Chapter 31: The Transferees

6.6K 104 1
                                    


Chapter 31: The Transferees


Nicole's POV


Dumating yung prof namin na may dalawang estudyante. Mukhang bago pa lang sila dito


"May bago kayong kaklase." sabi niya. Isang babae at isang lalaki ang bagong estudyante. Maganda ang babae, parang isa siyang dyosa. Ang lalaki namin ay gwapo pero poker face lang siya. Hindi man lang ngumiti.


"Please, introduce yourselves" sabi ng prof. namin.


"Hi! Ang pangalan ko ay Victoria Pearce at siya naman ang kapatid ko na si Jace Pearce, please be nice to us ^_^" sabi ng babae. Lahat naman kami ay nagpalakpakan. Ngumiti lang si Victoria pero si Jace ay wala pa ring reaksyon.


"Ok, you may sit down besides Ms. Lanting." sabi ng prof. at saka tumalikod para magsulat sa board. Naglakad na si Victoria papunta sa pwesto ko kasunod si Jace sa likuran niya. 3-seater kasi ang mga upuan dito kada column, eh ako lang mag isa sa upuan ko huhu T_T wawa naman si ako. Tumayo sila sa gilid ko.


"Hi." nakangiting bati ni Victoria. "Pwede bang sa gitna ka umupo?" nakangiting paalam niya. Nagulat naman ako kasi pwede naman silang umupo sa gilid ko.


"Oh, o-okay" sabi ko na lang. Kahit naman nagtataka ako lumipat pa rin na ako. Ang nasa right ko ay si Victoria at ang nasa left ko ay si Jace. Nagsimula na ang prof. namin mag-discuss.


**Fast Forward**


*bell ring*


Haaaayyyy.... Sa wakas natapos na rin ang klase. Sa buong oras na yun kinakausap ako ni Victoria ng palihim para hindi kami mapagalitan ng prof. Nakakatuwa siyang kadaldalan. Bukod kasi angking kagandahan, mabait pa siya. Halata naman sa mukha niya eh, mukhang anghel. Tahimik lang yung kapatid niya. Tumayo na ako at inayos yung gamit ko. 


"Halika na bessy, lunch na tayo." sabini Claire mula sa pintuan ng room. Hindi pala pumasok si Claire kaninang umaga.Hindi ko alam kung saan siya naglagalag eh. Ngumiti ako sa kanya at dali daling lumapit.


"CLAIRE!!!!!" Napalingon kami sa sumigaw ng pangalan niya. Nakita ko ang isang gwapong lalaki na fiance ni Claire na tumatakbo papunta sa amin. 


"James!!!" nagulat naman na sigaw ni Claire. Huminto siya sa tapat namin na humihingal.


"Sabay ka sa akin kumain, may sasabihin ako ^_^" sabi niya sabay hatak kay Claire.


"W-wait!" sabi ni Claire. Nagkibit balikat na lang ako. Tinigna ko sila Victoria sa upuan namin pero wala na sila. Siguro umalis na sila.


Napangiti ako nang makita ko si Vince na naglalakad papunta sa direksyon ko. Nakangiti siyang huminto sa harap ko. Hinawakan niya agad yung kamay ko at hinila ako papunta sa kanya. Hinalikan niya muna ako sa noo at saka kami naglakad papunta sa Cafeteria. 

My Famous Husband (COMPLETE)Where stories live. Discover now