Chapter 42 LOVE SICK

938 27 0
                                    


Heaven POV

"Hihintayin ko na muna sila tita carmina para may kapalit ako sa pagbabantay" Sabi ko Kay amber at mukhang inaantok na.

" Amber umuwi kana baka hinahanap kana sa Inyo sabihin mo na lang Kay mama na nandito ako ha "

" Oh sige uwi na muna ako " at kumaway sa akin si amber at sinukbit na ang kaniya shoulder bag at lumabas na .

Umupo ako sa malaking sofa at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Shawn POV

Bigla akong naalimpungatan dahil biglang kumirot ang likod ko. Nilibot ko ang aking mata at nakita ko si heaven na natutulog sa sofa nakahilig lang ang kaniyang ulo sa sandalan. Siguradong Pag nagising ito ay mararamdaman ang sobrang sakit nang kaniyang leeg . At pinagaralan ko ang ang kaniyang maamong mukha ang kaniyang mapupulang labi at morenang kutis . Hindi ko maipaliwanag sa twing nasa palagid ko si heaven ay parang may nararamdaman akong kasiyahan sa puso ko.

Nung mga nakaraang araw sa tuwing inaalagaan nya ako at nung pinagtanggol nya ako kila Yvo . May paghanga akong naramdaman sa babaeng ito may saya sa aking puso.

Biglang gumising sya, ang nakakatawa pa ay nagkatinginan pa kami . Kumurap ito at tumayo tumalikod para punta sa banyo mga ilang minuto ay lumabas na ito at Basa ang mukha. Pumunta ito sa sofa at kinuha ang bag nya at kinuha nya ang panyo nya doon at pinunasan ang kaniyang basang mukha. Ako naman ay pinapanood ko ang bawat galaw nya ang akward no? Tumingin ulit ito sa akin at nagkasalubong ang aming mga mata.

" Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Sabi nya habang papalapit sa kama ko . Pinupunasan nya ang mukha nya at ibinalik na ulit ang panyo nya sa bag.

" Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako" Sabi nya sa akin.

" May masakit ba sa iyo ha " habang sinusuri ang aking likod at paa.

" Ahh Aray ang sakit!" Dating ko dahil nahawakan nya ang masakit na bahagi ng aking likod. Nagulat ito dahil sa reaksyon ko .

" Ay sorry mukhang hindi ka makakapasok sa lunes hay naku, bakit kase nilihim mo eh , yan tuloy Sana hindi lumala ". Sabi nito at halata sa mukha nya ang pagaalala at Pag kainis.

" Ahm sorry " hindi ko akalain na lalabas yung sa bibig ko. Bakit ako nag sorry sa kaniya ? Kaano ano ko na sya ? Kahit ako naninibago sa sarili ko pagdating Kay heaven.

Tumango tango ito nakatingin lang ako sa kaniya at sabay kaming napatingin sa ingay na nanggagaling sa pinto.
Nagulat kami dahil si tita carmina at tito max ito nakatakip ang kamay ni tita carmina sa bibig nya at mukhang kinikilig. Si tito max naman at nakangisi Kay Shawn ,

" Ah nay nandyan na pala kayo" Sabi ko at bumalik sa sofa si heaven at inaayos ang kaniyang bag at isinukbit na sa balikat nya.

" Ahm tita carmina at tito max uuwi na po ako baka kase pagalitan na ako nila mama at papa" sabi nya at
Tumango lang si nanay at tatay.

Nang nakalabas si heaven nakatingin sila sa akin na parang nang aasar .

" Girlfriend mo ?" Tanong sa akin ni nanay carmina . Nagulat ako sa tanong sa akin ni nanay Carmina hindi ako nakapag salita .

" Papasyalin mo naman minsan sa bahay , gusto ko yung batang yung maganda at mabait. Mukhang magkakasundo kami noon"At dagdag pa ni nanay Carmina.

" Hindi ko nga po sya girlfriend " Pag tangi ko .

" Naku naman alam ko na yang mga palusot nyo. Ganyan ganyan din ako dati Pag nagsisinungalin ako at Shawn kita ko sa mga mata mo na may gusto ka sa kaniya . At hanga din ako sa batang yun sobrang concern sya sayo". Sabi ni tatay max habang nakahawak sa baba.

Hindi na ako nakasalita dahil sa sinabi ni tatay max. Pero para sa akin oo masaya ako dahil inaalagaan nya ako .
At masaya ako dahil nakasama ko sya kahit ilang oras lang . Kung tama ang sinabi ni tatay max nakikita ba talaga yung sa mata nang Isang tao kung may gusto ka sa kaniya. Hay ang sakit sa brain cell totoo bang gusto ko na sya?

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin