Chapter 33: The Truth

7.1K 104 0
                                    


Chapter 33: The Truth


Vince's POV


Sinalang ko na yung CD at saka ako umupo sa tabi ni Marie. Pinulupot ko ang braso sa bewang niya at saka pinindot ko yung start button sa remote.


Natigilan ako sa nakita ko. Ako ang nasa loob ng video kasama ang lahat ng kaibigan ko sa loob ng cafeteria.


(o_0)


Eto yung part na pinagpustahan namin si Marie! Paano ito nakunan? Ako dapat ang magsasabi ng katotohanan kay Marie. 


Sa nagbigay nitong CD, mayayari ka sa akin. Balak talaga niyang paghiwalayin kaming dalawa. 


Nang matapos yung video, tinanggal ni Marie yung pagkakapulupot ng braso ko sa bewang niya at saka humarap sa akin na  naiiyak. Nasasaktan ako sa reaksyon ni Marie sa video.


"G*g* ka! Niloko mo ako! Pinagpustahan mo ako." naiiyak na sabi niya sa akin.


*Slap*


Masakit yung pagkakasampal niya sa akin, napabaling ako sa kaliwa. Dali dali naman siyang umalis sa kama pero nahawakan ko agad siya bewang at hinila ko siya pabalik sa kama. Hiniga ko siya dito, kinuha ko yung dalawang kamay niya at nilagay ko sa itaas ng ulo. para hindi siya makasampal sa akin ulit.


Nagpupumiglas pa rin siya at pinagsisipa ako pero dinaganan ko ito gamit ang binti para hindi makakilos yung mga paa niya


"Vince! Ano ba!? Pakawalan mo ako dito, hayop ka! Pinagpustahan mo lang pala ako!? Ano!? May nahita ka ba sa pustahan na yan!? Panalo ka ba!? Bakit nandito ka pa!? Doon ka sa mga kaibigan mong manwhore!!" sigaw niya sa akin. Tuloy tuloy yung pagtulo ng luha niya.


Nilagay ko yung mukha ko sa leeg niya at huminga ng malalim. Nasasaktan ako ngayon, sinisi ko yung sarili ko kung bakit nasasaktan ko yung pinakamamahal kong babae. Bigla siyang tumigil sa pagpupumiglas at hinihingal ngayon. Humihikbing nakahiga sa kama.


"Relax. ie-explain ko lahat ng ito." pumiyok na sabi ko sa kanya.  Hinalikan ko yung leeg niya para pakalmahin ko muna siya.


"W-wala ka nang i-eexplain sa akin! Nasa video na lahat! Narinig ko ng mabuti ang lahat ng pinausapan niyo! Kaya kung ako sa bitawan mo na ako!" sinubukan niyang magpupumiglas ulit sa akin pero mahigpit yung pagkakahawak ko sa kanya.


Hinahalik-halikan ko siya sa leeg hanggang siya ay napagod ulit. Nang naramdaman kong hindi siya gumagalaw inangat ko yung ulo ko mula sa pagkasubsob sa leeg niya. Huminga ako ng malalim bago magsalita.


Nicole's POV


Tinitignan ko lang siya at hinihintay magsalita.

My Famous Husband (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang