CHAPTER 65 CURIOSITY

652 25 0
                                    

Heaven POV

Halos isang linggo ko narin iniiwasan si shawn naiilang lang ako napupuna naman yun ni amber at Spencer. Pero hindi ko naman sinabi sa kanila ang dahilan sariwa pa kase sa isip ko ang pag amin sa akin shawn. Halos dalawang linggo palang ang nakalipas sariwa pa sa akin ang lahat.

"Heaven sasabay ka ba sa amin sa canteen?" tanong ni Spencer at kasama nya si shawn. Nakatingin sa akin si shawn nagkatinginan kami ako ang unang umiwas ng tingin.

"Ah hindi muna sabay kami ni amber ehh sige bye" sabi ko at maya maya ay dumating na si amber tumayo ako sa upuan ko. Iniligpit ko iyon at pinuntahan ko si amber at hinila sya papalabas.

"hoy heaven ano ba masakit!" binawi nya ang kanyang braso.

"bakit ka ba kase ng hihila ha may tinataguan ka ba? may nangaaway ba sayo sabihin mo?" sunod sunod na tanong nito tinakpan ko ang bibig nya. Kase masyadong malakas ang bunganga nitong babae ito.

"wala lang umiiwas lang ako kila Spencer at shawn kase nakakaramdam ako ng awkwardness alam mo yun? ahm kagaya ng nararamdaman mo pag laging buntot ng buntot si mike parang ganon" mahabang kwento ko at tinaasan lang ako ng kilay ni amber.

"at bakit naman alam mo namang bestfriend lang kayo nagiging awkward ang friendship ng lalake at babae pag nag kagusto ang isa at umamin doon nagiging awkward. So wag mong sabihin na nang yari yun noh sabihin mo sino ang crush mo sa dalawa?" paasar na tanong ni amber naiinis ako sa kwento nya pero relate ako doon.

"ang totoo nan ay may umamin sa akin eh" nahihiya kong sabi seryoso lang na nakatingin sa akin si amber. Mula ulo at paa ano bang mali sa akin?.

"talaga? sino sa kanila? oo maganda ka pero ang pagkilos at pag galaw mo ay parang lalake. alam mo pwede kitang imake over"
maarte nitong sabi lumayo ako ng kaunti.

"so sino?" tanong nito akala ko nakalimutan na ehh.

"si shawn mahal nya daw ako kaya ko nga sya iniiwasan" malungkot kung kwento alam kung nasasaktan ko si shawn pero ayaw kung umasa sya. Dahil wala pa sa isip akong ang mga ganyan magiging engineer pa ako at magiging successful. sobrang hirap na ng bansa natin dadagdag pa ako sa mga hindi nakapaaral at walang narating. ang layo diba pero totoo naman kaya aral muna.

"Mahirap yan alam mo sa bandang huli ikaw din ang mahihirapan harapin mo sya at kausapin wag mong iwasan hay makaalis na nga ang ganda mo kase" iniwan akong magisa ni amber at doon ko naiisip na mali nga naiwasan ko sya. Bumaba ako para hanapin si shawn pero iba ang nakita ko si Yvo at caliber. Nagtago ako para hindi ako makita diba hindi naman ako chismosa.

"Hello kamusta ang pagkain nyo masaya ba ewan ko lang kung masaya sila pag nalaman nila ang nakaraan mo" tinap nya ang balikat ni Ybo at iniwan magisa. Biglang napaluhod si Yvo at nakatulalang nakatingin sa sahig. Mula sa malayo alam kung naiyak ito, bakit ano naman ang ibig sabihin na nakaraan ni Yvo?. Dati ba itong druglord o kaya gangster at hindi nahahanap na sya?. Umalis ako doon na maraming tanong na pumasok sa isip ko hay nakakaloka.

Spencer POV

Kanina inaaya ko si Heaven para kumain pero tumanggi ulit sya. Bakit mangyari ba na hindi namin alam?. Tahimik lang akong nakain at katabi ko si shawn napupuna ko na kanina pa ito tulala at wala sa sarili nya.

"hey okay kalang kanina kapa tulala ah" tanong ko sa kanya at parang natauhan sya sa tanong ko.

