CHAPTER 85 CHOOSING

328 30 0
                                    

Heaven POV

Ito parin ako ngayon nakatingin sa dalawang kamay na may hawak na palamig. Sino bang hindi kikiligin sa mga nangyayari pero paano na ang gagawin ko?.

"hoy heaven ano tanggapin mo na" kinikilig na saad ni zamie at maarteng tumingin kay shawn.

Napaisip tuloy ako tumingin ako sa dalawang babaeng kasama ko. Hahaha ang talino mo talaga. Kinuha ko ang palamig at binigay ito sa dalawang babaeng ito. Nakita ko ang mukha nung dalawa hindi ko gustong saktan ang damdamin nila pero anong gagawin ko.

Mabilis na umalis yung dalawang lalaki pinanood ko nalang silang umalis. Nasasaktan ako pag nakikita ko silang malungkot pero ayaw ko silang mag away dahil sa akin.

Hindi naman ako tanga para mapansin na may gusto sila sa akin pero anong gagawin ko?. Hindi ako deserve para mahalin ng katulad nila basta!.

"hoy! bakit mo ginawa yun" singhal ni melody sa akin.

"bakit?"

"alam mo kahit naman sino ay masasaktan sa ginawa mo" galit na saad ni melody.

"magkapatid sila ayaw kung mag away ng dahil sa akin at parehas ko silang kaibigan kaya ko ginawa yun" paliwanag ko tumango tango lang si zamie.

"naiintindihan kita pero kung magtatagal pa yan kailangan mong mamili sa kanilang dalawa. Hindi naman forever na iignore mo lang lahat ng bagay. Kailangan mo ring malaman kung sino ba talaga ang nandyan" sabay turo ni zamie sa dibdib ko.

"hahaha nakakatawa ka zamie ngayon ko lang narinig na magaling ka palang mag advice. Bakit umibig ka na ba?" tanong ni melody dahil natahimik si zamie.

"paki mo!" galit na singhal nito.

"tignan mo tinatanong lang galit agad" natatawang saad ni melody hahaha mapang asar din itong babaeng ito at sa tingin ko magkakasundo kami agad.

"bumalik na kayo bibili akong palamig" pagtataboy ko sa dalawa dahil wala na masyadong nabili. Kaya nakabili na ako ng sarili kong palamig. Pagkatapos noon ay napagpasyahan ko na maupo muna sa  ilalim ng malaking puno ng acacia. Namumulaklak na ito kaya ang gandang tignan.

Abala ako sa paginom ng palamig nagpalinga linga ako baka may tao sa paligid. Nakakita ako ng lalaking nakaupo sa damuhan malayo itong nakatingin sa malawak na palayan. Sobrang ganda ng tanawin at nakaka refresh sariwa din ang hangin.

Nacurious ako kaya nilapitan ko ang lalaking iyon. Nagdadalawang isip pa nga ako baka kase sabihin ng iba na masyado akong malandi kung kani kanino ako nalapit. Halos isang metro nalang ang layo ko ay parang pamilyar ang lalaking iyon.

Si shawn lang pala iyon ni hindi nya nga ako napuna na lumapit kaya umupo ako sa tabi nya. Pero walang nag bago nakatingin parin sya sa malayo at malalim ang iniisip. Kaibigan ko si Shawn pero hindi ko pa sya kilala ng lubusan sa tingin ko katulad din sya ni caliber. May itinatago sa marami na kahit sya hindi nya masabi sa iba.

"okay ka lang" saad ko at gulat syang tumingin sa gawi ko.

"siguradong hinahanap na ikaw kayo ang susunod na ang tururuan ah" paalala ko sa kaniya. Pagkatapos kung sabihin iyon ay ibinalik nya ang tingin nya sa malawak na palayan.
Nakatingin lang ako sa kaniya nakaramdam ako ng lungkot sa ekspresyon palang ng mukha nya. Masyadong misteryoso sya kagaya nung unang kita ko sa kanya.

Ano ba ang iniisip nito? baka naman nagdamdam sa ginawa ko kanina?

Tanong ko sa sarili pero hindi ko naman malalaman kung huhulaan ko lang.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now