CHAPTER 67 EXAMINATION PART 2

634 27 0
                                    

Amber POV

"ahhhhh lintik ang sakit ng ulo ko"
mabilis akong bumangon nakakainis kase grabe ang kilig ko kagabi. Bwisit oh ang tagal tagal na nyang ginagawa yung ganong pamessage message. Pero bakit ngayon lang ako nakaramdam ng ganong kilig fuckshit!!!. Mabilis akong pumunta sa salamin at sobrang paga ng mata ko sa puyat.

Maya maya dumaan si kuya sa likuran ko at sinuri ako ng tingin.

"anong nangyari sayo putok na putok ang eye bags ahhh" pang aasar nito parehas na parehas sila ni heaven. ang galing mang asar. Hindi ko na lang sya pinansin at pumunta sa kusina para kumain.

"aalis ako amber dito ka muna sa bahay" sabi ni kuya at patakbong umalis.

"tignan mo talaga pupunta lang naman kila ate Finnary" bulong ko sabay irap sa hangin. Lagi namang ganon iiwan ako sa bahay pupunta lang naman sa crush nya. Hindi sana sila mag ka inloban hahaha ang bitter ko diba. Ako ang nag hugas ng plato pati kinainan ni kuya hays padabog akong gumalaw. Halos buong araw akong nakahiga wala ako sa mood natulog nalang ako maghapon. Beauty rest narin kailangan ko naring irefresh ang utak maya maya ay nagbasa ako ng notes ko. Hay fighting papasa ako at gagraduate.

Heaven POV

Omo!monday na ahhhh!! excited akong pumasok dahil wala lang excited na akong malaman ang result. Naligo ako kumain at naggayak papuntang school. Dinaanan ko si amber sa kanila dahil sabay kami laging pumasok sa school. Masaya kami ni amber na pumasok as usual maingay kami at gaya ng dati. Okay narin kami shawn bumalik kami sa dating trato. At masaya ako sa ganon marami pa namang oras at panahon sa ganong bagay.

Mamaya maya lang ay pumasok na ang adviser namin. Ang upuan ay one seat apart excited ako dahil nagreview ako sa chem at physics. Kaya proud ako na hindi bagsak ang score ko hihihi.

"class lahat ng gamit nyo ay ilagay sa unahan ang maiiwan lang ay ballpen and your yellow pad" sabi ni sir at mabilis naming sinunod. Nagpasa na ng questionnaire at nakita ko na ang mga tanong yes nareview ko ito. One hour lang ang oras kada subject mga kalhating oras palang tapos na ako. Tumutungo nalang ako para hindi mahalatang natutulog ako. Kaunti lang ang computation meron naman kaming calculator. Recess time ako okay pa pero si amber masyado ng stress. Kumain ako ng burger at buko juice lang bali 20 pesos 15 burger at 5 buko juice.

Natapos ang examination at nadrain ang utak ko grabe. Lalo na sa introduction to philosophy puro analyzing eh mahina ako doon pero alam kung papasa naman ako doon.

" grabe heaven ang test ang hirap" kwento ni amber habang naglalakad kami. Masyado akong nadrain kaya nakatulala lang ako sa daan. At simula noon hindi na nag salita si amber nakatayo kami sa paradahan ng tricycle para umuwi. Kanina pala hindi ko masyadong napuna sila shawn at Spencer and their pets. Masyado kase akong focus sa exam meron kase akong goal ehh. Nag chat nalang ako kila shawn at Spencer okay lang naman daw. Hay next week na ang card showing kinakabahan ako. Nahiga ako diretso sa papag ko at nagpalit ng damit nagugutom na ako.

Dumiretso ako sa kusina at may pagkain na doon hay salamat the best talaga si mama. Magisa akong kumain pumasok kase si kuya henry si kuya hanse nagtatrabaho sa isang factory pa yun? basta. Alas 4 na ng hapon at ayun dumating na si kuya henry kaya may kasama na ako sa bahay. Nanood kami at mga alas 6 ay natulog ako parang tinatamad akong pumasok bukas. Tapos na naman kase ang exam item analysis na lang naman ang gagawin. Hindi ako papasok bukas. Nahiga lang ako maghapon maya maya ay dumating sila mama at papa. Namiss ko sila tumakbo ako para salubungin sila at niyakap ibinili nila ako ng Stick-O.

"ma bakit laging chocolate flavor pwede namang milk flavor" padabog kung sabi.

"hoy ikaw na nga yong pinasalubungan nagagalit ka pa! sigaw ni kuya at tahimik ko iyong kinain. Yes ang sarap talagang maging bunso hahaha. Sabay sabay kaming naghapunan at nanood ng Harry potter.

"kamusta naman ang test nyo heaven? tanong ni mama habang nakatingin sa TV.

"okay naman po" tipid kung sagot at pinapatuloy na namin ang panonood.

"ma hindi muna ako papasok bukas wala naman kaming gagawin eh tapos na ang periodical namin" kwento ko kay mama.

"bahala ka basta alam mong walang gagawin" banta ni mama at tumingin lang sa akin si kuya.

"sabihin mong tinatamad kalang" sabat ni kuya at sinaway naman ni mama. Habang si papa tahimik lang na nanonood hay. Natapos ang panonood namin at natulog na ako hindi pa ako dinadapuan ng antok. Nagcellphone muna ako nagwattpad lang ako hindi ako nag bubukas ng account ng facebook. Wala namang kachat eh hahaha relate diba ang hirap kaya ng ganong. Ang ganda talaga ng He's into her mag dadalawang buwan ko na itong binabasa. Nasa book 3 na ako nakakaiyak Omg ang galing talaga ng story itong. Habang abala ako sa pagbabasa tinignan ko ang oras fuckshit! alas 12 na ng gabi. Mabilis akong natulog baka ako makita ako ni mama samsamin ang cellphone ko mahirap ng bawiin.

Amber POV

Dati naiirita ako sa kaniya, mabilis uminit ang ulo ko at para sya sakit na lagi kung iniiwasan. Pero ngayon bilog nya ang mundo simula nung sabado naging mas malapit kami. Nakakainis itong si mike iba ang dating nya sa akin ngayon. Tama nga ang sabi sabi the more you hate the more you love. And now I started to believe that this saying is true. Nakahiga ako sa kama ko para mag pahinga masyado na ang epekto ni mike sa akin. Ahhh nakakainis nakahawak ako ngayon sa dibdib na mabilis ang pintig nito.

Ting.....( tunog ng notif ko sa facebook )

Kinuha ko ang cellphone ko at excited ako baka si mike yun. Hindi nga ako nagkakamali si mike iyon at katulad ng dati kinamusta at naggood night sya sa akin. Araw araw akong nakakatanggap ng ganong message and I now I found it sweet. Hindi ko na lang alam na nirereplyan ko na ang message nya. Nadati pag ka basa ko ay bura agad bitter pa ako ehhh. At ayun nagchatting kami hanggang alas 10 ng gabi hindi ko na lang namalayan ang oras. Natulog na ako dahil may pasok pa bukas hay aagahan ko bukas may ipapasa kaseng papers. Sana maalala ni heaven kailangan namin iyon.

GOODLUCK SA AKIN SANA AY SINAPAGIN AKO BUKAS HIHIH.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now