Chapter 14 FIRST DAY OF SCHOOL PART 2

1.7K 52 0
                                    


Shawn POV

Bumaba muna ako dahil may nakalimutan kong sabihin kay nanay Carmina na huwag na akong sunduin baka maabala ko pa sya. Habang pababa ng hagdan may Isang babaeng nakabangga sa akin at bumunggo ito sa aking dib dib. Napatingin ako sa kanya maganda ang hubog ng kaniyang katawan at bagay na bagay sa Kanya ang maikling palda dahil malalaki ang kaniyang hita at may pagkamorena sya pantay ang kaniyang kulay.

Hindi ko alam biglang natulala ako sa kaniya mas lalo nung tumingin sya sa akin parang anghel ang kaniyang mukha. bigla ulit itong tumungo at humingi ulit ng sorry bago umakyat. Tumakbo ako ng matanaw ko pa si nanay Carmina at sinabi ko sa kaniya ang gusto kong sabihin pagkatapos ay nag paalam bago bumalik ako sa building ng STEM .

Pumasok ako sa silid lahat sila ay nag papakilalahan sa isat isa pumunta ako sa dulo doon nakita ko ang babaeng pamilyar sa akin. Nakatungo ito at biglang pumihit sya at doon ko nakita ang kaniyang mukha tulog ito at may laway pa na tumutulo sa bibig nya.

Nang biglang dumating ang aming adviser tsaka lang ito nagising. Nakakatawa talaga sya napaka inosente at pinunasan ang kaniyang bibig.

" Class be please be seated ako ang magiging adviser nyo ako si Sir Kim Evangelista at ngayong araw ay mag papakilala kayo sa harapan Isa isa at pagkatapos noon ay aayusin natin ang inyo seating arrangement okay walang aangal STEM mataas ang expectations namin sa inyo magagaling kayongga bata paniguradong hindi ako mahihirapan sa Inyo "bungad na sabi ng teacher namin.

Pagkatapos sabihin iyon ng teacher namin ay Isa isa ng nag pakilala kinakabahan ako. at nung ako na ay tumayo ako huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Kamusta ako pala si Shawn dhylan Goza seventeen years old at ang hobby ko ay kumanta at mag gitara Yun lang".

Pagkatapos kong magsalita ay sumunod naman yung babaeng katabi ko pumunta narin ito sa unahan.

"Hi ako pala si heaven joy del Marie seventeen years old at ang hobby ko ay kumanta,mag basa ng Wattpad at K poper yung lang".

At pagkatapos non ay bumailk sya sa kaniyang upuan isinandal ang nya ang kanyang likod at ang kaniyang kamay ay nasa arm rest. Hanggang matapos ang pagpapakilalahan sa isat isa ay pumunta ang aming adviser sa unahan at may hawak itong papel doon nakalista ang aming mga pangalan.

"Okay class ito ang Pag kakasunod sunod ng inyong pangalan Pero gagawin natin alternate babae bago babae okay.

Alvarez Kimberly
Bautista Harold .......................
Heaven joy Del Marie ,Spencer Enrile
Amber Esperanza
Shawn dhylan Goza............... Joe Smith

Hanggang natapos ang arrangement ng upuan itong babaeng nasa tabi ko ay ang ingay kaibigan ito nung babaeng nasa dulo hayss. Ako naman ay tahimik lang dito at walang imik wala na kase kaming teacher ehh . Yung babaeng nasa dulo ng row namin ay si heaven magkatabi sila nung Spencer ata Yun, nung una tahimik lang sila maya maya ay kinausap ng lalaki si heaven.

Heaven POV

Wala pa rin akong imik hayss hindi ako mapakali ngayon katabi ko itong lalaking ito. Wala naman akong makausap ayon si amber nagkikipag kwentuhan doon sa mga kaibigan nya, nagseselos tuloy ako. Nakasimangot ako ng kinausap ako ng aking katabing lalaki may katangkaran, maputi at higit sa lahat mukhang may kaya sa buhay.

"Hello ako pala si Spencer Enrile"sabi nung lalaki.

"Hi ako pala si ..."

"Heaven joy del Marie tama? "

"Oo nga pala nag papakilalahan tayo kanina hindi kase hindi ako nakikinig ehh "sabi ko.

"Masyadong atang malalim ang iniisip mo?" tanong nito.

"Ahh kase masama ang gising ko pero okay na ako ngayon "paliwanag ko naman naaakwardan pa ako kase ngayon lang kami nagkita hindi pa namin kilala ang isat isa.

"Sige mamaya nalang ha sabay tayong mag recess wag kanang tumangigi minsan lang ito "saad nito tumayo sya at biglang lumabas sa room.

"Okay "nginitian ko ito at kumaway habang sinusundan ko sya ng tingin.

BEHIND HIS SMILE_SERIES 1_ (DONT FALL IN LOVE WITH A BROKE MAN)_BOOK 1_COMPLETEWhere stories live. Discover now