer. Oo alam ko wala akong karapatan Pero parang may kirot at ang mas weird ay gusto ko lagi syang titigan nakakabakla man Pero hindi ko mapigilan hehehe.

May nakita nalang akong Isang yakult sa desk ko at tinignan ko si heaven. At sa kaniya nga galing at meron din si spencer

" Inumin mo yan makakatulong yan sayo" Sabi ni heaven at nginitian ako sabay Isang laklakin nito ang Isang yakult at umubo pa ito .

Natawa na lang ako bakit kaya kahit anong gawin nya kalokohan ay natatawa ako. Hay nababakla na ata ako sa babaeng ito.

Heaven POV

Dumating na si sir Kim at nag discuss kinamusta na nya rin project namin. Ang maganda pa doon ay mga nobyembre pa daw ang deadline kaya lahat kami masaya yehey. Gagawa na daw kami ng thesis by pair apat na lang kami dahil bumalik ng America si Joe kaya. Nag bunutan ulit kami ng kapartner ang kapartner ko ay si Shawn at si amber at Spencer hahaha.

"Shawn sa amin nalang tayo gumawa ha " Sabi ko kay Shawn na halos pabulong na lang. Tumingin naman ako Kay spencer Pero nakakunot ang noo nito ,ano kaya problema non? Nagdiscuss at tumunog ang bell hudyat na recess yehey may favorite subject hehehe.

Inayos ko na ang gamit ko at tumayo tinignan ko si amber at nilapitan .

" Hoy amber mukhang badtrip ka ah " Sabi ko dito at binigyan ng yakult at kinuha naman nya.

" Sasama ka ba sa canteen?" Tanong ko at umiling naman ito kaya magisa ako pupunta sa canteen.

Habang naglalakad ako pababa ng hagdan ay naiwan yung sapatos ko dahil biglang lumuwag. Dadamputin ko na sana Pero may dalawang lalaking tumigil sa harapan ko .

At tinignan ko ang mukha nung dalawang lalaki at si Shawn at Spencer ito.

" Tara sa canteen libre kita " sabay na Sabi nila at nagulat ako dahil hindi ko inaasahan yon. Kay Spencer nanlilibre talaga yan pero si Shawn hindi ko Alam kung anong nakain at manlilibre pa.

" Ah gusto nyo tayo nalang tatlo para mas masaya" Sabi ko at pinulot ang sapatos ko at ikinabit ng maayos. Mala Cinderella ang style at ang nakakatawa ay mukhang masarap ang kain ko nito at libre .

Tumango naman silang parehas ako ang nasa unahang at parang body guard ko yung dalawa . Naghanap na kami ni Shawn ng bakanteng upuan at si Spencer ang naorder yehey mukhang mapapalaban ako sa kain .

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now