CHAPTER 70 HIS DECISION

589 26 0
                                    

Amber POV

"amber! bilisan mo ng paglalakad malalate na tayo!" sigaw sa akin ni heaven kase hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kay mike. Ni text tawag o wag nayun kahit chat nalang eh wala kahit isa. Napatigil ako ng hilahin ako ni heaven sa braso na ikinagulat ko.

" sandali amber meron bang problema?" tanong nito sa akin at lumabas na naman yung pagkairita ko.

"oo sya ang problema eh ni hindi nya ako ichat o kahit text para alam ko kung nasaan sya!" bulyaw ko kay heaven at huli na narealize ko ang sinabi ko. Habang si heaven ay takang nakatingin sa akin at dahan dahan nyang tinanggal ang kamay nyang nakahawak sa braso ko. At ang pagtataka nyang mukha ay napalitan ng nakakalokong ngiti.

"sabi ko na eh may something sa inyong dalawa ano kayo na ba?" tanong ni heaven at nakanngiti parin ng nakakaloko.

"ahm..... MU palang kami" may pagaalinlangan kung sagot.

"pakipot ka pa kase eh ang tagal na ni mike na nagpapa cute sayo ayan sa kanya rin pala ang laglag mo" sagot ni heaven at iniwan ko syang mag isa. aba malay ko ba dati inis na inis ako sa kanya hindi ko nga alam kung anong salamangka ang ginamit ni mike kung bakit ako nagkakaganito.

"hoy! hintay amber!" sigaw ni heaven hindi ko pinansin sya bwisit talaga yan kahit kailan. Mabilis ako pumasok sa room namin marami na sila doon nandoon na sila shawn, spencer at yung grupo ni caliber. Padabog akong umupo sa upuan ko at maya maya kasunod ko na si heaven.

"alam mo amber nakakainis ka nang iiwan ka lagi" hinihingal na sabi ni heaven at sabay upo sa upuan nya. Nag good morning sya kay shawn at Spencer nakatingin lang sa kanya yung dalawa. Hay halatang halata talaga itong dalawang ito na may gusto sila kay heaven. Ito naman si heaven ayun isip bata at isang manhid kawawa naman yung dalawa.

Natapos ang buong araw ganon parin nakalulala wala ako sa sarili ko ngayon. Nasa canteen ako habang hawak ko ang cellphone ko pero wala parin syang kahit anong chat. hay bahala sya naiinis na ako sa kanya pagkatapos nya akong pakiligin iiwan nya nalang ako basta basta. Bahala sya. Nasaan na kaya si heaven? kanina kase hindi ako pinapansin hay siguro kasama lang nila shawn at spencer.

Heaven POV

"kailam daw yung card showing?" tanong ko sa dalawang ito.

"ang sabi ni sir ay next week friday daw" sagot ni shawn at sabay inom ng juice.

"kinakabahan na ako kailangan kung makakuha ng 85 pataas ang average kase ibibili daw nila ako ng laptop" masaya kong kwento at yung dalawa kain lang naman ng kain.

"Heaven saan ka pala mag college anong kukunin mong course?" tanong Spencer.

"ahm... sa manila ako mag college at gusto kung kunin na course ahmm... mag electrical engineering ako kayo ba" pagkasabi ko na sa maynila ako magaaral. Biglang nalungkot yung dalawa ako din naman nalulungkot ako pagnaiisip ko na. Kailangan naming maghiwalay hiwalay para mag college para abutin ang pangarap namin.

"kayo saan mag college?" balik kong tanong sa kanila.

"ako sabi ni nanay carmina sa Batangas ako mag civil engineering ako" sagot ni shawn.

"ako naman Batangas din ako BSU doon daw kase puro engineering doon at kukunin ko naman mechanical engineering" sagot ni Spencer.

"nakakaexcite after five or four years magkikita kita ulit tayo at successful engineer na tayo" nakangiti kung sabi ang sarap ng ganong buhay. Hay kaya ko yun natapos na kami ng pagkain kanina hindi ko pinapansin si amber. wala lang naiinis ako sa kanya eh marami syang itinatago sa akin. Bahala sya hindi ko muna sya papansinin.

