Chapter 17 IN TROUBLE

1.5K 42 0
                                    

Shawn POV

Habang akoy naglalakad halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin o baka naman gawa sa mukha ko kase nakatakip lang ito ng buhok.

" Oh pogi mukhang magisa ka lang ahh baguhan oh anong nangyari dyan sa mukha mo ".pang aasar nito sa akin.

"Bakit ganyan ang buhok mo para ka tuloy tanga may tinatago ka ba sa mukha mo na hindi kaaya aya."sabat pa ng isang lalake.

"Tigilan nyo ako baka kung ano ang magawa ko sa inyo! ".matapang kung sigaw dahil hindi ako magpapatalo sa kanila.

"Ay mukhang magagalit na si .................. Hahahahahaha."pang aasar pa nung isa.

Nanggagalaiti ako sa galit nang bigla ko itong nasapak bigla akong tumakbo papalabas ng gate. Nang may nabunggo akong isang babae napahiga ito sa sahig at kumababaw ako sa kanya nang mahimasmasan ay bigla akong tumayo. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari sinigawan nya ako ayaw ko pa naman ng masyado maingay .

Kaya may naisip akong paraan para matakasan ang mga loko lokong yon. Inakbayan ko ito at hinila papalabas ng gate tsaka pumunta kami sa maraming estudyante hanggang hindi ko na nakita ang mga loko lokong yun inalis ko ang aking kamay sa pagkakaakbay sa kaniya.

"Sorry ginawa ko lang yun para matakasan sila kase may nanggugulo sa akin sorry ta..talaga hindi na mauulit."paumanhin ko.

"Hoy ano ahmm Shawn diba?sa susunod na gagawin mo Yun malilintikan ka sa akin hayyyss."pagbabanta nito sa akin napakatapang talaga.

Tinalikuran ako ng babaeng yun habang wala paring salitang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko nga Alam kung bakit ko na lang yung ginawa ,na gamitin sya para makatakas lang sa mga loko lokong yun.

Naglalakad ako habang may nakasuksok na ear phone sa tenga ko mahilig ako sa music. Kung hindi natatanong naging vocalist ako sa Isang banda at minsan ay paextra extra sa Isang bar iyon ang Pinambibili ko ng bigas at ulam namin nila mama at keana noon.

Papaliko ako sa kanto na may nakita ako ang pamilyar na mukha, hindi nga ako nagkakamali si Heaven ito papunta sya sa bahay na hindi naman kagandahan na sementado pero hindi sya finishing malinis at may kaliitan . May sumalubong sa kaniyang dalawang lalaki yung isa may mga bentihan na at yung isa mga kasing idadadan nya lang. Humalik ito sa pisngi ng dalawang lalaki bago pumasok sa loob ng bahay, ang gandang tignan.

At mga hindi din nag tagal ay nakauwi na ako ng bahay sumalubong agad sa akin si nanay Carmina . Ako naman ay nag mano bago dumiretso sa kwarto para mag palit ng damit at mag pahinga buti ay iniba ang schedule pang umaga ang grade 11 ang grade 12 naman ay pang hapon kaya ang saya. Kumain na ako ng tanghalian at pumunta sa kwarto para matulog pagod kase ako maghapon.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now