Chapter 12: Protection

10.8K 141 0
                                    



Chapter 12: Protection


Nicole's POV


Maganda ang aking gising kasi magkatabi kaming matulog ni Vince. Nagkwentuhan pa kami bago natulog. Kinikilig pa rin kasi ako.


Bumangon na ako sa aking kama, mukhang maaga gumising si Vince ngayon. Wala na kasi sa tabi ko, siguro may shooting yun.


Nag-inat lang ako saglit bago pumasok sa banyo. Nagbihis ako ng t-shirt at jeans pagkatapos kong maligo. Nag-ayos lang ako ng konti bago lumabas ng kwarto ko.


Pagbaba ko. Nakita ko si Manang naghahanda ng makakain sa lamesa. Dahil Masaya ako, bigla kong niyakap si manang.


"Susmaryosep kang bata ka! Huwag mo akong ginugulat ng ganyan at baka maihampas ko itong kutsarang hawak ko" galit na sabi ni Manang sa akin habang sapo ang kanyang dibdib.


"Pasensya ka na manang. Masaya lang talaga ako." Ngiting sabi ko. Umupo agad ako pagkatapos kong yakapin si manang.


"O'sya, kumain ka na. Alam ko naman na masaya ka kasi magkatabi kayong matulog ni Vince" nanunuksong sabi manang sa akin. Namula naman ako sa sinabi ni manang.


Nagkwentuhan pa kami ni manang habang kumakain. Nagpaalam agad ako ng makita kong male-late na ako.


Paglabas ko ng pinto, nanlaki ang mata ko ng makita si Vince sa labas. Nakasandal siya sa kotse niya na parang model. Ngumiti siya ng makita niya ako. Gusto kong matunaw sa ngiti niya.


"Anong ginagawa mo dyan sa labas? Akala ko may shooting ka?" Lumapit agad ako sa kanya. Binuksan niya yung pinto bago siya nagsalita


"Mamaya pa pagkatapos ng class ko sa hapon" sabi niya sa kin. Tumango lang ako.


"Halika na, baka malate pa tayo sa school." sabi ko kanya nang nakapasok na ako sa loob, Tumawa lang siya at sinarado yung pinto. Pagkapasok niya sa kotse pinaandar niya agad ito. 


Habang binabagtas namin ang daan papuntang school, magkahawak kamay kami sa loob ng kotse, at syempre ang lola niyo ay kinikilig sa pangyayaring nagugustuhan niya. Nakita ko na yung park na babaan ko.


"Dito mo na lang ako ibaba" sabi ko kanya habang tinatanggal yung seatbelt ko. Nagulat ako nang nilampasan niya iyon. "Hindi." deretsong sabi niya habang papasok sa gate ng school.


Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nataranta na ako ng nakikita ko na yung mga fans niya. Tinignan ko Vince pero nakangiti lang siyang nagda-drive.


Nag-park na si Vince sa pwesto niya dito sa parking lot. Agad kaming napaligiran ng mga taga-hanga niya. Kinakabahan ako kaya napahawak ako sa kamay ni Vince.

My Famous Husband (COMPLETE)Where stories live. Discover now