Naglalakad kami nila shawn at Spencer paakyat sa hagdan sa aming room. Nagulat ako nang nakasalubong namin si Yvo kasama si caliber buti nga wala sila andrei at kaizer.

"Yvo, caliber padaanin nyo kami bro nasa daan kayo" sabi ni Spencer sa dalawa at sumunod naman yung dalawa. Hindi alam kung bakit ako biglang napatingin kay Yvo at nginitian nya ako ng nakakaloko. Ano ba ang nangyayari akala ko okay na? mabilis ang pag lalakad papasok sa room. Hay okay lang sana ang lahat uwian na magisa lang akong umuwi sabay kase yung dalawa ni shawn at Spencer. Nagprisinta sila na samahan ako pero hindi ako pumayag kaya ayun mag isa ako. Nakasakay na ako sa tricycle at hindi ko napuna kanina na pumasom si amber sa klase saan naman kaya yun pumunta. lagot ka sa akin bukas amber.

Amber POV

Hindi ako mapakali kanina pa kaya napagpasyahan kung mag cutting. Kase parang nakakaramdam ako ng kaba baka may nangyari na kay mike. Umakyat ako sa gate namin buti wala doon ang guard namin kaya free akong nakaalis. Sumakay ako ng tricycle papunta sa bahay nila nasa labas ako ng gate nila. Para akong tangang tawag ng tawag sa labas pero wala paring taong lumalabas. Nilakasan ko at may lumabas na isang katulong nila at mabilis akong pinagbuksan ng pinto.

"nandyan ba sila mike ate? tanong ko.

"naku nasa ospital sila" sagot ng katulong yung kaba mas naging malala. Mabilis akong pumunta sa ospital nagtanong ako receptionist.

"saan po ang kwarto ni mike" tanong ko habang hinihingal dahil sa katatakbo.

"ma'am sa room 123 po sa third floor po" at mabilis akong umakyat sa hagdan meron naman na elevator pero takot akong sumakay doon. Ngayon nasa tapat na ako ng pintuan na tinutukoy nung receptionist. Kinakabahan ako bubuksan ko na sana ang pinto ng may humawak sa balikat ko. Napasigaw ako ng malakas na nakakuha ng atensyon ng madami.

"amber anong ginagawa mo dito" tanong sa akin ng nanay ni mike nakita ko ang eye bag nya at ang mata nya kagagaling lang sa iyak.

"ano po ang nangyari kay mike tita? bakit po kayo nasa ospital?" tanong ko sa nanay ni mike at binuksan nya sa pinto. Nakita ko ang tatay ni mike na nakahiga doon at maraminf mmg tubo ang nakakabit sa kanya.

"kahapon kase nabaril ang papa nya dahil sa isang nag walang pasyente at ....... kailangan nyang salinan ng dugo at si mike ang nag donor ng dugo nya" naiiyak na sabi ni tita at dahang dahan na hinawakan ang kamay ng asawa nya.

"nasaan po si mike? tanong ko.

"nasa kabilang kwarto at nireready na nila ang pagsasalin ng dugo" naiiyak nyang sabi. Maya maya ay inilipat na ng mga nurse ang tatay ni mike sa kabilang kwarto. Nakatingin lang ako sa siwang ng pinto at nakahiga si mike doon at walang malay kagaya din papa nya marami din ang tubo ang nakakabit. Naupo nalang ako sa waiting area naawa ako kay mike bakit nangyari pa sa kanya yun. Awang awa ako sa kanya kung meron lang ako pwedeng gawin para maka move on agad sya. Hay bata pa sya para maranasan ang mga ito. Sana okay lang ang process na gagawin nila baka hindi kayanin ni mike ang process.

At sya ang malagay sa panganib ano ba kase ang ginawa mo sa akin mike. Sana bumalik na lang sa dati na wala akong pakialam sayo. Para wala akong isiping kagaya nito nakakatakot at nakakawala sa sarili ganito ba talaga pag nagkagusto ka ng isang tao. Gagawin mo ang lahat para maging maayos ang lahat hay bwisit na pagibig yan bakit mo ako tinamaan. Hay good luck mike mamahalin pa kita.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now