"Mali ba ang magmahal? hindi ko alam kung mali ba na inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko" kwento ni shawn at natatawa ako dahil alam kung mababaw lang ang luha nito.

"Umamin ka na kay heaven alam mo may gusto ako sa kanya pero marami akong nalaman na may taong hindi pwedeng maging sayo. Katulad nya hindi sya pwedeng maging sa akin dahil gusto mo sya. At nararamdaman ko yung napupuna ko na laging hindi sumasabay si heaven sa atin. Kahit alam kung matakaw yun at kahit kailan hindi nya hihindian ang libre ko.Boto ako sa inyong dalawa kaya kung gusto mo ng tulong tutulungan kita. Tandaan mo to ha pagpinaiyak mo sya ako na mismo ang maglalayo sayo pag sinaktan mo sya. Kahit half brother kita" sabi ko na may pagbabanta. Mahal na mahal ko ang kapatid ko kahit sa ama lang. Dahil mabait din sya sa akin at maraming ugali ang magkapareho sa amin kagaya ng mabilis mapaluha, makulit at higit sa lahat childish.

" alam ko pero wala naman akong masamang ginawa diba ang sakit sakit kase Spencer" sabi nito habang hinahampas hampas ang dibdib at ayun tuluyan ng umiyak. Nakakatawa talaga nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

"oo wala ka namang ginawang masama gusto mo kakausapin ko si heaven para magkausap kayo ng maayos" at tinap ko ang balikat nya dahil nahikbi hikbi pa. Natatawa ko syang niyakap sigurado pag nakita kami ni heaven na ganito ang situwasyon. Siguradong aasarin si shawn noon malakas yun mangasar eh at baka sabihin ang dadrama namin.

"ano ba shawn tigilan mo na yang drama mo! bading ka talaga dati ako inaasar mo eh bading kadin naman hay!" biro ko sa kanya at napatawa ko naman sya nakakatawa talaga.

"Bading na ata ako" natatawang sabi ni shawn at binatukan pa ako kaya ayun nag batukan nalang kami.

"tara magtatime na baka nandoon na si maam" aya ko kay shawn at mabilis kaming pumunta sa room. At saktong ng didiscuss na si maam pasimpleng dumiretso nalang kami sa upuan namin. At masaya pa doon ay may biglaang meeting daw kaya maaga kaming pinauwi. Sabay kaming lumabas sa room ni shawn napatigil kami ng hilahin ako ni heaven sa braso.

"May itatanong lang ako sayo? tara na sumama ka narin shawn tara! aya nito.

Mabilis kaming pumunta sa fourth floor at nakabilog kaming nakaupo sa sahig. Kaming apat ang nandoon wala naman kaseng nagkaklase doon kaya pumupunta kami doon pag boring.

"spencer kanina kase nakita ko si yvo at caliber naguusap at ang weird may pinaguusapan sila tungkol sa nakaraan ni yvo. At alam mo naman ako hehe alam mo ba kung ano yun?" Pursigidong malaman ni heaven kung ano yun. Pagkatapos nyang sabihin yun sabay pa kaming natawa ni shawn.

"alam mo heaven sa mga ganyang usapan ay wala akong pakialam at sorry hindi ko alam kung gusto mo tanungin natin" pabirong tugon ko kay heaven na mas isinimangot ng mukha nya. Si amber din nakasimangot hay ang sakit talaga sa ulo nitong mag pinsang ito. Umuwi akong hindi kami iniimik ni heaven na offend yata kanina. pero may kaunti curiosity sa akin alam kung hindi si heaven nagsisinungaling. Ano
bang nakaraan ni Yvo wala kase syang naikukwento sa amin eh. Alam kung malakas syang mantrip at bully din sya mabilis syang maginit ang ulo. Ayun lang ang alam ko pero may itinatago pa sya hay nakakainis.

Ngayon magkakaharap kami sa lamesa para kumain. Tahimik lang si caliber at Yvo na madalas na maingay kaya si kaizer at andrei ang maingay ngayon. Hanggang matapos kami ay ganon parin sila baka tama nga ako nag bago na sila. Para tuloy akong tangang napangiti magisa masaya ako para sa kanila.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now