Chapter 34: Unexpected News

7.5K 112 1
                                    




Chapter 34: Unexpected News


Nicole's POV


Pagkamulat ng mata ko wala na si Vince sa tabi ko pero may iniwan siyang breakfast and note sa bedside table. Bumangon ako at knuha yung note na nakapatong doon.


Hey wifs,

Sorry kung pagkagising mo, wala ako sa tabi mo. You know naman na may shooting kami ngayon but I made you a breakfast with full of love. Please eat these food so that you will have an energy to the rest of the day.

I love you

Vince


(o^^o)


Kinikilig ako sa ginawa niya ngayon. Kinuha ko yung breakfast ko at inilagay ko sa lap ko. Binuksan ko yung nakatakip sa pagkain ko, pero bigla akong naka amoy ng mabahong amoy. Gusto kong sumuka kaya dali dali akong pumunta sa banyo para lang sumuka.


Halos yakapin ko na yung inidoro sa sobrang pagsusuka ko. Hinihingal ako na nakasalampak sa sahig ng banyo. Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa lababo, nag-tooth brush ako at nag hilamos para matanggal yung masangsang na amoy sa mukha ko.


Bumalik ako sa kwarto na naktakip yung ilong ko. Kinuha ko yung isang pagkain na alam kong mabaho. Tumingin ako dito.


French toast.


Dati gustong gusto ko ito pero bakit ngayon ayaw ko na? Inilayo ko sa kama yung mabahong pagkain na yun at nilapag sa coffee table sa sofa namin. Mamaya tatawagin ko si manang para itapon ito.


Nagsimula na akong kumain ng matiwasay. naligo at nag-ayos ako ng gamit pagkatapos kong kumain ng agahan. Bumaba ako kaagad kasama yung pinagkainan ko, tinakpan ko muna yung mabahong pagkain. Pagkarating ko sa baba hindi ko nakita si manang kaya nilapag ko nalang sa lababo yung mga plato at saka umalis.


"BYE MANANG!!!!!" sigaw ko para alam niyang aalis na ako ng bahay. Nagcommute na ako papuntang school. Nagkita kami ni Claire sa loob ng room sa unang subject namin.


"Hi Claire. Kamusta na kayo ni James?" tanong ko kaagad sa kanya. Hindi niya ako sinagot pero tulala siya at gumagalaw yung bibig. Lumapit ako lalo sa kanya sa upuan.


"Hinalikan niya ako. Hinalikan niya..." bulong niya pero naririnig ko ito.


Eh? Hinalikan siya ni James?


(^^,)


"Uyyyyy!!!! Hinalikan ka niya!" sabay tulak ko sa kanya. Mukhang nagising na si Claire at biglang namula. Tuwang-tuwa ako sa itsura niya, sinimangutan niya ako at saka pinalo sa braso. Napa-aray naman ako sa ginawa niya. Kahit kailan talaga, mabigat ang kamay ni Claire.


"Buti nga sa'yo. Hmp! Pinagtawanan ba naman ako." sabi niya ni Claire sa akin. Himas-himas ko yung braso ko na pinalo niya habang nakanguso.


"Sorry naman. Kamusta ang halik?" Tumawa ulit ako kasi namula ang mukha niya. Tinakpan niya ng mga kamay yung buong mukha niya at halatang kinikilig.


"Uyy!!! Kinikilig!" asar ko pa sa kanya.


"Tumigil ka na nga." sabi niya habang nakatakip pa rin yung mukha niya.


"Oh hindi na. Kwento mo dali kung anong nangyari." sabi ko sa kanya. Magsasalita na sana si Claire nang biglang dumating yung prof. namin kaya sinabi niya na lang na mamayang lunch na lang siya magkwento. Tumango na lang ako bilang sagot.


**fast forward**


*lunch*


Kinuwento niya lahat ng nangyari sa kanila at sobra ang kilig ko habang pumipila kami. Umorder ako ng mango shake at spaghetti. Umorder naman si Claire ng beef steak at isang orange juice.  Nang binayaran na namin yung pagkain naghanap na kami ng mauupuan. Buti na lang nakakita kaagad kami.


Kumain na kami habang nagkwekwentuhan, nilagyan ko ng toyo yung spaghetti ko kasi hindi ako nasasarapan. Ang sharap ng ganito. Napatingin naman ako kay Claire kasi ramdam ko yung tingin niya sa akin.


"Masarap?" tanong niya sa akin. Kita ko sa mukha yung pandidiri sa kinakain ko.


"Yup, gusto mong tikman? (^^)" alok ko pa sa kanya.


"Eeww.. Ayoko nga. Nakaka-" nagtaka naman ako kasi hindi siya nagsalita. NAnlalaki pa yung mata niya na parang may na-realize siya.


"Oh! Bakit?" hindi ko napigilang tanong sa kanya.


"Kailan ang huli mong mens?" tanong niya sa akin. Tumigil ako sa pagkain ko at nag-isip. Kailan nga ba?


"Last we- OH GOSH!!! (o_0)" bulalas ko.


"Yes!!! Oh gosh na oh gosh talaga. Babae ka!! Kailangan mong pumunta sa pharmacy para bumili ng PT" excited na sabi niya. Nakatulala pa rin ako sa na-realize ko ngayon.


"I can't believe it! Sige sige. Samahan mo akong bumili nun." sabi ko sa kanya.


"Sure. After class." sabi niya sa akin. Tinuloy namin ang pagkain ng lunch. Hindi talaga ako makapaniwala. Dios mío. Hindi ko alam kung ano yung iisipin ko, gagawin ko. Hinawakan ko yung tyan ko na hindi pa umuumbok, may maliit na buhay ang nasa loob ng tyan ko.

Happy


Nervous


Shock


Worry


And


Sad


Yan ang nararamdaman ko ngayon, naging halo-halo siya. Sana matapos na yung araw na ito.


**fast forward**


Kasama ko sa bahay namin si Claire para i-take ang PT, tinanong ko sa kanya kung nasaan si James pero ang tanging sagot niya ay may aasikasuhin daw si James. Bumili kami ng 5 PT para sure kung buntis nga ako o hindi.


"Ok. Simulan na natin." sabi ni Claire.


ε-('∀`; ) kaya ko to


*several minutes later*


(o_0)     (o_0)


(>_>)       (<_<)


"OH GOSH!" sabay naming sigaw.


Resulta?


POSITIVE


*********************************



VOTE

COMMENT

FOLLOW





THANK YOU ^_^

My Famous Husband (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora