CHAPTER 88 TRUTH

265 27 3
                                    

A/N: icomment nyo lang po kung may gusto kayong isuggest. Salamat sa patuloy na sumusubaybay ng story maraming salamat. PLEASE VOTE AND KEEP READING ENJOY!. MAHAL KO KAYO MWAH.

- Minsan iniisip ko sana ako nalang yung bidang babae. hahaha charot!

Heaven POV

Kailangan ko ba talagang gawin iyon?
Tao lang ako nakakaramdam at nasasaktan.

Magkakasama silang umakyat sa room namin nakakatuwa lang dahil nakaakbay si Spencer kay shawn. Puro biruan sila at tawanan meron palang side si Spencer na clingy at sweet. Kasama din nila ang iba nasa hallway na sila at pinapanood ko sila na papunta sa kinatatayuan ko. Sobrang ingay nila pero sanay na ako eh.

"ang aga mo ah?" bungad na tanong ni yvo.

"wala lang bakit? masama?" balik na tanong ko at tinaasan sya ng kilay.

"ito tinatanong lang aalis na ako pero inaaway mo parin ako" parang batang saad ni yvo. Yung dating nambubully sa akin ngayon kaibigan ko pa ngayon. Isang bully at maton na katulad nya inaakto ngayon sa harapan ko ang pagpapacute. Natawa nalang ako sa inakto nya.

"hoy tigilan mo nga yan nakakadiri ka para kang si caliber" Saway ni kent.

"hahaha! naku talagang nahawa lang yan kay caliber, tara na!" Aya ni Spencer. At hanggang ngayon ay hindi parin tinatanggal ang akbay nya kay shawn. Sabay sabay parin silang pumasok sa room masaya sila at walang iniisip na problema. Maya maya lang ay pumasok na rin ako sa loob. Kanya kanya sila umupo sa upuan nila nagaasaran ngayon.

Umupo ako sa upuan ko wala ako sa mood makipag usap sa kanila kaya nagear phone nalang ako. Tumungo ako at ipinahinga ang aking isip.

Si shawn ba talaga ang mahal ko?

Nagising ako ng biglang may yumugyog sa akin. Si amber lang pala at salamat dahil nandoon na ang subject teacher namin.

"okay class lets start our discussion blah.....blah.......blah" ayun nakatulala lang ako habang nagdidiscuss ang teacher namin. Kahit kailan talaga napaka tamad ko pero aminado naman ako hindi ko tinatangi yun.

Recess na at kami nalang ni amber ang naiwan lumabas na ang lahat. Tahimik lang ako nakatingin sa ilaw.

"hoy okay kalang? Sorry kase minsan hindi na kita nasasabay sa paguwi" paumanhin nito.

"okay lang" sagot ko.

"alam mo may napapansin na ang ibang kaklase natin na may gusto daw sayo ang dalawang yun" sabat nguso sa kinaroroonan nila shawn.at Spencer.

"diba totoo naman? halatang halata nga eh hindi mo lang naririning lagi kang chismis dito sa room" dugtong nito.

"hindi ko na nga alam ang gagawin, ano na ang gagawin ko?" balik na tanong ko kay amber. At nagisip naman syang mabuti.

"ikaw ba? sinong nilalaman nito?" sabay turo sa dibdib ko.

"alam kung may nilalaman na yan kung sino ang tinitibok nyan ay sundin mo" saad ni amber.

Oo may nilalaman na ito at iisa lang sya. Pero alam ko may tamang panahon para sabihin sa kanya yun. Pero hindi sa ngayon. Hindi pwede ngayon.

"okay kalang bigla ka nalang natulala ah" pangaasar ni amber sa akin.

"wala lang! hoy tigilan mo na ako! ngayon mo na nga lang ako kinausap pero inaaway mo ako" pag sasalita ko sa kanya. Ang lakas ng loob!

"hindi ka ba kakain?" tanong ko kay amber.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now