Chapter 38 WAR OR LOVE PART 2

873 23 0
                                    


Shawn POV

Nung araw na nabugbog ako ni Yvo ay nilihim ko ito Kay nanay carmina hindi ko pinakita dito ang mga sugat sa mukha ko. Ayaw ko kase mag alala sa akin si nanay carmina marami na kaseng itong iniisip. Ayaw ko na idagdag pa iyon , nung Gabi ding iyon ay masama na ang pakiramdam ko .

Baka masyadong nabugbog ang katawan ko pero hindi ko pinahalata kila na nanay Carmina at tatay max . Mga dalawang araw na ang nakalipas Pero talagang masama parin ang pakiramdam ko hanggang pumunta ako sa canteen para maglinis. Huling araw na namin sa paglilinis feeling ko sobrang iinit ko at ang pawis ko ay malamig.

Nagulat ako nang biglang sumulpot si heaven at hinawakan ang aking noo. Nakatingkayad ito dahil may kaliitan, sa kamay na iyon ay nakaramdam ako ng pagkakomportable dahil sa malambot ang kamay nya. Naalala ko si mama sa twing mag sakit ako ay ganito ang gumagawa nya para malaman at pinupunasan ako ng basang bimpo. Pinahiga ako sa upuang mahaba at pinupunasan ako nito at nung alam nito na maayos na ako ay maglinis na ito. Pinapanood ko ang bawat galaw niya at nang matapos sya ay nagpaalam ito sa akin na hahanapin nya daw si amber. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

Amber POV

Pababa na ako sa third floor dahil pupuntahan ko si heaven sa canteen para sabay kaming umuwi ng may humarang sa akin . At sila na naman bigla tuloy akong nabadtrip naglalakad sana akong paalis ng humawak na naman sya sa kamay ko. Bigla ko naman itong inalis

" Alam mo nung araw na nabangga mo ako at hindi ka manlang nag sorry parang nainsulto ako doon, alam mo sa bahay at kahit sa dati naming school walang gumagawa nito sa akin hindi nila ako sinisigawan,ni kahit sinasampal. Alam mo ba yung pakiramdam na yung Pero ikaw lahat yun ginawa mo parang natapakan yung pagkatao ko. Sa tutuusin bakit ko ginagawa ito hindi ko rin alam Pero sa puso ko gusto kong maghiganti. Gusto ko igalang mo rin ako kagaya nang ginagawa nila kaya hindi ako titigil . Kaya tandaan mo itong sinasabi ko dahil kung hindi mo iyong gagawin magiging impyerno ang school year nato."

Pagkasabi niya ay umalis rin sila ganoon din yung mga kasama nya . Kahit kailan hindi ko gagawin yung sa amin ni ayaw ko nang uutusan ako at pinapakialaman ako sa mga gumagawa ko . Oo aaminin ko kaya minsan nagkakatampuhan at nagaaway kami ni kuya dahil parehas kaming mapride . Sa lahat nang ginawa ko sa kaniya wala akong pinagsisisihan dahil yung naman ang dapat kung gawin.

Umupo muna ako sa mahabang upuan sa tapat ngsecond floor. Nang biglang may tumabi sa akin hindi ko inaasahan na sya yung masyado kase syang tahimik at tutok sa cellphone laging.

" Bakit magisa ka?" Sabi ni renzy habang nahihiya pa sya. Patingin tingin pa sya sa paligid .

" Si Renzy ka diba ? Yung friend ni Spencer ?"

" Yah binubully ka ba ni caliber ?"

" Hindi ko masasabing bully kase nakakaganti naman ako eh hindi naman ako papayag doon " ngumiti ito sa sinabi ko.

" Amazona ka rin pala "

" Amazona? Masyado ba kami warfreak? Hahaha" Sabi ko napabiro At tawa rin ito sa akong sinabi .

" Sige uuwi na ako " Sabi ni renzy at tumango naman ako at kumaway ako sa kanya at ngumiti.

Umalis na ito at nang biglang dumating si heaven at mukhang napagod ito.

" Si Renzy ba yun? Magkausap kayo ?" Sunod sunod na tanong ni heaven.

" Oo tara uwi na tayo " yaya ko dito.

" Wait lang Daan muna tayo sa canteen nandoon kase si Shawn may lagnat sya " Sabi ni heaven.

Mabilis kaming tumungo sa canteen at nakita namin si Shawn at malalim ang tulog nito . Tinapik tapik ko ang braso nito kaya nagising ito at mukhang nagulat ito.

"Ah matagal ba akong nakatulog" Sabi nito habang kinukusot ang mata.

" Hindi naman kadadating lang namin " Sabi naman ni heaven at inaalalayan itong tumayo. Mukhang may sakit dahil putla na ang mula nito at ang kamay nito ay namumula .

Umalis na kami ng canteen habang si heaven naman sya ang naakay kay Shawn . Bakas sa mukha nito ang pagaalala, ako naman dala dala ko ang bag ni heaven at Shawn hanggang nakalabas na kami. Nang may nakita kaming kotse sa harap at nanay Yun ni Shawn at sumakay na doon si Shawn at pinasabay narin kami.

Habang nasa byahe ay walang imik kami si Shawn ay nakatulog na naman sa byahe . Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng bahay sabay kaming bumaba ni heaven at nag paalam na Kay tita carmina.

Sana ay nagloloko lang si caliber .

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now