Chapter 4: Weird (2)

13.5K 175 2
                                    




Chapter 4: Weird (2)



Nicole's POV


Continuation––>


"A-ano ba yung pag-uusapan natin?" Utal kong sabi sa kanya. Yakap yakap ko pa rin yung unan ng mahigpit.

Ano ba dapat namin pag usapan?

Baka tungkol na naman sa paghatid sa akin ni Troy. Teka! Baka madulas ako at masabi ko sa kanya na may balak siyang manligaw sa akin.


Wala naman siyang pake kapag may manligaw sa akin.

Sumilip ako sa unan at nakita kong nakatingin siya sa akin at nag form ng smirk yung bibig niya. Gumapang siya papunta sa akin kaya napahawak ako ng mahigpit sa unan at yumuko ulit. Kinakabahan ako sa gagawin niya. At saka...


KINUHA NIYA YUNG FIRST KISS KO!!!!!!!!!!!!!!!!!




Naramdaman kong may lumulubog malapit sa akin, kaya dali-dali akong umatras hanggang sumandal na ako sa headboard ng kama.



Napasigaw ako ng makuha niya sa akin ang unan na niyakap ko. Pinalapit niya agad ako sa kanya gamit yung braso na nakapalibot sa akin.


Nilapit niya pa lalo ung mukha niya sa akin hanggang magkalapat na ung noo namin. Napatingin ako sa labi niya pero agad ko binalik sa mata, naalala ko kasi ang nangyari kanina.




"Ang lambot ng lips mo" sabi niya sa akin. Naitulak ko tuloy siya ng malakas dahil sa sinabi niya. Tatakpan ko sana yung mukha ko ng unan na pinulot lang sa tabi pero bigla nalang niya kinuha at hinagis.

Binaling ko sa iba yung ulo ko para hindi ko siya matignan pero hinawakan niya yung baba ko at saka hinarap sa kanya.



"S-simulan mo na kaya m-magsalita k-kasi nagugutom na ako." Bigkas ko sa kanya. Gumalaw ng konti yung dulo ng labi niya.

"Sinabi ko na bang ang lambot ng lips mo?" Tanong niya sa akin habang kagat yung labi niya.


"O-oo n-na. Dalian mo na lang yung pagsasalita at nagugutom na ako" kunyaring naiinis na sabi ko sa kanya pero deep inside maiihi na ako sa sobrang kilig.



"Sige, sagutin mo ung tanong ko kahapon" sabi niya sa akin. Nanlaki yung mata ko sa tanong niya.

Paano ba ito? Baka kasi madulas ako na nanliligaw si Troy sa akin. Kinagat ko yung dila ko at nag-isip ng magandang dahilan sa kanya.




"Ano na? Ayoko ng pinaghihintay ako" inip niyang tanong sa akin. Pinaglalaruan niya yung buhok ko at kung minsan inaamoy. Nadidistract ako sa ginagawa niya. Hindi ako makapag-form ng sentence.



"K-kasi ano.. " utal kong sabi.

"Ano?"

"Kasi sabi niya kakausapin niya ako, maghintay daw ako after school. Nang nagkita kami, sabi niya sa kotse na lang daw kami nag-usap. Tapos hintaid na niya ako dito.

Napatigil siya sa paglalaro ng buhok ko sa sinabi ko. "Ah ganun ba?" Tanong niya sa akin. Napatango na lang ako.


"Oo ganun kaya pwede ba lumayo ka na sa akin kasi kumakalam na yung tiyan ko sa sobrang gutom" totoo yun! Nagugutom na talaga ako. May gumagalaw talaga eh.


"Hindi pa tayo tapos mag usap" napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Hindi pa ba usap ang ginawa namin kanina?


"Eh ano pa yung pag uusapan natin?" Tanong ko sa kanya.


My Famous Husband (COMPLETE)Where stories live. Discover now