Chapter 35 GUARDIAN HEAVEN PART 2

911 26 0
                                    


Spencer POV

" Ahh please sabihin mo sa kanila na tigilan na si Shawn dahil kanina ay binugbog nila ito, kung hindi nila tigilan si shawn huh tignan natin hindi ay ako ang makakalaban nila" Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni heaven sa akin kanina. Kasalukuyang akoy nakahiga sa aking kama mukhang may ginagawang kalokohan ang mga ito. Napabalikwas ako nang may kumatok

" Pasok bukas yan!"

" Oh bakit ka pumunta dito Renzy " Sabi ko dito Pero hindi ako nito pinansin at bigla itong nahiga sa kama ko . At sumunod naman si Kent nahiga din ito kinuha pa sa akin ang aking unan at nagkumot pa ang dalawa at natulog.

" Hoy bakit kayo nandito ha doon kayo sa kwarto Nyo" nabubugnot kung Sabi.

" Ayaw kung kasama yung tatlong yun" Sabi ni Kent.

" Ahh Spencer may nabugbog daw si Yvo kanina na lalaki " dagdag pa ni Kent.

"Si shawn dahil nabunggo lang si Yvo binubog na nya" Sabi ni renzy habang nakapikit .

" Sino ba yun lalaking Yun?"

" Wag lang maingay kaya ikaw lang ang nakakaalam nito kinuwento ito sa akin ni Caliber, Si Shawn at ang nakakatawa pa alam mo si amazona iniligtas nya pa si Shawn" Sabi ni Kent na may pagkamangha.

" Kaya pala ganon na lang sya magsalita"

Pagkasabi ko noon tinignan ko ang dalawa at mukhang malalim na ang tulog. Sa sinabi sa akin ni Kent ay humanga na naman ako Kay heaven grabe talaga yung babaeng yung talagang malakas ang loob. Pagkatapos ko noon ay tinabi na rin ako kila Kent at Renzy at natulog .

Heaven POV

Tiktilaok.............!!

" Ang ingay na lintik na manok na yan ni papa hayss"
Padabog ako bumangon at pumunta sa kusina para maghilamos at nagtoothbrush. Pumunta na akong kusina at nakita ko si mama nililigpit yung pinagkainan

" Oh anak kumain kana meron pa dyan natira" Sabi ni mama at kinuha ko ang pagkain.

"Anak meron ka ngayon tignan mo yang short mo"

Tinignan at meron nga kaya pala tamad na tamad akong gumising.

" Ma ibili nyo nga po muna ng modess kila tita " Sabi ko Kay mama .

" Nakakainis " umupo ako at kumain na, nang malapit na akong matapos ay nakita ko si mama at ibinigay nito ang napkin. Pumunta ako sa kwarto at naligo ako at
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Kagaya ng dating gawi nood habang nakain nag dala ako ng isang balot ng yakult pagka nauhaw ako hihihi. Naligo na ako at nagbihis ng uniporm at sabay kaming umalis ni amber.

Pagka may dalaw ako ay mabilis Maginit ang ulo ko at ayaw ko na ginagalit ako. Pumasok na kami sa room Pero direderetso ako papunta sa upuan ko . Wala akong ganang makipag usap ang ginawa ko ay kinuha ko ang cellphone ko at nagbasa ng Wattpad at nagfacebook.
At biglang akong napalingon at nagkataon na nakatingin sa akin si Shawn at bigla naman itong umiwas.

Napaano kaya Yun?

Dumating narin ang mga kaklase ko at Spencer natatawa ako sa mukha nya na kulang ito sa tulog. Sumunod naman dito ang mga kaibigan nya anim at ang mukhang kulang din ang mga ito sa tulog. Natawa ako sa mga itsura nila ang epic talaga, at binalik ko ang tingin ko sa unahan at ilang minuto ay Dumating na si sir kim. Buong klase ay mabigat ang pakiramdam ko gawa ng dalaw ko hindi ako masyadong natayo nakaupo lang ako. Natapos yung klase at pumunta sa canteen para maglinis at umuwi na kami ni amber , simula noon lagi na itong nasabay sa akin umuwi. Tinignan ko si Shawn bago ako umalis at kumaway pa ako sa kanya,

Binubully pa kaya ito ng asbag na yun?

Lumabas na kami ng gate at pumunta sa paradahan ng tricycle at umuwi na kami.
Wala ako sa mood para makipagusap kay amber kaya ito nakamangot at pumasok na ako sa bahay nakita ko si mama at papa na nonood ng TV.

Nagmano ako ay pumasok sa kwarto para magpalit at lumabas ako para kumain.

" Anak ang pagkain nasa lamesa may takip" Sabi ni papa.

Pumunta ako sa kusina at kumain na ako ng mabilis nagulat ako dahil Kay kuya Herbert.

"Bunso hindi ka na nakasabay kumain " Sabi ni kuya habang kumukuha ng tubig sa water jug. At bigla na ito bumalik sa kwarto at ako naman niligpit ang pinagkainan at pumunta sa kwarto at natulog.







BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEOnde histórias criam vida. Descubra agora