Chapter 21 WHO WILL BE THE LEADER

1.3K 50 2
                                    


Heaven POV

Ay nakakainis oh ngayon na nga lang ulit ako nakatulog na tanghali na gumising .

"Kuya bakit nandito ka pa ha hindi ka ba papasok sa trabaho mo?" Sabi ko na may pagkairita.

"Hoy bakit ayaw mo ba akong nandito ha ngayon na nga lang kita nakasama ha at ako pa ang nanggising sayo hay nakakainis ka bunso" paglalambing ni kuya.

"Ah sorry I love you kuya henry" pagkasabi ko ay niyakap ko si kuya at nawala naman ang galit nya Hahaha namiss ko to.

Nagluto si kuya ng agahan, agahan pa ba yun eh mag aalas nuebe ba hay ewan. Natapos kami ng pagkain at hindi na ako nag tanghalian kase parang tanghalian na rin yung kinain ko. Mabilis akong naligo at sinuot ang bwisit na uniporm kaya ang ginawa ko ay nagsuson ako ng leggings at pinatungan ko ng palda nag sapatos ako na kulay puti ayan mukhang tanga .

Nagpaalam ako Kay kuya napakabait ni kuya wala na akong hihiligin pa supportive din yan pagkamay gusto akong bilhin na merchandise ng BTS binibili ako non.

kaya mabilis akong lumabas ng bahay nakita ko si amber na nakaupo sa harapan ng bahay namin sa ilalim ng sampalokan kaya nagmadali na kaming umalis.

"oh ang tagal mo heaven kailan ba nating uumposahan yung project na pinapagawa ni sir?". tanong ni amber.

"Ah di ko pa alam wala pa nga tayong leader eh si Shawn nalang kaya o si Spencer mukhang matalino yung dalawang yung nakakatamad kase eh". sagot ko naman.

Totoo naman eh matalino naman kami ni amber Pero pangka dinapuan ng katamaran ay wala nang mangyayari . Pumunta kami sa paradahan ng tricycle at doon na sumakay ang ingay namin ni amber sa tricycle dahil tawanan at nagbibiruan kami. Parehas kami kaseng may saltik ay! hindi pala sya lang, hehehe habang naandar ang tricycle ay nakita ko ang pamilyar na mukha hindi nga ako nagkakamali si Shawn ito papasakay sya sa kotse.

Pero kahit ganon hindi parin nag babago ang ekpresyon ng kaniyang mukha malamig at walang pakialam sa paligid. Niyakap ito ng isang may edad na babae Pero maganda ito bago sumakay na sa kotse.

Pagkababa namin nang tricycle ay pumunta kami agad sa classroom at ang nandoon palang ay si Shawn ,Spencer at si Joe . Kami ang maaagang pumasok 11 palang kase 12 ang simula ng klase. Diba ang babait namin tinignan ko si Shawn Pero hindi ito nakatingin sa akin parang malalim ang iniisip, si Joe naman nginitian ako at si Spencer ay tumayo .

"Ahm heaven wala pa tayong leader ? Kailangan na nating mamili para makapagsimula na tayo "Sabi nito sa amin lahat.

"Oo nga may naisip na akoag bubunutan tayo kung sino ang makabunot ng papel na may nakasulat na leader sya ang magiging leader malinaw" pagkatapos kung mag salita ay gumupit akong limang pirasong papel at ang Isa ay sinulatan ko at itinupi Isa isa.

"Okay bunot na " sabi ko sa kanilang lahat.

kinakabahan ako dahil ayaw kung maging leader isa Isa kaming pumili ng bubunutin ang una ay si Shawn,Spencer ,Joe ,ako at si amber. Sabay sabay namin iyong buksan at walng nakasulat sa akin Kay amber din si Joe din Wala at kay Spencer wala kaya sabay sabay kaming napatingin Kay Shawn at wala paring nagbago sa ekspresyon nya ni hindi manlang nalungkot o masaya ba o takot hindi mo mabasa ang kanyang nararamdaman eh.

"So ako ang leader kailan tayo magsisimula ?" Sabi nitong walang buhay.

" Kung pwede lang bukas ng umaga at pagkatapos noon diretso tayo papuntang school na" sabi ni amber at mukhang excited na ito.

"Okay sinong sang ayon taas ang kamay " masaya kung sabi lahat kami ay tumaas ng kamay at Pati rin si Shawn .

"Wait kaninong bahay natin gagawin yun dapat yung may computer at may malakas na internet connection" Sabi ni amber na nakatingin kay Spencer.

"Ah pwede naman sa amin " nagulat kaming lahat dahil ngayon siya pa ang nag volunteer mabait naman ito minsan nga lang mahirap basahin ang anong iniisip nya.

"Ah talaga " Sabi ko na may pagkamangha tumingin sa akin si Shawn sa aking mata at ngayon ko lang nakita ng tsokolate nyang mata. At ang kanyang buhok na malago ang bangs nyang at nakatabon sa kalhati na ng mukha nya.

" Oo naman " at mukhang seryoso sya sa sinasabi nya at naglagay sya ng earphone at tumungo sa desk. Talaga tong lalaking ito hindi mo malaman kung ano ba talaga sya hayss basta maganda naman yun.bahala na ang gulo mong lalaki ka!.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now