Chapter 36: Anniversary date ^_^

8K 122 1
                                    




Chapter 36: Anniversary date ^_^


Vince's POV


"CUT!!!! THAT'S A WRAP!!!" sigaw ng direktor sa amin nang satisfy na siya sa resulta ng acting namin.


*sigh*


Time check: 4:00 pm


Natapos din sa wakas ang shooting ngayong araw. Last na ito at matataapos na rin ang movie namin. Ngayon yung anniversary namin ni Marie, kailangan ko ng mag-isip ng plano para dito.


Ngayon lang kami makakapag celebrate nun kasi, you know naman na hindi pa kami close noong panahon na iyon.


"Good job guys! Ngayong natapos na yung scene na kailangan natin, yung premiere night na lang ang hihintayin natin." sabi ng director sa amin


Oo nga pala. Premiere night pa pala, isasama ko si Marie. Para isasapubliko ko na siya bilang asawa ko sa buong mundo, ayoko na kasing ilihim pa ito. Hindi pa alam ng manager ko ang plano. Mamaya ko na lang sasabihin bago ako umuwi.


"Vincent!" napalingon naman ako sa director, nakangiti siyiang naglalakad palapit sa akin.


"Yes?" tanging sagot ko habang nag-aayos ng gamit ko. Ayoko kasing may ibang humahawak sa gamit ko, kaya ko naman itong ayusin eh.


"May ka-date ka na ba sa premiere night?" tanong niya sa akin. Napatigil naman ako sa ginagawa ko pero itinuloy kona rin. Bakit niya ba tinatanong sa akin yan?


"Yes. Meron na." sagot ko.


"Sino? Si Camille?" tanong niya ulit. Napatingin naman ako kay Camille nang banggitin ng director yung pangalan niya, sakto naman na nakatingin siya sa akin kaya binigyan niya ako ng seductive smile with matching kindat pa. Naiinis na umiwas ng tingin sa kanya, kanina pa kasi siya nagpapansin sa akin eh.


"Hindi po, iba ang kasama ko sa premiere night. At isa pa may ia-announce ako." sabi ko sa kanya.


"Ano naman ia-announce mo. Pwede naman dito?" curious na sabi niya sa akin. Ngumiti muna ako bago ko siya sinagot.


"Sa premiere na lang po."


"Ganon, bakit kailangan doon mo pa i-announce?" tanong niya pa sa akin.


"Basta, malalaman mo sa premiere" Nagkibit balikat na lang si Director at saka umalis na sa harapan ko. Tumayo ako sa inuupuan ko sa tabi ng director at pumunta na sa dressing room para makapagpalit na ng damit, gusto ko ng makasama yung asawa ko lalo't ngayon may nagda-dalang tao na siya.


*sigh*


Bubuksan ko na sana yung pinto ng dressing room ko nang may narinig akong boses sa kabila. Bigla ko na lang narinig yung pangalan ng asawa ko sa kabilang dressing room. Ang alam ko si Camille ang nandon.


Lumapit ako para marinig ko ung pinag uusapan, kasi alam kong nasa panganib ang buhay ng asawa ko. Simula kasi na malaman ko na siya ang nagpapadala ng threat kay Marie, pinapapabantayan ko na siya ng palihim.


"Kailangan natin siyang kidnapin... Wala akong pakealam kung saan niyo siya dadalhin basta malayo yung babaeng yung kay Vince... sasabihin ko sa'yo kung kailan.." boses ni Camille. Lumayo agad ako pinto at dumeretso sa sarili kong dressing room.


Hindi ako pakali sa kwarto ko dahil sa narinig ko. Nasa panganib ang buhay ni Marie, kailangan ko ng kumilos. Kinuha ko yung phone ko at nag dial sa pinaka pinagkakatiwalaan kong tauhan.


My Famous Husband (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon