CHAPTER 13 FIRST DAY OF SCHOOL PART 1

1.9K 58 0
                                    


Shawn POV

Ilang minuto lang ay natapos ko na ang pagkain sumakay kami sa kotse at tinahak ang mall. Habang nasa byahe ay hinilig ko ang ulo ko sa bintana hindi ko inaasahan na may nakita ako pamilyar na mukha sya yung si Heaven.

Kumakain ito ng fishball at kwek kwek at ang pamalit tubig na kanilang iniinum ay yakult what? anong lasa non at ang unti lang nito ang weirdo talaga nila . Mukhang masaya sila hayss, mga thirty minutes ulit ay nakapunta na kami sa mall.

Dumiretso kami sa national books store at si nanay Carmina ang pumili ng note book at kung ano man. Pagkatapos non ay sa bag ,medyas at sapatos yung uniporm kase ang school nalang daw ang bahala magbabayad nalang daw kami. Nung medyo nagutom na si nanay Carmina kumain kami sa Jollibee, ang hilig ni nanay Carmina sa Jollibee ay.

At nang matapos ay umuwi na kami bahay pagod na pagod kahit pasunod sunod lang ako. Bukas kase pasukan na unang lunes ng June ay hindi ako masyadong excited nakakaramdam ako sa sarili kong may kulang. Inayos ang gamit ko kinuha ko ang uniporm nakadadala lang, maganda ito.

Polong puti may coat ito na kulay itim at ang necktie ay may pagkamaroon yung style na guhit guhit na diagonal ang style at slux. Bagong pantsa ito tuwid na tuwid at makintab ang pagka black nya. At pasalampak akong humiga sa kama at nag buntong hininga Sana maging maganda ang first day of school ko at nakaramdam na ako ng antok.

Heaven POV

Excited na ako para bukas first day of school syempre bagong mga kaklase at mga bagong kaibigan. Inayos ko ang aking mga gamit, kiniwi ko na ang aking sapatos at pinalantsa ko na yung uniporm namin. Ang Nakakainis lang eh ang maikling palda at may polo itong puti, coat na itim kagaya ng palda ang necktie naman ay may pagkamaroon at guhit guhit. Nakaka excite dahil sa uniporm dahil maganda ang nakakainis lang pwede namang palda sana naman ay mahaba haba ng kaunti hayss.

Nang matapos ako sa pagaayos ay hinanger ang uniporm ko at humiga sa papag ko "Sana maging maganda ang first day of school ko" at nakatulog.

***************

"Heaven,gumising ka na may pasok nakahain narin ang pagkain,maagang umalis sila mama at papa para magtinda" panggigising ni kuya Henry.

"Opo kuya maliligo lang ako"mabilis ko namang tugon.

Bumangon na ako sa higaan at dumiretso na sa banyo para maligo at nagtooth brush.
Tinuyo ko ang aking sarili at sinoot ko ang uniporm ko Kitang kita ang aking malalaking hita hay nakakahiya nag soot ako ng medyas na Hanggang tuhod ang haba bongga parang uniporm lang korea nakikita ko sa mga Korean drama.

Lumabas na ako at pumunta sa kusina nandon si kuya Henry at herbert hindi ko na naabutan sila mama at papa. merong sinangag at piniritong itlog sa lamesa mabilis ko itong nilantakan ko.

"Bilisan mo nandyan na si amber sa salas hinihintay ka dali"paalala ni kuya Herbert.

"Okay tapos na ko"Saad ko.

Inaya ko na si amber sumakay kami sa tricycle habang nasa byahe wala kaming imik ni amber kase wala ako sa mood. Kase inaantok pa ako pagdating namin may tatlo ditong building at doon kami sa dulong building. Habang naglalakad ako sa hallway nagpaalam si amber napupuntahan nya muna yung dati nyang mga kaklase. Hindi ako nakatingin sa daan naka tungo ako habang naakyat nang hagdan napatigil ako dahil nabangga ako sa isang matigas na dibdib at nagulat ako bigla tuloy nagising ang diwa ko.

"Sorry " wala kong ganang paghingi ng paumanhin nagtaas ako ng tingin,para makita kung sino man yung nabangga ko. Ito yung lalaki sa taas ng puno nakatitig lang ito sa akin kaya nahiya ako hinawakan ko ang palda ko sa gilid dahil na aasiwa ako . Naglakad na ako papunta sa third floor umupo ako sa dulo malapit sa may bintana ng bigla akong kinalabit ni Amber.

"Venok okay kalang ?".tanong nito.

"Oh oo okay lang ako parang kulang lang ako sa tulog".saad ko.

" Dito ako muna uupo sa mag seating arrangement pa naman nandito kase si Melanie kaibigan ko doon ako tatabi ha "paalam nito hay wala kase ako masyadong friend si amber lang talaga.

"Hmmm sige" sagot ko at mabilis itong umalis.

Tumungo ako at punikit ang mga mata ko gusto kong umidlip. Pero ang iingay ng kaklase ko maya maya ay hindi ko namalayan na nakaidlip na ako.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now