Chapter 44 JEALOUSY HEART PART 1

915 29 0
                                    


Spencer POV

Nagtatawanan at nag bibiruan kami habang nasa byahe. Tinignan ko si heaven at mukhang nakatulog na naman ito. Mga kalhating oras ay nasa tapat na kami ng ospital tinapik ko ang kaniyang balikat at nagising naman ito. Pinunasan nya ang tumulong laway sa kaniyang pisngi at lihim naman akong napangiti.

Inalalayan ko syang makababa at pumasok na kami sa ospital. Lagi kaming dalawa ang magkasama yung mga kasama kung ugok ay laging malayo sa aming . Oh dahil ba sa nangyari kagabi pero masaya naman ako dahil sya ang kasama ko hindi sya boring kausap at lagi syang nakangiti.

Hindi kami nag elevator dahil takot daw si heaven dito. Kaya ayun mas matagal ang usapan namin habang naakyat papunta sa 5th floor.
Pumasok kami sa room 346 at nandoon si tita carmina at tito max nakahiga parin si Shawn sa kama.

" Iha! Buti at dumalaw ka salamat sa pagbabantay mo sa anak ko" Sabi ni tita kay heaven at nginitian sya.

" Naku tita wala po yun " Sabi ni heaven.

Tumigin ako Kay Yvo Pero nakatungo lang ito at hindi makatingin ng tuwid Kay Shawn.

" Ahhhh....hmm... Sorry Shawn talagang badtrip lang ako noon kaya napagbuntunan kita ng galit sorry ulit" Sabi ni Yvo Kay Shawn.

" Okay lang Yun " Sabi ni Shawn na mahina at mukhang may dinadamdam ito sa katawan.

" Sorry ulit ito pala orange pampalakas para lumakas ka agad" Sabi ni Yvo at umupo sila sa malaking sofa sa gilid.

Lumabas sila tita carmina at tito max para daw makapagusap pa daw kami ng maayos.

Lumapit si heaven hinipo agad nito ang noo ni Shawn na ikinagulat naman ni shawn.

" May nararamdaman ka pa bang masakit sa katawan mo?" Sabi heaven at kumuha ng upuan at umupo sa gilid ng kama ni Shawn.

Ako naman ay tumabi kila Yvo at nakatingin naman sa akin at nakangisi.ano na naman ba ang binabalak nito?

" Kumain ka na ba? " Tanong ni heaven Kay Shawn. Pero nakatingin lang ito Kay heaven kay tumayo si heaven at may kinuha syang plastic sa bag nya.

At nilabas ni heaven ang laman ng plastic. At yakult ang laman ng plastic at stick o Isang buong lalagyanan hahaha iba din ito no? .
Hindi ko mapigilan ang tawa ko Pero hininaan ko lang at mukhang narinig nya ito at tumingin sa amin at masama ang tingin.

At bumalik ang tingin nito Kay Shawn at nakangiti si Shawn. At binigayan ito ng yakult at tinanggal ang takip at binuksan nya din ang takip din ng stick o. At inilagay sa tabi ni Shawn at tumawa sila parehas, ano kaya ang pinagusapan nila?. Hindi ko narinig kase malayo ng kaunti ang sofa sa higaan ni Shawn at dahil maingay din ang mga kasama ko.

Naririnig ko mula dito ang kanilang tawanan at ngayon ko lang narinig na tumawa si Shawn na natural. Hindi ko maikakaila na masarap kausap at kasama si heaven dahil marami syang mga banat at biro. At Isa pa doon ang kaniyang matatamis na ngiti at makikita mo ang kaniyang maliliit na ngipin ,hayss bakit ko ba iniisip yun hay.

Mga dalawang oras kaming nandoon nagiinit na ang upuan ko dahil hindi pa ako natayo. Sila Shawn naman at ayun nagkukwentuhan parin nakaramdam ako nang inggit dahil kanina kami ni heaven ang masayang magkasama .

Bago ngayon si Shawn naman ang kasama nya kaya nakaramdaman ako ng selos, galit at pagkalungkot diba ang labo ko din no?. Pinagmamasdan ko ang bawat gumagawa nila si heaven pinagbabalat ng orange si Shawn at sinusubuan pa ito .

At kumain din sya ng orange pero napangiwit ito at mukhang naasiman sya sa orange at sa simpleng Yun lang ay tumawa si Shawn .

Kitang kita ang mapuputi nitong ngipin hayss,ang sarap bunutin ng ngala ngala ng lalaking Toh grrrr.

" Spencer magtatanghalian na hindi pa ba tayo uuwi ? " Tanong ni caliber .

" Tara uwi na tayo bago pa ako makap......ay este malipasan ng gutom" Sabi ko.

At nagpaalam na si heaven Kay Shawn at nginitian nya pa kaya hinila ko na sya papalabas. Wala parin kaming imik habang nasa byahe huminto kami sa bahay nila heaven at kumaway ito sa amin para mag paalam pinaharurot na ni caliber ang van para nakauwi kami ng maaga . Siguradong lagot ako Kay mommy nito hindi pala nya alam na pumunta kami sa ospital hay bahala na mamaya ko nalang sasabihin .

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now